Vice Ganda is Back??

36.4K 181 20
                                    

Maagang nagising si Vice kinabukasan dahil tinawagan siya ng Manager niya. At dahil hindi na siya makatulog ulit, dahan-dahan na siyang bumangon. Tulog pa noon si Karylle. Nagpunta siya ng banyo, naghilamos at nagtoothbrush. Niligpit na rin niya ang mga kinalat nila kagabi. Naghanda ng almusal para kay Karylle. Matapos ay sinilip niya si K sa kwarto pero tulog pa rin ito. Medyo nababagot na siya kasi napakatahimik ng paligid kaya lumabas na muna siya.

Pagkalabas niya ng pinto, saktong sa katabing unit ay may lumabas din na isang lalaki. Napatingin si Vice. Matangkad ang lalaki, mestizo, hindi masyadong macho pero may dating. Naka-shorts siya noon at mukhang magja-jogging o pupunta ng gym. Natigilan talaga si Vice at napatitig sa kanya. Biglang tumibok ng malakas ang puso niya nang tumingin din at ngumiti sa kanya ang lalaki. 

Guy: Hi. *smile* you're Vice Ganda, right?

Vice: Ahh *startled* ahh... 

Guy: *lumapit at inabot ang kamay* by the way, I'm Marcus.

Nang nakikipagkamay si Marcus ay tinignan lang ito ni Vice. Hindi niya alam ang gagawin at tila nabighani siya sa lalaking iyon. 

Marcus: Okay ka lang?

Vice: ahh *nakipagkamay na rin* Nice meeting you.

Marcus: Yeah, I'm glad to personally meet you here. *hawak pa rin ang kamay ni Vice*

Vice: *nailang na at bumitaw kay Marcus* ahh ngayon lang kita napansin dito?

Marcus: Yeah, last week lang ako dumating. Kapatid ko 'yong nag-stay dito. Alam ko magkakilala sila ni Karylle. Nagkakasama yata sila magjogging.

Vice: Si Marielle ba 'yong sister mo?

Marcus: Oo. Kilala mo rin pala siya.

Vice: Nakakasalubong ko lang siya minsan dito. 

Marcus: I see. Ahmm, I gotta go. Nice meeting you again, Vice. *tinapik sa balikat si Vice*

Vice: *may naramdaman na kuryenteng dumaloy sa katawan mula sa paghawak sa kanya ni Marcus* Same here.

Umalis na si Marcus. Napasandal sa pinto si Vice at humawak sa dibdib. "Bakit na naman ako nagkakaganito?" Sabi niya sa sarili niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya. May pag-aalala na may kasamang kilig.

...

Nang magising si Karylle nagtaka siya kasi wala na si Vice sa tabi niya. Lumingon lingon siya. Bumangon sa kama. Sinilip sa banyo. Sa kusina. Lumingon sa sala. Tinignan sa Veranda. Wala si Vice pero may nakahanda ng almusal. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya ito. Nagtaka siya kasi pag-ring narinig niya ang cellphone ni Vice na nakapatanong sa lamesa sa sala. Kinuha niya ang cellphone ni Vice. "Sa'n kaya nagpunta 'yon?" 


Maya-maya pumasok na si Vice.

Vice: Oh K, gisisng ka na pala. *sinara ang pinto at lumapit kay Karylle.*

Karylle: Hi Pogi *humawak sa kamay ni Vice* Sa'n ka galing?

Vice: Sa labas lang ng pintuan mo haha.

The Irony -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now