Chapter 12: Mail

558K 13.1K 1K
                                    

Akira's POV.

"Aki, ito yung juice mo" sabi sakin ni Yaya Minda sabay lapag ng isang baso ng orange juice.

"Thank you Yaya" sabi ko. I smiled at her. I looked at my juice and circle my finger on its rim. I heaved a sigh.

"Mukhang bored na bored ka na anak" pagpuna sakin ni Yaya Minda.

"Sobra yaya, inggit na inggit ako kay Sanya, parang ang saya-saya sa pinag-babakasyunan nya kasama si Josh. Gosh! Bakit pa kasi naimbento yang instagram na yan! Panay tuloy ang share ng maldita, iniinggit talaga ako. I wanted to go out pero ayoko namang mag isang magbakasyon. Gusto mo bang magbakasyon kasama ako ya?" tanong ko habang nagpa puppy eyes sa kanya.

"Aba'y bakit ako ang niyayaya mo? Bakit di mo na lang yayain si Thunder na lumabas? Magbakasyon din kayong dalawa" suggest ni Yaya.

"As if Yaya, parang di mo kilala si Thunder. Ang tagal ka na naming kasama at alam mong imposible pa sa imposible yan. Isa pa, may teacher's conference sya kaya baka magalit lang iyon kapag nagyaya ako ng bakasyon, buti pa sya may pinagkaka busy-han, samantalang ako, ito nagbibilang ng strands ng buhok ko"

Tatlong araw na kong bored na bored, literally. Wala akong ginagawa kundi matulog, kumain, mag surf sa internet, libutin itong bahay and repeat.

Gusto ko mang lumabas, wala naman akong mayayayang sumama sakin dahil lahat ng kaibigan ko ay nasa bakasyon. So yeah, I'm spending my sembreak in this freaking boring house.

Mabuti sana kung in a good relationship kami ni Thunder, e di sana kahit mag cuddle kami buong maghapon, matutuwa pa ako pero nganga, inuuna nya talaga ang trabaho. Sino nga ba naman ako?

"Ikaw talaga Aki, mapagbiro ka pero hindi mo ba alam na huling araw nya na doon sa conference na yun. Nasabi nya sakin kahapon"

"Talaga? Buti na lang sayo sinabi nya" I sighed. "Kung tapos na ang conference nya ibig sabihin, dito na lang din sya sa bahay?"

"Mukhang ganun nga Aki, kaya yayain mo na syang magbakasyon" pag uudyok pa din sakin ni yaya.

"Yaya, seryoso, imposible talaga. Hindi na ko aasa lalo at si Thunder ang yayayain"

"Okay sige hija, magluluto muna ako sa kusina, ubusin mo yang juice mo at wag mong laruin"

Tumango ako at ngumiti ng hawakan nya ang ulo ko bago umalis.

Ininom ko na lang ang juice ko. Pang 3rd day ko na at 2 weeks pa ang bubunuin ko.

Nanonood ako ng TV sa sala namin, hinihintay ko na lang na makaluto si Yaya Minda para makakain na at makatulog na ko.

Nakailang lipat na ko ng channel dahil ultimo palabas ata ay nakakaboring. Narinig kong may pumarada ng kotse at alam kong si Thunder na yun.

Lately ay napapadalas na ang pag uwi nya dito pero hindi ko na lang pinapansin dahil baka mabati.

I heard the main door opened kaya lumingon na ko at nakita ko na ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko.

Patay na patay Aki?

Naka black suit sya ngayon. Napaka formal at ang lakas ng dating. I heard, speaker sya dun sa conference na dinaluhan nya. Nangangamoy ang pabango nya. Napaka manly at ang lakas maka gwapo. Nasabi ko na bang gwapo ang asawa ko sa kahit na anong suotin nya? At much more gwapo sya pag naka formal.

"Quit staring, it's rude" napapitlag ako ng magsalita sya, grabe ganun ba ko katagal akong nakatitig sa kanya?

"Sorry, I mean, good evening" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"I didn't know you like watching series?" sabi nya kaya awtomatiko akong napalingon sa TV, at ayun na nga, nasa isang channel sya na di ko alam na ang pinapalabas ay yung series na hindi ko rin alam.

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot si Yaya Minda.

"Aki hija, ay nandyan ka na pala Thunder, tamang-tama at luto na ang hapunan. Halina't kumain na kayo" pagtawag samin ni Yaya Minda.

Tumayo agad ako dahil nagugutom na ko. Nakita ko namang nilapag ni Thunder ang mga gamit nya sa couch at mukhang susunod na din samin.

Umupo na kaming dalawa ni Thunder at nagsimula ng kumain. Napaka tahimik kaya nakaramdam na naman ako ng matinding boredome at awkwardness.

"Thunder?" tawag ko sa kanya.

Huminto naman sya sa pagkain at tumingin sakin.

"What is it?" tanong nya.

"Sobrang boring kasi dito sa bahay baka pwede tayong lumabasor mas better mag outing?" tanong ko sa kanya. Nag puffy eyes pa ko. I hope it will work.

Kinakapalan ko na talaga ang mukha ko, aba malay mo pagbigyan.

Hindi pa sumasagot si Thunder ng pumasok si Yaya Minda.

"Thunder, may dumating nga palang mail para sa inyo" sabi nito kay Thunder at sabay abot ng envelope dito. "Maglilinis lang muna ako ng sala" umalis din naman agad si Yaya Minda.

Napatigil ako sa pagkain dahil na curious ako kung ano bang laman nung mail. Normal naman na nakakatanggap sya ng sulat dahil nga teacher sya.
Binuksan ni Thunder yun at ilang minuto pa magkatapos nya basahin ang nasa loob nun ay bumaling ng tingin sakin.

"Akira, it looks like your wish has been granted" sabi sakin ni Thunder.

Naguluhan ako, anong wish? Yun bang aalis kami? Before pa ko magtanong ay inabot nya sakin ang envelope kaya dali-dali ko itong tiningnan.

Dalawang plane ticket at isang letter.

To: Mr. and Mrs. Montenegro

Since it's your semestral break, you both deserve to have a good time. Spend some quality time together. Have fun and of course we want our grandchild! Goodluck on your first honeymoon.

- Mom and Dad

Halos mahulog ang panga ko, okay na sana na binigyan nila kami ng plane tickets at magbabakasyon kaming mag asawa pero yung banggitin pa yung about sa grandchild at honeymoon.

Naku pasalamat talaga sila at nasa ibang bansa sila.

Nakakahiya pero at the same time nakaka excite. Totoong first honeymoon namin ito, dahil nung kinasal kami hindi naman kami nag honeymoon dahil we all know na napipilitan lang si Thunder at masyado pa kaming bata nun. Na e-excite ako kasi I will have Thunder all by myself for a couple of days baka ito na yung hinihintay kong pagkakataon. Kung saka-sakali baka dahil dito mag work out ang marriage namin.

"I guess you better start packing now" sabi ni Thunder.

"Ha bakit?" awtomatiko naman akong napatingin sa plane ticket at naka indicate na oras ng flight nito.

Napanganga ako sa date at oras? What?! Ganun kaaaga?! Nagbibiro ba ito? Hindi na ko makakatulog nito! Pero actually, hindi rin naman ako makakatulog dahil sa excitement.

Napahinto ang pagmununi ko ng tumayo na si Thunder, siguro para na rin mag ayos ng gamit.

Vacation here I come!

Can this be the key?
Will this lead me to our happily ever after or will it end to another heartbreak and rejection that I might not take anymore?

------
To be continued

Short update! Babawi later or bukas or kung kelan hindi busy si Author pero the more na madaming nagko comment at vote namo motivate ako. Grabe pang #643 na ata tayo sa romance. Not sure if nag rank down or up but still thankful!

Ayun, brace yourself sa mga susunod na update, ilan sa mga kahilingan nyo ay magkakatotoo na. Not sure if some will stay with Team Ulap or Team Kulog. Ihanda ang sarili hahaha!

Vote and Comment

- Noona

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now