He's coming back.

37.9K 245 8
                                    

Sa biglaang pagtulog ni Vice sa bahay ni Karylle, hindi maiiwasang makaramdam ng lungkot si K. Nasa tabi niya ang taong sobrang mahal niya pero hindi niya magawang mahawakan. Bakit nga ba hindi? Pakiramdam kasi niya, kailangan siya ni Vice bilang kasama o kaibigan pero hindi bilang girlfriend.

Ang idea ng break up nila ang nagpapalungkot kay Karylle. Si Vice kasi ang lalaking hinintay niyang dumating sa buhay niya. Hindi ito perpekto pero sa kanya niya naramdam 'yong satisfaction at saya. Sapat ng dahilan 'yon para mahalin niya si Vice ng sobra. At katumbas ng sobrang pagmamahal na 'yon ay ang sakit ng pag-iwan ni Vice sa kanya. Sa isang pagkakamali't pagkukulang niya, binitawan siya ni Vice.

Napalingon siya sa katabi niya. Tinignan niya ang mukha ni Vice. Mula sa buhok. Sa noo. Sa mata. Sa ilong. Hanggang sa labi. Miss na miss na niya si Vice sobra. Napapikit si K kasi para siyang sinuntok sa dibdib sa sakit na naramdaman niya. Hindi na mapigilan ni Karylle ang maluha kaya siya ay napabangon. Umupo siya sa kama. Nagising naman si Vice.

Vice: K? *boses ng bagong gising. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso* Anong problema?

Hindi nakasagot si Karylle. Pinunasan niya lang ang luha niya.

Vice: Teka... *bumangon siya. Tinabihan niya si K.* Bakit ka umiiyak? *nag-alala*

Nakayuko lang si Karylle at di sinasagot si Vice. Napaluhod naman si Vice sa harap ni K para makita niya ang mukha nito. Hinawakan niya ang pisngi ni K.

Vice: K, anong problema? *punas sa luha ni Karylle* Bakit ka umiiyak ha?

Karylle: Nasasaktan ako.

Vice: Saan?

Karylle: Sa atin. *humikbi* Hindi ka na muna dapat nagpunta dito.

Napabitaw si Vice at hinawakan na lang si K sa kamay.

Vice: Kung hindi ka okay na nandito 'ko, naiintindihan ko. Uuwi na lang ako. Wag ka lang umiyak. Kasi ayaw ko ng dagdagan pa 'yong sakit na naidudulot ko sa 'yo.

Tumayo na si Vice at kinuha niya ang unan at kumot niya.

Karylle: *tumayo* Ba't ka nga ba nandito?

Vice: Kasi hindi ako makatulog sa bahay... kasi iniisip kita.

Karylle: Hanggang kailan ba tayo ganito, Vice? Kasi nahihirapan na 'ko. *umiyak na talaga*

Hindi makatiis si Vice. Binitawan niya ang mga bitbit niya. Lumapit siya kay Karylle at niyakap ito ng sobrang higpit. Napayakap na rin si K. Naramdaman nilang dalawa ang pagkasabik. Maya-maya ay bumitaw sila. Nagkatinginan lang sila habang nakayakap naman ang mga braso ni K sa leeg ni Vice. Hinalikan ni Vice si Karylle.

Iyon ang halikan na punung-puno ng emosyon. Intense but full of passion. Bumibilis ang tibok ng puso ni Karylle. Habang nakakaramdam naman ng init ng katawan si Vice. Pero bago pa sila tuluyang makalimot, pinigilan ng mangyari iyon ni Vice. Naglayo muna sila ng kaunti. Magkatitigan. Medyo humihingal.

Matapos ang ilang minuto ng matinding halikan ay lumapit na rin si Vice kay Karylle, dinikit niya ang noo niya rito. Habang nakahawak ang kaliwang kamay ni Vice sa bewang ni K, inabot naman ng kanang kamay niya ang kabilang kamay din ni Karylle at inilapit sa dibdib nito.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now