Sweets

35.3K 247 36
                                    

Out of nowhere biglang nagising si Vice. Pagdilat niya tumingin siya sa paligid at parang sumakit ang ulo niya. Tapos biglang gumalaw si Karylle sa tabi niya at tumalikod. Tinignan niya ang cellphone niya, andaming late birthday greetings sa kanya. May missed call din ang Nanay niya at mga kapatid. Nagtext na lamang siya sa mga ito. Bumangon siya at nagpunta sa CR. Paglabas niya, humiga na muna siya ulit sa tabi ni K. Kahit nakatalikod si Karylle sa kanya, tinitignan niya ito.

Biglang sumagi sa isip niya: Sila pa kayang dalawa, 10-20 years from now? Ganoon pa rin kaya sila kung sakaling sila na talaga ang magkatuluyan? Inisip din niya kung sakaling hindi, ano ng mangyayari sa kanila? Napabuntong hininga si Vice. Pinilit niyang ipasok ang kaliwang kamay niya sa pagitan ng unan at leeg ni Karylle pagkatapos ay yumakap naman ang kanang kamay niya sa bewang nito. Mahigpit na yumakap si Vice at binulong sa tenga ni K: "I love you so much." Gumalaw si K at nagising. Kaso lang hindi siya sigurado kung tama ba 'yong narinig niya o naalimpungatan lang siya. Tinignan niya yakap talaga siya ni Vice kaya napalingon na siya sa katabi niya. At dahil madilim pa noon, hindi niya masyadong nakikita ang mukha ng mahal niya. Humarap na lang siya kay Vice at niyakap din ito.

Vice: baby *pabulong*
Karylle: Gising ka talaga?
Vice: *medyo natawa* oo.
Karylle: may sinabi ka ba kanina?
Vice: *tumingin kay K kahit madilim* I love you... *hinalikan* so much.

Napangiti si Karylle. Hindi na lang siya nagsalita, hinalikan na lang din niya ito.
Natahimik sila hanggang biglang nagsalita si Vice.

Vice: ahmmm baby?
Karylle: oh?
Vice: okay lang naman magyakap tayo pero ahmmm layo mo lang ng kaunti 'yong binti mo at...
Karylle: eehh sanay ako ng ganito... *lalo pang dumantay kay Vice* Bakit ba?
Vice: ayy jusko po... *napaatras na* ahh kasi *nag-isip paano sasabihin* kasi 'yong ano... Ang mga lalake tuwing umaga nagigising din sila...
Karylle: sila?
Vice: oo 'yong mga kapatid ni Jun-jun.. Eh baka di ko mapigilan magawan kita ng baby ng di oras.

Lumayo si Karylle at patagong natatawa.

Vice: tignan mo 'to tinatawanan pa ko.
Karylle: hahaha sobra ka na kasing magreact sa akin. *kurot sa tagiliran ni Vice* ang hilig mo!!
Vice: aaarraayy naman!! Atlis sa 'yo lang ako mahilig. Hahaha. At saka nagpapakatotoo lang ako sa 'yo no! Mahirap naman maramdaman mo pang pag-inat ni Jun-jun.
Karylle: bastos! *hinampas si Vice*
Vice: anong bastos do'n? Para namang di mo love si Jun-jun. Hahaha.
Karylle: ewan ko sa 'yo! Matulog na tayong magkahiwalay. para kumalma ka naman. At wag kang didikit sa akin!
Vice: sobra naman.. Bawal dumikit.
Karylle: matulog ka na.
Vice: kahit yakap lang?
Karylle: no!
Vice: holding hands na lang?
Karylle: no! Atsaka.. *kinuha ang unan na gamit ni Vice* akin na 'to ha. Para may mayakap ako.

Wala na nagawa si Vice. Natatawa pa rin si Karylle. Hanggang sa makatulog na sila.


...



Kinaumagahan dahil nga bumabawi pa rin si Karylle ay nag-stay muna siya sa bahay ni Vice kasama ang mga kabarkada nito. Maya-maya dumating si Buern, may dalang pagkain at DVD.

Archie: movie time!!
Karylle: anong movie 'yan?
Vice: You to me are everything hahaha.
Karylle: alam mo talaga mga movies niya ha!
Vice: naman... Fan kaya ako ng Dingdong-Marian love team. Hahaha.

Hinampas ni Karylle si Vice.

Karylle: move on!!
Vice: hahaha joke lang. Joke lang. *niyakap si K*
Archie: kakaloka kayong dalawa, kailan lang halos gumuho na 'tong bahay sa bangayan niyo tapos ngayon...
Vice: move on!!

