Chapter 7: Missed Calls

Mulai dari awal
                                    

"Tse, manahimik ka na lang Aki! pasalamat ka niligtas kita sa preso mong tahanan, I know how boring it is there kaya" maarteng sagot ni Sanya.

"If you want Aki, we can visit you in your house tas doon na lang tayong mag bonding. Netflix?" suggestion ni Cloud.

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag iling namin ni Sanya.

"Ha? Naku! Wag na!" sagot ko.

"Tama, tama! Sobrang strict kasi ng dad nyang si Akira, alam mo na baka kainin tayo ng buhay" dagdag ni Sanya, na alam ko naman na ang pino point na strict ay si Thunder at hindi si Dad, like hello ang bait kaya ng Daddy ko sa mga kaibigan ko.

"Oh ganun ba? Sayang naman! May aakyat sana ng ligaw sayo sa bahay nyo" nagulat ako sa sinabi ni Josh kaya nilingon ko sya.

"What do you mean?" nakataas ang kilay kong tanong.

Tumawa ito.

"Wala, hindi ka naman mabiro Aki!" tumatawang sabi ni Josh.

"It looks like strict nga ang dad mo. Mukhang takot na takot ka na even suitors are not allowed" tumingin naman ako kay Cloud.

Hindi talaga pwede ang ligaw dahil baka ihagis ako ni Thunder sa balcony.

"Oo grabe nakakatakot kasi talaga yung si Dad" tumatango-tango ko pang dagdag. "By the way change topic, bakit ka nga pala nasabit ka rin ng dalawang to Cloud?"

"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang the one nya" sabat ni Josh. Nakita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Cloud sa salamin.

"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan! Ako na ang magsasabi ang swerte nya dahil inlove sa kanya ang isang Cloud Hermosa! I am so happy for you" sabi ko habang tinatapik tapik pa sa balikat si Cloud.

Cloud's POV.

"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang the one nya" muntik ko ng maapakan ang preno dahil sinabi ng walang hiyang si Josh.

Ilalaglag nya ba talaga ako kay Akira, kanina pa kasi sya!
Sinamaan ko sya ng tingin dahil nakatingin din sya salamin na parang hinihintay ang reaksyon ko.

"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan! Ako na ang magsasabi ang swerte nya dahil inlove sa kanya ang isang Cloud Hermosa! I am so happy for you"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot sa sinabi ni Akira.

Dapat ko bang ikatuwa na hindi nya nahalata na sya ang gusto ko?

Or

Dapat ko bang ikalungkot na wala man lang syang nararamdaman na selos o lungkot ng malaman nyang iba ang gusto ko?

I looked at her, she's smiling so brightly kaya mabilis napukaw ang lungkot na nararamdaman ko. Sobrang positive nya, just by looking at her, I know kapag nagmahal sya, she will be all out.

She really completes me and I will do anything for her to be my girl.

Akira's POV.

Since 1pm pa lang naman ng makarating kami sa Mall of Asia, napagdesisyunan namin na mag star city na muna dahil malapit lang iyon.

Halos lahat ata ng rides ay nasakyan na namin ng paulit-ulit. Napili naming manood ng Wonder Woman na last show na dahil 9:30pm na din naman kami nakabalik sa mall.

Kumain na muna kami sa isa sa mga fastfood restaurant dito bago tumuloy sa sinehan.

"Hi ma'am and sir ano pong order? May couple popcorn po kami para sa inyong mga mag-couple" sabi samin nung cashier.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang