Ulan

37.9K 228 6
                                    

Pagdating naman ng Sunday. Hapon na nagising sina Vice at Karylle. Pero tinawagan ni Zsazsa si K para ayaing magsimba at pumayag naman ito. Sinasama niya si Vice pero nahihiya siya kaya umuwi na lang siya.

Pagkauwi naman ni Vice ay buo ang casting ng mga beks sa bahay niya. Nang-trip sila ng inuman at game naman siya. Uminom sila pero hindi naman lasingan. Ang gulo ng bahay niya. Hindi pa sila nakuntento sa kaguluhan na 'yon, rumampa pa sila. Nang medyo late na ay pinauwi na ni Karylle si Vice at walang anu-ano ay sumunod naman ito. Inasar siya ng mga kaibigan niya kasi "under" na raw siya kay K pero dedma na lang at tinawanan sila.

...

Hindi alam ng phenomenal loveteam na may issue pala sa kanila kaya naman hindi pinalampas ng SIR (Showbiz Inside Report) si Karylle habang naglalakad palabas ng dressing room.

Cesca Litton: Hi Karylle, I'm Cesca of SIR. Okay lang ba mainterview ka sandali?

Karylle: Oh Hi *smile* Sure. Tungkol saan?

Cesca Litton: Ah kasi may issue kasi sa mga tabloids ngayon na naghiwalay na raw kayo ni Vice. Totoo ba 'yon?

Karylle: *natawa* Sa'n nanggaling 'yan?

Cesca Litton: Ayon kasi sa mga naturang tabloids, hindi na raw kayo nakikitang magkasama ni Vice at madalas na raw kayong nag-aaway kaya madalas mainit na ang ulo ni Vice sa trabaho.

Karylle: *nag-isip ng tamang sagot* Ahh sa hiwalayan na 'yan, ewan ko pero masaya naman kasi kami ngayon. Pero hindi ko idedeny na nagkaroon kami ng malaking problema noong mga nakaraan buwan. Kaya lang never naman kami naging open sa iba tungkol sa kung anuman ang problema namin lalo sa trabaho kasi ang mga bagay na gano'n di naman kailangan maipublicize pa.

Cesca Litton: So hindi totoo na magkahiwalay na kayo ngayon?

Karylle: Hindi. Hindi. *smile pa rin*

Cesca Litton: Last question na lang, K. Isa raw na dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Vice ay ang pagpipilit mo sa kanyang maging lalaki siya. Totoo ba na pinipilit mo siyang magbago?

Karylle: *natawa lalo* kahit kailan naman hindi naging issue sa akin ang sexuality ni Vice. At bago ko pa siya naging boyfriend kilalang kilala ko na siya. Siguro kung may bagay man akong natutunan sa relasyon namin, siguro 'yong pag nagmahal ka ng isang tao di talaga enough 'yong tanggap mo lang siya kung sino at ano siya... dapat tanggap mo rin 'yong kung ano 'yong hindi siya. Kaya never namin napagtalunan ni Vice 'yan.

Cesca Litton: Salamat K, sa oras para sagutin ang ilang katanungan ng madla tungkol sa relasyon ninyo ni Vice.

Karylle: Thank you rin. Pero wala kaming idea na may ganyan kaming chismis. Haha.

...

Pagkaalis ni Karylle ay dumiretso na siya sa meeting place nila ni Vice. Kinuwento niya na may chismis pala sila at parehas lang silang natawa. Grabe sobrang private na nga nilang dalawa tungkol sa mga kaganapan sa relasyon nila pero lumabas pa rin ang isyu ng break-up.

Sinamahan ni Vice magpa-salon si K. At dahil matagal siyang maghihintay, nagpagawa na rin siya ng kung ano sa salon. Masaya ang araw na 'yon ang buong salon dahil sa kadaldalan ni Vice. Lahat ng gumagawa sa kanila ni K ay ginu-goodtime niya. Meron pa siyang niloko na chubby pero kahit wala siyang binabanggit, na-gets naman na ng lahat ang joke niya kaya tawa sila ng tawa. 

Pagkalabas nila ng Salon, malakas ang ulan. Hindi nadala ni K ang payong niya.

Karylle: Patilain na lang muna natin ang ulan, baby. Mabilis lang naman siguro 'yan.

Vice: Hindi na. Pag hinintay pa nating tumila 'yan malelate ka sa appointment mo.

Karylle: Eh sayang naman 'tong buhok ko pag sumulong tayo diyan.

Vice: Para naman kasing pasusulungin din kita sa ulan. Hintayin mo na lang ako dito.

Karylle: Ha, eh baka magkasakit ka.

Hindi na nakinig si Vice sa pagpigil ni K, bigla na lang itong tumakbo papunta ng parking at dali-daling kinuha ang sasakyan. Pagsundo pa nito, bumaba siya para payungan si K pasakay ng sasakyan. Basang basa na si Vice.

Karylle: Baby, may iba ka bang t-shirt diyan? *pinunasan si Vice gamit ang panyo niya* palit ka muna basang basa ka na. Kulit mo kasi.

Vice: Okay lang 'yan. Matutuyo rin 'yan.

Karylle: Magkakasakit ka nga. *punas sa leeg ni Vice*

Vice: Baby, mahalaga 'yong appointment mo okay, kaya di na tayo pwedeng maghintay pa ng pagtila ng ulan. *inayos na ang sarili para makaandar na.*

Karylle: Pero mas mahalaga ka sa 'kin kesa sa appointment na 'yon.

Napatingin si Vice kay Karylle.

Vice: Wag ka na mag-alala ha. Okay lang ako. Sanay na ko maligo sa ulan. *hinawi ng bahagya ang buhok ni K para halikan ito ng mabilis* Mas okay na 'kong mabasa wag lang ikaw.

Karylle: Cheesy!! *akmang kukurutin ang ilong ni Vice pero pinigilan niya ito*

Vice: Oh... muntik na nman, baby ha.

Karylle: Haha di na nga tinuloy eh.

Nang paalis na sila ay napansin ni Vice na di pa naka-seatbelt si K kaya kinabit na muna iyon ni Vice. Na-sweetan naman si Karylle sa ginawa na 'yon ni Vice.

Karylle: Alam mo *seryoso* may sarili ka talagang way ng pagiging sweet.

Vice: Huh? *habang nagda-drive*

Karylle: Basta *hinawakan na lang ang kamay ni Vice na nakapatong sa kambyo* salamat sa pagiging sweet.

Vice: I love you. *lumingon saglit kay K*

Karylle: I love you. *ngumiti*

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now