Donna: inggit ka lang! Haha
Buern: lagi kasing daot kay baby boy..
Archie: kung makapagsalita ha..
Vice: tara nood na. Nood na tayo.
Karylle: pa-order muna tayo ng pizza. *tumingin kay Vice*
Vice: gusto mo?

Tumango si Karylle.

Raffy: gusto ko rin.
Jegs: ako rin.
Vice: sige. Shakey's na lang may card ako.
Karylle: yey.. Thank you.

Si Karylle na ang tumawag at nagpaorder ng 2 boxes of pizza. After 30 minutes dumating na ito. Sa sala may kanya-kanya ng pwesto. Ang love team nasa mahabang sofa. Si Buern nasa maliit na sofa. Si Jegs at Archie magkatabi sa floor. Si Raffy, Donna at Jan naman, chillax na chillax sa pwesto nila sa bean bags.

Movie title: Four Sisters and a Wedding

Lights off. Windows covered with curtains. Aircon is on.
Pang-movie theater na ang atmosphere.

Archie: buern, sa'n mo nakuha ang original dvd?
Raffy: wag mong sabihing binili mo.
Buern: binili ko nga.

Sabay-sabay sumagot ang mga bakla kasama na si Vice: "weh di nga?"

Buern: hoy grabe ha, kaya ko naman bumili ng original dvd basta naka-sale hahaha.
Vice: ayon... Sale naman pala.
Buern: oh ano? Ayaw niyo bang panoorin? Kasi kukunin ko na.
Jegs: wag... Ayan na oh magsisimula na.

Hanggang sa tahimik na lahat. Busy lang sina Archie, Jan at Karylle sa pagkain.

Nang sa kalagitnaan na, tahimik na lahat na nanonood. Nang biglang magtanong si Donna.

Donna: teka ano si Toni?
Vice: katulong siya sa Spain.
Donna: ahh hindi totoong teacher.
Karylle: si Bea yata ang pinaka-successful sa kanila diyan.
Vice: siya nga at ang ganda ni Shaina diyan ha.
Karylle: oo mas maganda kasi siya pag simple lang.
Vice: tama ka.

Hanggang sa tahimik na sila ulit. Maya-maya humiga si K sa lap ni Vice. Medyo nilalamig na siya.

Vice: karylle, dito ka nga. *pabulong na pinabangon si K*

Bumangon si Karylle, sumandal siya sa bandang chest ni Vice.
Yumakap naman si Vice sa kanya.

Vice: okay ka na ba diyan?

Tumango lang si K.
Natatawa sila sa family ni Angeline. Wirdo kasi.
Natatawa rin sila sa mga failed plans ng four sisters para hindi matuloy ang kasal.

Vice: nakakatawa talaga si Angeline. No'ng guest ko siya sa ggv, sobrang hindi siya aware na nakakatawa na siya.
Karylle: at sobrang humble niya talaga.
Vice: oo nga.
Buern: ang laki ng ginanda niya no?
Archie: oo, antaba kaya niyan dati.
Vice: hindi namin alam yan haha.
Jegs: *pinause ang player* ano? Magkukwentuhan na lang ba kayo o manonood tayo?
Vice: *mahinang binatukan si Jegs* makaano naman... Ang sungit. Play mo na.
Karylle: oh wag na tayong maingay, nagagalit na si Jegs.

Seryoso na sila hanggang matapos ang movie. Natuwa naman ang lahat sa naging kwento ng Four Sisters kahit si Karylle. Pinuri nila si Bea at Toni tapos balik na naman kay Angeline. Sobrang crush naman ni Donna si Enchong. Kilig na kilig pa.

Niligpit naman nina Karylle at Vice ang pinagkainan nila. Nagtapon din ng basura si Archie. Maya-maya biglang nag-aya si Buern maglakad-lakad sa labas.

Karylle: sige tara. *tumingin kay Vice* join ka?
Vice: sa'n?
Karylle: lalakad daw sa labas.
Vice: ahh o sige. Saglit lang kunin ko lang cellphone ko sa kwarto.

Lumabas na si Karylle kasama sina Buern, Raffy at Jegs. Nagpaiwan sina Jan at Donna pati si Archie kasi mas gusto nilang umidlip muna.

Medyo natagalan lumabas si Vice.

Karylle: bakit antagal mo?
Vice: ahh may tumawag kasi..
Karylle: sino?

Hindi alam kung paano sasabihin ni Vice. Buti na lang sumingit ai Jegs.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now