Continuation: Notes

34.5K 226 17
                                    

Pagkasarado ni Karylle ng mga binatana at pagpatay sa kuryente, palabas na siya ng pinto ng may makita ulit siyang notes... Yes literally plural. Notes in Heart Shape. That time mas na-touch na siya kasi drawing siya of human sticks mula sa bading pa lang si Vice hanggang sa maging close sila ni K hanggang sa maging sila... ang ending... Wedding. Tapos sa gitna ng heart may ilang notes na magkakatabi forming the words, "JUST US and NO ONE ELSE."

 Nahulog ni K ang dala niyang bag at kinuhanan ng picture ang gawa na iyon ni Vice tapos ay pinost ito sa instagram and twitter. With heart lang. Wala siyang ibang caption na nilagay. Natigilan si K at matagal siyang nakatitig sa ginawa na 'yon ni Vice.

Maya-maya ay tumawag si Vice.

Vice: Hello Baby, nandito ko sa lobby. Nakita ko pa 'yong sasakyan mo kaya alam ko di ka pa nakakaalis.

Hindi makapagsalita si K.

Vice: Hello. Baby... *nilakasan ang boses kasi baka mahina lang ang signal* Hello, Karylle?? 

Hindi pa rin sumasagot si K.

Vice: Hello.. *Lumakas lalo at lumipat ng pwesto kasi baka nga sa signal.* K, naririnig mo ba ko? *chineck ang telepono kasi baka wala na si K sa linya pero nandoon pa naman*

Karylle: Vice, sige ahmm bababa na 'ko. *malamya ang boses*

Vice: Ahh ohh sige... Teka...

Karylle: Bakit?

Vice: Okay ka lang ba? Gusto mo sunduin na lang kita diyan?

Karylle: Hindi na, baby. Sige na pasakay na ko sa elevator.

Vice: Sige. 

Pagbukas ng elevator nabigla si K kay Vice kasi terno ang suot niya sa pinasuot ni Vice sa kanyang dress. Nakangiti naman ng todo si Vice at kinuha ang mga bitbit ni K at hinawakan ito sa kamay. Speechless pa rin si Karylle. Nakatingin na sa kanila ang mga tao na nasa lobby at maraming lumilingon talaga sa boyfriend niya na mga babae. Pagdating sa sasakyan ay inalalayan ni Vice si K pasakay at inayos ang mga gamit nito sa tabi ng mga gamit niya at tinabihan na ito sa upuan. Pag-andar ay tumingin lang sa salamin si Vice at inayos ang buhok niya. Nakatingin lang si K. Napatingin na rin si Vice kay Karylle.

Vice: Okay ka lang ba? May sakit ka ba? *hinawakan sa leeg si K*

Nakatingin lang si K.

Vice: Karylle, nawiwirdohan na 'ko sa 'yo ha. Ba't ba parang wala kang reaction?

Tumulo ang luha ni Karylle. 

Vice: Oh my... *biglang nilapitan si K at niyakap* Baby, ano bang problema? *pinunasan ang luha ni Karylle*

Karylle: Pwede ba tayong magpunta sa Majayjay Church ngayon?

Vice: Huh? Baby may Showtime tayo.

Karylle: Please... 

Nagtinginan sina Vice at Karylle. 

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now