Chapter 5: Lights Off

649K 18.1K 5.6K
                                    

Akira's POV.

Minulat ko ng dahan-dahan ang paningin ko. Laking pasalamat ko ng pamilyar na lugar ang kinagisingan ko, alam kong nasa ospital ako.
Naramdaman ko ang matinding pagkirot ng tagiliran ko. I was stabbed there. Walanghiyang magnanakaw, sya na nga tong nagnanakaw sya pa tong may lakas ng loob manaksak.

Inikot ko ang paningin ko. Wala akong nakitang tao, nalaman kaya nila mommy ang nangyari sakin? Bakit wala akong bantay? Ano ba yan? Hindi ba alam ni Thunder na napahamak ako?

Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko at laking gulat ko nung iluwa nun si Thunder. Dahan-dahan syang pumasok. Nang makapasok sya ay doon ko lang nakita ang kabuuan nya, dala dala nya ang isa sa mga bag ko.

Nakakatawang luxury bag ang dala nya pero lalaking-lalaki pa din syang tingnan.

"It's good that you're awake" he said. He sat down beside me. Marahan nya ding nilapag ang bag sa gilid ko. "How are you feeling?" pero imbis na sumagot ay tinitigan ko lang sya ng nakangiti. "Yan ba ang epekto ng pagkakasaksak sayo?"

"Grabe ka naman! Sino bang matutuwa ng nasaksak? Natutuwa lang ako dahil nandito ka" sabi ko. Pi-noke nya ng marahan ang noo ko.

"You're crazy. Why wouldn't I be here, dinalhan pala kita ng damit just in case uncomfortable ka sa hospital gown mo"

"Kumuha ka ng damit ko? Including-"

"Including what?"

"Alam mo na yun!"

"Underwear?" cool nyang sagot.

"Sshhhh! Ang lakas ng boses mo, pinakielaman mo ba yun?"

"Yes, what's the big deal?" naka kunot ang noo nyang sagot.

"Nakakahiya kaya!" namumula kong sabi pero di nagbago ang tingin nya "Sige na nga, salamat talaga Thunder"

Tiningnan nya ko ng diretso sa mata na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig nya.

"Are you really okay now?" sincere nyang tanong.

"Masakit ang masaksak pero okay na ko" I smiled to show him I'm fine.

"Do you know na wala kang malay for the past two days?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Talaga? Bakit naman ganun? Nasaksak lang naman ako"

"You loss too much blood kaya ganun buti na lang at naging okay ka at isa pa" lumapit sya at pinoke ulit ang noo ko.  "Why would you fight a criminal for a ring?"

"Anong for a ring ka dyan?! Hindi lang basta-bastang ring yun. Wedding ring natin yun. Akala ko nga tinapon mo na yun but I'm so glad na itinabi mo pala. Alam kong hindi mo talaga ako gustong makasama pang habang buhay pero para sakin kasi wala na kong gusto pang makasama bukod sayo kaya I value that ring that much because it symbolize that I am married to you"

Natahimik sya at tila nag isip. Maya maya tumayo na sya at parang lalabas na.

Pero bago pa man sya tuluyang lumabas ay may sinabi sya.

"Lalabas lang ako to talk to your doctor and also to get you some food"

Tumango naman ako.

"Akira" he called me.

Napatingin ako ulit sa kanya dahil akala ko tuluyan na syang lumabas.

"I know the ring is important for you but it is not right to risk your life. I might not be a good husband but know that I do care for you" he said bago tuluyang lumabas.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz