Surprise Gift

37.1K 222 10
                                    

Humanap ng mga taong maaaring makatulong ni Vice para sa Christmas gift niya kay Karylle. Tumawag sa mga kaibigan para magtanong kasi sa totoo lang hindi pa niya nagagawa 'yon. Habang abala naman si Vice ay si Karylle ay nakabili na ng regalo rin para kay Vice.

December 24: Christmas Eve

Magkasama sina Vice for lunch kasi hindi muna sila magkakasama ng Christmas Day dahil may kanya-kanya silang family gathering and personal activities. Kasama nila ang malalapit nilang kaibigan. Dumalaw na rin sila para makapag-bigay ng ilang regalo pa na hindi nila naiibigay. Nakakapagod pero sinulit nila ang oras.

Vice: Ano nga ulit 'yong gagawin mo sa 26?

Karylle: kasama ko sila Mama at close family friends sa... sa Tagaytay. 

Vice: Ilang araw naman kayo do'n?

Karylle: Sabi ni Mama, 3 days.

Vice: *tumango lang*

Karylle: ba't medyo tahimik ka, Pogi?

Vice: Wala naman.

Karylle: Bakit nga? Dali na..

Vice: Iniisip ko kasi... paano tayo makakapagcelebrate ng Christmas? Unang pasko kasi natin 'to.

Karylle: Sinasama kaya kita do'n kaso sabi mo gusto mo makasama pamilya mo.

Vice: Eh kasama ni Ate si Nanay. Ayoko nga malungkot sa Christmas.

Karylle: Suamama ka sa Ate mo.

Vice: Layo eh. *tumingin kay K* Ayaw mo ba 'ko isama do'n?

Karylle: Di naman sa ayaw, Pogi. Siyempre gusto ko na nando'n ka kaya lang my family is quite formal in terms of celebration, baka mabagot ka.

Vice: Eh di pasasayahin ko kayo.

Karylle: Seryoso, gusto mong sumama?

Vice: Ayaw mo yata eh... *tampo* Sige na okay lang.

Karylle: Asus, nagtatampo na naman ang baby ko . *hawak sa pisngi*

Umirap si Vice. Natawa si K.

Karylle: Sige na, sasama ka na.

Vice: Hmp... napilitan ka lang eh.

Karylle: Hindi.. *kiss sa lips* mahal kita.

Vice: Mahal din kita. *ngumiti naman kay K*

December 25: Christmas Day

Nag-celebrate ang phenomenal loveteam kasama ang kanilang kanya-kanyang pamilya. Pagkatapos magsimba ay puno na ng handa ang lamesa at mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree. Masaya. Kahit may kulang na miyembro, masaya pa rin silang magkakasama. Pagsapit ng 12MN, tumawag si Karylle kay Vice para batiin ito. Nag-usap sila ng mga isang oras hanggang sa kailangan na nilang kumain. 

Parehas pa nilang hindi naibibigay ang regalo nila sa isa't at hindi alam ni Vice kung paano niya nga ba 'yon gagawin ng maayos o kung maayos nga ba ang magiging resulta. Ngunit nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya. :)

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now