Unang Pagsubok

35.4K 219 17
                                    

Paglabas ni Vice, napaupo sa sofa si Karylle. Naiyak dahil sa takot na baka iwan na naman siya ni Vice. Naka-takip ng kamay niya ang mukha niya. Iniisip niya kung 'Paano kung ipagpalit na siya ni Vice sa isang lalaki?' Hindi niya 'yon makakaya. Tinignan niya ang singsing na bigay sa kanya ni Vice. Lalo siyang naluha.

...

Habang hinihintay ni Vice ang pagbukas ng elevator, hindi siya mapakali. Naiinis siya sa sarili niya. Si Karylle na ang nakahalata na may gusto siya kay Marcus kaya hindi na niya maitatanggi ang katotohanang iyon. Nagmula na sa mga kaibigan niya at malala, girlfriend pa niya ang mismong nagsabi. Palakad-palakad siya ng nakapamewang sa harap ng elevator. Tumitingala.

Vice: Jose Marie, mag-isip ka! *sabi sa sarili na may pang gigigil*

Maya-maya bumukas na ang pinto. May ilang tao na lumabas at bumati sa kanya. Pinilit niyang ngumiti sa mga ito. Papasok na sana siya sa elevator nang mapalingon siya sa hallway papunta ng unit ni Karylle. May iba siyang naramdaman. Sinuntok niya ng mahina ang pader sa may pinto elevator at dali-daling bumalik sa unit ni K. Nag-doorbell ng nag-doorbell si Vice ng sunod-sunod.

Bago buksan ni K ang pintuan ay pinunasan na muna niya ang mga luha niya at inayos ang sarili ng kaunti. Pagbukas niya si Vice.

Pagbukas ng pinto ni Karylle, nalungkot si Vice na makitang kaiiyak lamang ni K. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit papasok ng bahay. Hindi nagsasalita si Vice. Bumitaw siya kay K at tinignan ito sa mukha. Naluha na naman si Karylle. Nagtitigan lang sila na para bang nag-uusap habang hawak ni Vice ang mukha ni K. Bigla siyang hinalikan ni Vice.

Naging marahas ang pagkakahalik ni Vice ng mga panahon na 'yon. Madiin na para bang inaangkin ang mga labi ni Karylle. Tumutugon naman si K sa paraan ng paghalik ng kanyang boyfriend. Napahawak si K sa T-shirt ni Vice.

Hindi maintindihan ni Vice ang damdamin niya sa mga oras na 'yon basta lang ang malinaw sa kanya, mahal niya si Karylle at wala ng kahit sino o kahit ano pang makakapagpabago ng pagmamahal niya para sa kanya. Binuhat niya bigla si Karylle habang tuloy pa rin ang intimate kissing scene nila. Nagpunta sila sa kwarto. Parehas na silang wala sa wisyo. Mas naging mainit ang bawat eksena. Bawat haplos ni Vice ay tila kuryenteng nagpapasunod sa katawan ni Karylle. Napasandal sila sa pader. Napalakas ang pagkakatulak ni Vice kaya lumayo muna ito para tignan ang mahal niya. Kaso hindi na iyon napansin ni K kaya naman hinalikan niya ulit si Vice.

Pagkatapos ng intimate na eksena ay nanghina si Vice. Nakadapa siyang pumikit habang humihingal din na nakatingin sa kanya si Karylle. Dumilat si Vice at nakita niyang tumutulo ang luha ni K. Lumapit ito. Pinunasan ang luha ni K. Lumapit din ang mukha ni Karylle sa kanya. Nakapikit lang sila.

Vice: Bakla pa rin ako, K. *naiiyak na rin* Bakla pa rin ako.

Napalunok si Karylle at may kirot siyang naramdaman sa dibdib niya. Hindi siya nagsalita.

Vice: Nag-rereact kami ni Jun-jun kay Marcus, K.

Karylle: Vice, please stop.. *umiyak na* Nasasaktan ako.

Tumulo na rin ang luha ni Vice. Niyakap niya si Karylle ng sobrang higpit.

Vice: Ayaw ko ng maglihim pa sa 'yo dahil mas mahalaga ka sa 'kin. *tumutulo ang luha* At kahit nasasaktan na naman kita ngayon, Karylle... Sorry... I'm so sorry...

Karylle: Gu-- Gu--- gusto mo na ba sa kanya?

Vice: Hindi.

Karylle: Then why are you hurting me?

Vice: *nalungkot sa sinabi ni K* Dahil ayaw ko na ng ganito.

Karylle: *tumingin kay Vice* No please.. not again..

Vice: Ayaw ko ng maging bakla, K. Gusto ko ng maging lalaki para sa 'yo. *hinawakan ang kamay ni K*

Hindi nagsalita si K.

Vice: Karylle... *huminga muna ng malalim* Alam ko ayaw mong mawala ang kabaklaan ko. Masaya ko. Malaya ako. Akala ko nga gano'n lang kasimple na umasta lang akong lalaki kapag nandiyan ka, okay na. Kaya lang bumabalik. *tumingin kay K* Pero ayaw ko na. *humikbi* Mahal na mahal kita, K. Kung alam mo lang, gustung-gusto na kitang pakasalan. *naiyak* Natatakot kasi ako maging mahina ulit.

Karylle: Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Vice: Galit ka ba sa 'kin?

Karylle: Hindi ko alam.

Vice: K, kausapin mo 'ko. Sabihin mo sa 'kin ngayon kahit ano.

Karylle: Bigla ko lang kasing naisip, sa tuwing nasa isang relasyon ako parang ako na lang lagi 'yong nangangamba na baka iwanan ako. Para kasing pare-parehas lang kayo. *biglang bumitaw kay Vice* Sinasabi mo gusto mo kong pakasalan. Sinasabi mo mahal mo 'ko pero... 

Vice: Hindi mo kailangan maniwala sa sinasabi ko, K. Naiintindihan kita.

Tumingin si Karylle kay Vice. Tahimik lang silang dalawa. Tumalikod muna si Karylle kay Vice. Naiiyak pa rin siya. Nalungkot si Vice pero hindi niya hinayaan na gano'n. Pinadaan niya ang isang kamay niya sa ilalim ng leeg ni K, at ang kabila niyang kamay ay pumatong sa bewang nito para mayakap niya pa rin si Karylle kahit nakatalikod siya sa kanya.

Vice: *pabulong* Hindi kami pareho. Dahil sila, hinayaan kang mawala. Ako, kahit pa bakla ako at galit ka na sa 'kin hinding hindi pa rin kita pakakawalan. Hinding hindi na.

Napapikit si K sa sinabi ni Vice. Hinawakan niya lang ito sa kamay habang humigpit lalo ang yakap sa kanya nito. Sa katahimikan hindi na nila namalayang nakatulog na sila.

[Guys, sorry for this short update. Di bale 'yong last medyo full blast naman. I'll try to make the next one this week but I can't promise 'cause my lectures/textbooks are asking too much of my time. :)) Muli ay sana huwag kayong magsawang sumubaybay sa kwentong ito. Stay positive, guys. Have fun. :)]

The Irony -=ViceRylle=-On viuen les histories. Descobreix ara