Nahahalata Na

42.3K 328 9
                                    

Sabay pumasok sa studio si Karylle at Vice. Naka-mini skirt si K at shirt na gift sa kanya ni Vice. Si Vice naman nagshort shorts lang din, plus hooded shirt. Hindi masyadong Pogi ang porma ni Vice kasi namimiss na niya magsuot ng pang medyo pang girl.

Nakasalubong nila si Billy sa entrance.

Billy: Uy kuys, sabay ba kayong pumasok?
Karylle: nakisabay lang ako, Billy.
Billy: owwws???
Vice: kaloka ka, Billy... Tatanong tanong ka dyan tapos di ka maniniwala.
Billy: eh kasi, I smell something fishy...
Karylle: *Napangiti* sige na muuna na 'ko sa dressing room.

...


Sa Sine Mo 'to... Ang partner ay sina Karylle at Jhong. Sa tuwing maglalapit sina K at Jhong ay umaalma si Vice.

Vice: wag ka masyadong lumapit. *Hinawakan niya sa damit si Karylle.*
Jhong: nagseselos ka ba, cutiepie?
Vice: eh ito kasi *turo kay K* anlandi landi.
Karylle: uyy sumusunod lang ako sa tagapagsalaysay.

Nakaisip naman ng idea si Billy na medyo iniba ang gagawin nina Jhong at Karylle.

Billy: ...nang makita ni Jhongo si Kire ay nilapitan niya ito at niyakap. At naglapit ang kanilang mga mukha, nag nose-to-nose at...
Vice: teka lang. Teka lang. Ica-cut ko lang 'to sandali...

Nagtawanan ang madlang pipol. Sumingit naman sa gitna si Vice sa pagitan nina K at Jhong.

Vice: hindi niyo ba nakikita habang nagpeperform kayo nasa likod lang ako..

Natatawa na lahat.

Vice: tapos ginaganito niyo ko. *Tumingin kay Jhong at dinuro.* You don't do that to me!
Madlang Pipol: hooo!!!!

Nagpatugtog si Dj MOD.

Anne: teka teka teka...
Vice: ano, magca-cut ka rin?
Anne: *natawa* Vice, nagseselos ka ba dahil kay Jhong o ayaw mo lang mahawakan ni Jhong si K?
Billy: ayun naman pala... Anong meron diyan?

Nangiti lang si Karylle at tumabi sa gilid.

Vice: ginagawa ko 'to para sa publiko!!!

Tawanan lahat.


...

Sa kalokalike.

Habang nagtatalent ang unang contestant ay naghaharutan naman sa gilid sina K at Vice. Lalo silang naging sweet. Ang di nila alam maraming nakakapansin. Panay ang bulungan habang nakaakbay naman si Vice kay K.

Vice: di pala ko makakasama sa 'yo mamaya. May meeting na para sa production sa concert ko. Sa Araneta na kami mamaya.
Karylle: late ka ulit matatapos?
Vice: baka...

Hinawi ni K ang bangs ni Vice.

Karylle: sige focus na lang muna sa trabaho, Pogi.
Vice: di mo ko mamimiss?
Karylle: hmmm... *Napayakap sa bewang ni Vice.*

Pagkatapos naman ng talent portion nung contestant ay kinailangan pa silang tawagin ni Vhong.

Vhong: alam mo parang di dapat si Joanne (contestant) ang kausapin natin.
Billy: palagay ko nga, kuys. Kasi mas kapansin pansin sila..

Natatawa si Anne. At wala namang kamalay-malay sina Vice at Karylle. Pumunta sa gitna nila sina Billy at Vhong..

Vice: ayyy!!! Bakit?
Karylle: ano? bakit?? o.O
Billy: baka lang kasi gusto niyong i-share yung pinagbubulungan niyo kanina.
Vice: huy, sira ano ba... *Umiiwas.* issue ka.
Billy: Vice, ba't parang nagba-blush ka?

Hinampas ni Vice si Billy sa braso.

Vhong: di kasi kahit wala sa inyo yung spotlight, sa inyo na kami napapatingin eh.

Nakangiting lumayo si Karylle at napansin naman ito ni Vhong.

Vhong: sa'n ka pupunta..? *Hinila si K.*
Vice: uyy wala ng oras... Trabaho na. *Namumula*

Tumawa yung mga hosts at walang tigil pa rin sa pang-aasar.
Inintroduce na ni Karylle ang hurado na magco-comment.


...

Sa dressing room naman ng boys kinukulit pa rin nina Billy at Vhong si Vice.

Billy: di nga, kuys... May something ba kayo ni Karylle?
Vice: ano bang something, Billy? *Habang naglalaro sa ipad*
Billy: something... Alam mo na yun!!!
Vhong: oo nga vice, kayo na ba?
Vice: pag close, kami agad?
Vhong: ang sweet niyo naman kasi...
Billy: oo nga di na simpleng close yun.
Vhong: halata di ba.
Vice: wow, 2 vs 1 ang labanan dito ha. Fair na fair. *Naglalaro pa rin ng ipad*
Billy: wala to di tayo pinagkakatiwalaan.
Vhong: oo nga ganyanan na.
Vice: parehas ang treatment ko kay Anne at K. I love them both EQUALLY.
Vhong: para namang di ko nakikitang binubulungan mo si Anne.
Billy: Oo nga naman.

Tumingin si Vice kay Vhong.

Vice: malamang sa di ko ipapakita sa 'yo jombagin mo pa ko :)) chaka kayo rin bang dalawa *tingin kina billy at vhong* ViceRylle fan na din?
Billy & Vhong: siyempre!
Vhong: botong boto pa.
Vice: ba't nung kami ni Jhong di ganyan? Hahaha. Charot! Hayy kahit magdamag tayo dito wala kayong mapapala sa 'kin.
Billy: wala 'to corny.
Vhong: pero vice, yung totoo... Ikaw ba may chance pang magkagusto man lang sa babae?

Napatingin si Vice kay vhong.

Vice: I think it's just the same answer if I ask you kung may chance bang magkagusto ka rin sa isang bakla. *Pa-joke*
Billy: ayun lang resbak agad.
Vhong: *natawa na lang*

Maya-maya pumasok na ang Road Manager ni Vice na si Marvin.

Marvin: Vice, we need to go.
Vice: okay.

Tumayo na si Vice at nagligpit ng gamit.

Vice: una na ko. Bye boys.
Billy: Basta Vice ha, di pa tayo tapos kay K.
Vice: che!

Natawa sina Billy at Vhong.
Pagkadating ni Vice sa lobby, hinahanap niya si Karylle kaso di niya ito makita. Tinawagan niya agad ito.

Ring.Ring.

Vice: hi, baby.
Karylle: hello, pogi.
Vice: Sumilip ako sa dressing room mo, wala ka.
Karylle: ayy kinita ko lang si Iya. Sa'n ka?
Vice: di na kita makikita? Paalis na kasi ako.
Karylle: ngayon na?
Vice: oo eh, pasakay na ko sa sasakyan.
Karylle: ayy sa taas pa ko.
Vice: puntahan kita saglit.
Karylle: totoo?
Vice: oo saglit lang tatakbo ko diyan at baka masita na naman ako nitong si Marvin.
Karylle: sige. 3rd floor lang.
Vice: ok.

Binaba na ang phone. Pagdating ng sasakyan kinausap niya agad si Marvin.

Vice: Marv, saglit lang balik ako in few minutes.
Marvin: pero Vice, naghihintay na sina Direk..
Vice: alam ko, saglit lang. Tabi lang kayo diyan kahit wag mo na patayin ang sasakyan. Mabilis lang ako.

...


Dali-daling umakyat na lang sa hagdan si Vice para mas mabilis. Pagdating niya sa 3rd floor, hingal na hingal na siya. Nakita niya si Karylle malapit sa elevator.

Karylle: oh?? Ba't sa fire exit ka dumaan?
Vice: exercise lang. *Hinihingal pa rin.*
Karylle: eh sana ako na lang bumaba kanina para di ka na nahirapan.
Vice: kiss mo ko... *pout for a kiss*
Karylle: ha? eh andaming tao dito.

Hinila siya ni Vice sa Fire Exit dahil walang tao doon at kiniss niya si K ng medyo matagal.

Vice: I'll miss you.
Karylle: ako din. *nakayakap sa leeg*
Vice: sige na, baby. Dami kong agenda today.
Karylle: uyy kakain ka ha.
Vice: snacks.
Karylle: baby, lunch and dinner din.

Biglang nag-ring ang phone ni Vice at si Marvin na ang tumatawag.

Vice: baby... Kelangan ko na gumora.
Karylle: sige na. *Kiniss si Vice ng smack na lang.*
Vice: bye, I love you.
Karylle: love you. Behave ha. :) *punas sa pawis ni Vice sa noo*

Tumakbo ulit pababa si Vice at dali-dali ng sumakay sa van.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon