Shoot Day #2

33.5K 209 16
                                    

Shooting day. Ang scene ay kissing scene na nina Vice at Anne. Hindi komportable si Vice sa gagawin nila pero wala naman siyang magawa dahil iyon ang hinihingi sa kanya ng trabaho niya. Inoccupy nila ang isang bar sa Makati for a night para sa kanilang eksena.Kasama rin nila doon si Karylle dahil may isang eksena na silang tatlo na ang magkakasama.

Direk Wenn: parang dapat yata dagdagan 'yong ilaw sa gilid tapos dito banda sa kaliwa 'yong reflector kasi hindi balanse tignan sa camera.

Iyon ang sabi ni Direk sa isang camera man.

Nasa gitna na noon sina Anne at Vice. Habang hindi pa nagsisimula, nag-aasaran sila dahil balisa si Vice.

Anne: hindi ko alam kung bakit takot na takot ka diyan.
Vice: ako takot? Ha... Ako takot? Baka himatayin ka sa halik ko Ngangabu... Mahirap diyan mahulog din ang loob mo sa 'kin.
Anne: hahaha. Tignan natin haha. Makakailang take kaya tayo?
Vice: isa lang! Aba gusto mo pa marami? Abuso, Anne ha.
Anne: kapal mo Viceral.
Vice: hahaha. Aminin mo nga sa 'kin, may pagnanasa ka ba sa 'kin?
Anne: K!!!

Lumingon lang si Karylle na noon ay abalang nagtetext lang.

Maya-maya pa ay sumigaw na si Direk para mag-ready na lahat.

Direk Wenn: okay, Vice... Ready ka na?

Nagtawanan ang lahat pati si K, natawa na.

Vice: eh ano pa ba... Ready na kayong lahat eh.
Anne: relax, viceral haha.

Direk wenn: okay. Action!

Titigan pa lang... Bigla ng natawa si Anne.

Direk Wenn: cut!!

Nagtatawanan na talaga ang lahat.

Vice: ano ba haha. Loko kayo. Tapusin na 'to!

Lumapit si K at nagpipigil ng tawa tapos ay pinunasan ang mukha ni Vice na pinagpapawisan na.

Vice: hmm... Baby, tinatawanan mo rin ako. *nagpa-cute*
Karylle: *nagpipigil pa rin ng tawa* uyy hindi ha.
Anne: natatawa din si K hahaha. Nakikita ko siya kanina.
Karylle: *natawa na talaga* hahaha sorry... *niyakap si Vice* grabe, pawis na pawis ka na. Haha.
Vice: kasi mainet!!

Lalong natawa sina Anne at Karylle.
Medyo nailang talaga si Vice gawin ang eksena kaya nakailang take pa. Hanggang nang medyo hindi na natutuwa si Vice. Nagpatulong na siya sa girlfriend niya. Nagbreak na muna sila. Kinalma din siya ni Anne. Nahihiya na rin kasi si Vice sa kaibigan niya.

Karylle: baby, okay lang yan.
Vice: di ko talaga kaya. *yumakap kay K*
Karylle: *niyakap din si Vice* ganito na lang, isipin mo hindi si Anne 'yon. Kunwari ako na lang 'yong kaeksena mo.
Vice: eeehhh. *sumimangot na* ibang babae siya eh. Di ako komportable.
Karylle: baby... *hinawakan sa mukha si Vice*
Vice: okay na sige na. Last na lang.
Karylle: last na lang. Kaya mo yan ha.

Bumalik na sa set si Anne at Vice. Ginuide ni Anne at Direk Wenn si Vice para hindi na siya mailang at para hindi na ito masyadong mahirapan. Naiintindihan naman ni Anne si Vice kasi nga naman si K lang naman ang babaeng nahalikan niya.

Nang magsimula na ang eksena, seryoso na lahat. Focus lang si Vice.

Anne: can you kiss me? *in character*
Vice: is that all you want to ask me?
Anne: why? Can you give more?
Vice: don't dare me.

Biglang lumapit si Vice, hinalikan si Anne with very light movement according sa script. Nilagay lang ni Anne ang kamay niya sa leeg ni Vice para maging cue ng pagtapos ng eksena.

Direk Wenn: Cut!!

Nagpalakpakan ang mga tao. Nagsigawan.

Direk Wenn: nice shot!
Anne: sanay na sanay humalik... Hahaha.
Vice: magpapaospital na 'ko. Baka na-rabies na 'ko.

Hinampas ng malakas ni Anne si Vice.

Vice: hahaha joke lang. *niyakap ng mahigpit si Anne* thanks for helping me, sis.
Anne: hahaha, first gay kiss kita.

Lumayo si Vice at naglakad na palayo kay Anne sabay sabing: "I'm not gay anymore."
Tumawa na lang si Anne.



...



Hindi pa doon nagtapos ang eksena may ilang part pa ng scene na ginawa sina Vice at Anne. Gumawa rin ng scene sina Karylle at Vice pero wala pa silang ugnayan noon kaya parang casual conversation lang. Natagalan lang talaga sila sa kissing scene.



...



Wednesday schedule: Pictorial.

Si Liz ang pumili ng mga isusuot ni Vice for the pictorial na sa umpisa pa lang ay hindi na naging okay kay Karylle pero dahil nga sa trabaho, wala siyang nagawa. Abala ang lahat sa pag-aayos. Pumili rin si Sydney ng outfit for Karylle and with the make-up artist, inayusan nila ito. Si Vice naman, si Buern pa rin ang kanyang ultimate hairstylist. Sina Vhong at Anne may kanya-kanya rin taga ayos.

Then, pictorial begins.

Ilang take din iyon at nakailang palit sila ng outfit. Medyo sexy sina Vhong at Anne. Samantalang sina K at Vice ay formal.

Habang break nila, sa dressing room magkasama sina Vice at Liz pero nasa loob din naman si Buern at Archie.

Liz: you need to go to gym.
Vice: bakit? Mataba ba 'ko?
Liz: haha, ano ba, Vice. Baka nga wala ng taba diyan sa katawan mo.
Vice: so para saan naman ang gym?
Liz: para maging macho ka.
Vice: ano??
Liz: oh ba't gulat na gulat ka? Ayaw mo bang maging macho?
Vice: bakit pa eh masaya naman ako sa katawan ko?
Liz: Vice, yung girlfriend mo sobrang sexy..
Vice: type mo?
Liz: shut up! What I mean is, she's sexy kaya dapat maging sexy ka rin para sa kanya.
Vice: so, don't you find me sexy?
Liz: kung bakla ka pa, okay yang katawan mo eh pero ngayon, di ba nagpapakalalaki ka na. Kailangan mo ng magweights.
Vice: ayoko baka mainlove ka sa kin.
Liz: I'm serious, Vice. Look, si K super active sa workout to keep her body in shape. So you're expected to do same.
Vice: *binaba ni Vice ang hawak niyang cellphone* Nagpakalalaki na nga ako para sa kanya eh, kailangan ba baguhin ko lahat sa sarili ko para lang maging karapatdapat ako kay Karylle? Sobra naman na. Nakakasawa.

Sakto naman nang pagkabitaw ni Vice ng mga salita na 'yon nasa pintuan si Karylle at narinig niya 'yon. Iba ang naging interpretasyon niya kaya medyo nasaktan siya at nalungkot.

Liz: no, you're getting me wrong. What I mean, Vice... She's making an effort para maging maganda para sa 'yo... Maging fit sa 'yo... Don't you think, dapat gawin mo rin 'yon for her? Just be healthy and have your body a bit in shape. Sobrang perfect 'yon.

Vice: Hindi na kailangan 'yon.
Liz: Vice, alam kong dapat tanggap natin ang mga taong mahal natin pero kasama sa buhay natin na gumawa ng effort para matanggap din nila tayo, di ba?

Hindi na lang nag-react si Vice.



...



During the pictorial medyo naging moody si Karylle. Hindi naman halata ng lahat pero naramdaman iyon nina Vice at Sydney. Hindi niya rin masyadong kinakausap si Vice.

Gabi na ng matapos ang pictorial, nang uwian na lumapit si Vice kay Karylle.

Vice: tara na. *binitbit ang bag ni Karylle*
Karylle: I'll go home with Sydney, Vice.
Vice: huh? Teka usapan natin kanina di ba, sabay tayo magdidinner?
Karylle: okay nagbago na isip ko. *kinuha ang bag*
Vice: *hinila si K* sandali nga, ano na naman bang problema?
Karylle: ang OA mo naman. Gusto ko lang umuwi kasama si Sydney. 'Yon lang.

Bumitaw si Vice. Nagitnginan sila. Hindi na nagsalita si Vice at medyo bad trip na lumabas ng dressing room ni Karylle.

Nakita ni Karylle na sabay sa elevator sina Vice at Liz kasama naman si Anne at sina Buern. Lalong nainis din si K.

Hanggang makauwi, bwisit ang dalawa sa isa't isa. Medyo mainit na rin ang ulo ni Vice kasi hindi na niya maintindihan si Karylle kaya hindi na lang siya nag-effort kausapin ang girlfriend niya. Si K naman umuwi muna sa bahay ng Mama niya. Lumipas ang magdamag na hindi nila natapos ang problema nila.

Kinabukasan pagpasok naman nila sa Showtime, hindi sila nag-uusap. Kalma lang si Karylle pero apektado si Vice. Hindi na siya nakatiis, kinausap na niya sa dressing room si Karylle ng sarilinan.

Karylle: Vice, ang daming tao. Pwede ba?
Vice: ano ba kasing problema?!
Karylle: paranoid ka lang.
Vice: shit naman, K oh! *sabay hampas sa lamesa*
Karylle: shit? Shini-shit mo ko?  wow, Vice ha.
Vice: hindi na kasi kita maintindihan eh.
Karylle: alam mo kung naiinis ka na sa 'kin o kung nahihirapan ka na sa akin pwede ka naman humanap na ng iba. Hindi 'yong shini-shit mo ko.
Vice: ano?! Ano bang humanap ng iba na naman 'to ha?

Karylle: ikaw? Di ba nahihirapan ka na sa 'kin? Sa atin? Besides, di ba di naman kayo okay ng dad ko at nasasaktan ka na. Bakit ka pa magtitiyaga sa 'kin... Sa relasyon natin? Pwede ka naman maging masaya sa iba. You can be gay again and find a man para hindi ka na nagpapakapagod magpakalalaki... At maging...

Vice: K, teka.. Andaming issues. *napahawak sa noo* Ano ba talagang gusto mong sabihin?
Karylle: let's move on, Vice.

Biglang may kumatok sa pinto. Si Billy.

Billy: kuys, ayos lang kayo? magsisimula na tayo.
Karylle: nag-uusap lang kami, Billy.

Biglang lumabas ng pinto si K. Nilapitan naman ni Billy si Vice.

Billy: anong nangyari, Vice?
Vice: gano'n ba talaga ang mga babae, Billy? Ang labo eh. Sobrang labo talaga.

Billy: *tinapik sa balikat si Vice* Kuys, ang mga babae kasi may hormonal changes at medyo moody talaga kaya pag ganun, sobrang sensitive sila sa mga bagay-bagay kaya habaan mo na lang ang pasensiya mo. Tara na.

Vice: tama.. Ayokong ma-confuse.
Billy: loko ka ha!! *sabay tulak kay Vice*
Vice: hahaha peace!!

Sa TV, mukhang okay ang loveteam. Siyempre dapat hindi maapektuhan ang trabaho nila.

Nang uwian, maagang umalis si K dahil may pupuntahan pa siyang rehearsals. Nakatingin lang mula sa malayo si Vice.

Donna: LQ, tutoy?
Vice: di ko alam eh. Tara na.
Buern: sabi ni Sydney late raw sila uuwi. Sunduin mo kaya para makapag-usap kayo.
Vice: lagi na lang ba ako?

Naglakad na palayo si Vice at nagtinginan naman sina Buern sa likod.

Dumiretso naman si Vice sa taping niya sa GGV. Buong maghapon naghihintay lang si Vice ng text galing kay Karylle. Pero wala.

Si Karylle naman habang abala, pasimpleng tinitignan niya rin ang cellphone niya kung nagtext na si Vice. Pero wala.

Lumipas ang..

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat na oras..

Malalim na ang gabi, wala pa ring tawag o text o tweet sa isa't isa sina K at Vice. Apektado talaga si Jose marie at medyo nag-aalala na. Pagkadating niya sa bahay, dali-dali siyang pumasok sa kwarto para magbihis at puntahan na si K. Laking gulat niya nang makita niyang nakahiga na sa kama si Karylle at tulog na. Lumapit siya rito kasi hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Hinawakan niya sa kamay. Buhok. Pisngi. Nagising si Karylle at bumangon.

Karylle: sorry, intruder ako sa kwarto mo. Namimiss na kasi kita. Hindi na kita matiis.
Vice: mas namimiss kita. Gusto na nga kitang puntahan.

Biglang pumasok si Archie.

Archie: tutoy, nasaan pala 'yong.... *napatingin sa dalawa* ayy... Sorry.

Pagkalabas ni Archie, ni-lock na ni Vice ang pinto.

Vice: *umupo sa tabi ni K* ano bang naging problema, Karylle? Bakit mo sinabi 'yong kanina?

Karylle: *naluha* I am so afraid of losing you, baby. I can't handle the idea na baka magsawa ka sa 'kin, mapagod ka sa relasyon natin. Baby, hindi ko na alam paano ko makakarecover kapag nawala ka sa akin.

Vice: bakit mo ba naiisip yan? Mamatay na ba ko?
Karylle: hindi.. Hindi.. *umiiyak na* possessive na nga yata ako sa 'yo, baby.
Vice: *yumakap* baby, wag ka na umiyak please. Naiiyak na rin ako eh.
Karylle: I'm sorry kung nahihirapan ka na.
Vice: saan ba?
Karylle: sa atin. Sa akin.
Vice: may problema ba tayo, K?

Naiyak na lang si Karylle. Tinignan siya ni Vice. Pinunasan ang luha nito.

Vice: makinig ka sa akin, Karylle. *tinaas ang chin ni K para eye-to-eye sila.* Karylle, kahit yata mawala ako sa mundo, sa 'yo pa rin ako at sa 'yo lang ako. Kung may nagawa man ako o kung nagselos ka ulit sa amin ni Liz o kung kanino pa... Patawad. Pero sa akin trabaho lang 'yon at para sa akin kaibigan ko lang sila. 'Yong sa daddy mo, kinalimutan ko na 'yon. Ilang beses ko ba kailangan patunayan na ikaw lang para sa 'kin at sa 'yo lang ako ha?

Karylle: hanggang kailan mo ako kayang mahalin ng ganito?

Vice: hangga't humihinga pa ako, mamahalin kita sa paraang alam ko at kaya ko.

Napasandal si K sa dibdib ni Vice at niyakap siya ng mahigpit nito.

Karylle: *humihikbi pa at medyo pabulong* narinig ko kayo ni Liz na nag-uusap pero mas narinig ko na lang marami ka ng ginawa para maging karapatdapat ka sa akin. Nakakasawa. *naiyak si K* nasaktan ako, Vice pero mas natakot kasi baka nga nagsasawa ka na. Natatakot akong iwan mo na naman ako.

Kumunot ang noo ni Vice. Inisip niya kasi kung kailan niya nasabi 'yon. Tumingin si K.

Vice: kailan ba 'yang sinasabi mo?
Karylle: kanina lang sa dressing room mo.

Nag-isip ulit si Vice. Napabuntong hininga siya nang maalala niya.

Vice: sabi sa akin ni Liz noon, mag-gym na raw ako. Magweights kasi ikaw in good shape at sexy so dapat ganoon din daw ako. Sabi ko, ayoko. Sabi niya, ikaw raw nag-eeffort para maging fit para sa akin dapat daw ako rin. Kaya lang, baby, kilala mo ko.. Ang mga ganoong bagay kapag ginawa ko hindi na ako 'yon. Kaya parang naisip ko na naman, kailangan bang gano'n pa para maging bagay tayo? Nakakasawa na kasing pakinggan. 'Yon lang ang ibig kong sabihin do'n, K. Hindi ako nagsasawa sa 'yo. Nagsasawa lang ako sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa atin at mga kaibigan ko pa.

Karylle: never ko naman hiningi sa 'yo magpamacho ka. Mahal ko ang Vice na nakikita ko ngayon. Ang gusto ko lang naman kumain ka sa tamang oras kasi ayokong magkasakit ka.

Vice: tanggap ko pa 'yon. Kaya nga parang napikon din ako no'ng kausap ko si Liz no'n.

Karylle: mahal kita, Vice kahit payat o mataba ka pa.
Vice: ako rin kahit maging lumba-lumba ka pa, hinding hindi ako magsasawa sa 'yo.
Karylle: talaga?

Hindi na sumagot si Vice. Hinalikan na lang niya si Karylle. Medyo matagal ang halikan nila. Hindi naman torrid, saktong halikan lang. Maya-maya naligo na si Vice. Habang naliligo ito, nakaramdam naman ng gutom si Karylle kaya lumabas muna siya para humanap ng makakain. Medyo mugto pa ang mata niya at halatang umiyak. Sakto naman nasa kitchen sina Donna at Archie.

Archie: oh Kurba, okay ka lang?
Donna: pinaiyak ka na naman ni Jose Marie? Asan na ba 'yon nang masapok?
Karylle: *natawa* hindi.
Archie: ahh LQ no? Pansin ko kanina eh.

Hindi na sumagot si K.

Donna: ayy tom jones ka ba?
Karylle: medyo..
Donna: anong gusto mo, kanin o tinapay o chips?
Karylle: tinapay na lang.
Donna: sige gagawan kita.
Karylle: ay hindi na, Donna. Ako na.
Donna: nope, ikaw ang tunay na prinsesa sa amin kaya relax ka na lang diyan.
Archie: penge rin ako ha.
Donna: prinsesa ka ba?
Archie: reyna actually!

Natawa naman sina Donna at K.
Kumuha ng tinapay si Donna at tinoast ito. Nagprito siya ng itlog at ham. Maya-maya lumabas na si Vice. Ambango. Bagong ligo.
Niyakap niya mula sa gilid si K.

Karylle: sorry ginutom ako.
Donna: hoy, tutoy bakit mo pinapaiyak si Kurba?
Vice: hoy hindi ah!
Archie: deny pa, te? Oh maga pa mata ni K.

Tinignan ni Vice. Hindi na umimik si K.

Vice: *kiniss si K sa noo* sorry.
Donna: kita mo? Kita mo? Ikaw talaga. Dahil diyan, wala kang sandwich! *binigyan na ng tinapay sina Archie at K*
Archie: ansama sama mo, tutoy. *sabay kagat sa tinapay*
Vice: hoy!! Baka nakakalimutan niyo ako bumili niyan at saka, hindi ko pinapaiyak si Karylle no.

Tumingin lang si K. Tumingin din si Vice.

Vice: sige na, guilty na.

Natawa na sila.

Karylle: gusto mo? *alok ng sandwich kay Vice* masarap.
Donna: dahil umamin ka na, ito na oh *inabutan na rin ng tinapay si Vice*
Vice: sama niyo, pinagtutulungan niyo ko. *pa-kyut pa na kumagat sa sandwich*

Pagkatapos kumaina, nagligpit na sila sa kusina. Ang love team bumalik na sa kwarto ni Vice. Sabay silang nag-toothbrush. Antok na si Karylle dahil sobrang daming nangyari sa kanila buong araw. Humiga na siya agad. Tumabi naman si Vice at niyakap siya ng sobrang higpit. Natuwa naman si K kasi medyo nilalamig din siya. Nakasiksik lang ang katawan ni K kay Vice habang si Vice naman yakap siya na parang unan. Kiniss na lang niya ang girlfriend niya sa noo at nakatulog na sila.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon