First Day: Pagbabalik ni Vice Pogi

43.3K 347 15
                                    

Paglakad pa lang sa lobby ni Vice, nakita na niya si Billy kasama naman ang kanyang girlfriend.

Anlaki ng mga ngiti nito at tinignan siya head to toe. Napatingin din si Vice sa suot niya.

Billy: Kuys, anong nangyari sa 'yo?

Nikki: hi, vice! *beso*

Vice: uy hi, nikki... *Beso rin kay Nikki* Buti ka pa bumati muna ano... *Sabay tingin kay billy* di tulad ng iba diyan.

Natawa si Billy at Nikki.

Nikki: ang gwapo mo Vice...

Pabirong umirap si Vice.

Billy: kuys, ikaw ba talaga yan?

Vice: ano bang tingin mo sa 'kin ha, billy... Clone?

Kumuha sa bag ng chocolate si Vice. Inabot 'yon kay Nikki.

Nikki: thank you, Vice.You're so sweet.

Vice: welcome.

Billy: ako wala?

Vice: WALA!!!

Natawa si Nikki at Vice.

...

Palakad pa lang sa hallway ni Vice sinalubong na siya ng mga staff. Nawiwirdohan na siya sa mga tao. Ano ba, parang si Justin Bieber lang ba yung dumating? Pumunta siya sa Dressing Room. At di pa man siya nakakaupo ay kinulit na siya ng mga co-hosts niya lalo na si Anne na may alam ng lahat. Well of course except na sila na nga ni Karylle.

Maya-maya dumating na si Karylle. Nagkagulo ang mga tao sa Dressing Room dahil kay Vice. Biglang hinatak ni Ryan si K para makita na rin ang 'nanay' niya. Napangiti si Karylle nung makita niya si Vice. Boy na boy. Lumapit si K sa kanya at yumakap.

Vice: namiss ako ng girlfriend ko.

Anne: ayieeh.

Hindi nagpapahalata sina K tungkol sa kanila para di na muna maging issue.

Ilang minuto pa ay tinawag na ang mga ito para makapagsimula na ang show. Pagkalabas ng iba, nag-ayos muna ng mabilis si Vice. Ang pinaka nagtaka yung make-up artist dahil di nagpaayos si Vice nagpalagay lang siya ng something para okay pa rin siya tignan sa Tv.

Pagpunta sa harap ng stage ni Vice. Nakatingin sa kanya lahat at sumisigaw na ang Madlang Pipol ng "Vice Pogi." Ang outfit ni Vice, printed black shirt plus white denim jacket tapos jeans and gray sneakers. No bling bling. With a new boy haircut. Pogi nga talaga!

Vice: ba't kayo ganyan?

Vhong: ito pa, pansin niyo ba... *Lumapit siya kay Vice* WALANG MAKE-UP si Vice.

Naghiyawan na lahat. Si Karylle, ang laki ng smile at titig na titig kay Vice.

Nahihiya na si Vice. Pero nangingiti ito sa mga panloloko ng mga kasamahan.

Billy: yung totoo, vice, nagbabalik loob ka na ba?

Nakangiti lang si Vice.

Anne: uyy di na nandidiri.

Vhong: pero seryoso, Vice bakit ganyan ka today?

Nakaisip na ng joke si Vice.

Vice: eh kasi... *Pang Agua niya na boses tapos paawa* wala naman sumeseryoso sa akin na lalaki. Lahat ng mga iniibig ko, iniiwan din ako. Kaya naman *naging energenetic na ulit na malakasang boses* sa araw na 'to... Madlang Pipol, pasalubong ko sa inyo si Vice Pogi!

Nagpatugtog ng Harlem Shake si Dj Mod. Woah Party! Party!

...

-=Hurado moment=-

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now