Chapter 11: You and Me

629K 15.7K 6.6K
                                    

Akira's POV.

Minulat ko ang mata ko dahil may tumutunog na alarm clock sa tabi ko.

Dinilat ko ang mata ko at pinatay yun.
Kelan pa ko nagkaroon ng alarm clock?
Si Yaya Minda ang madalas na gumigising sakin. Tiningnan ko ang oras at mas nangunot ang noo ko. Fvck! 7 AM pa lang nagising na ko dahil sa alarm na to, 12 PM pa ang class ko today.

Napaupo ako sa inis at mabilis kong nasapo ang ulo ko dahil biglang kumirot iyon.

At dahan-dahan ng nag sink in sakin ang lahat ng mapansin ko ang kamang hinihigaan ko.

Wala ako sa kwarto ko! Yun agad ang naisip ko kaya mabilis akong tumingin sa paligid at doon ko na nakita ang naka crossed arms na si Thunder na nakasandal sa hamba ng pintuan.

Bakit naman dito ako natulog sa kwarto nito! Yari na naman ako.

"Morning, it looks like na may hangover ka pa" seryoso nyang sabi sakin.

Ganun ba ko kalasing kagabi? Pano ako nakauwi? At bakit nasa kwarto ako ni Thunder?

"Ouch" naramdaman ko na naman ang pagkirot ng ulo ko.

"Drink the medicine beside you, it'll help, pagkatapos bumaba ka. Sa baba na tayo mag usap" pagkasabi nya nun ay bumaba na sya.

Sinundan sya ng tingin ko hanggang makababa sya ng tuluyan.

Kahit masakit ang ulo ko at malala ang hangover ko, hindi ko pa rin naisipan i admire si Thunder, grabe ang gwapo pala ng asawa ko pag umaga. Nakapang jogging kasi syang outfit at bakat na bakat ang abs nito, grabe parang mas masarap pa ata syang almusalin.

Tsk! Akira! Bad! Bad!
Ano ba? Kailan pa naging masarap ang abs?

Nilingon ko ang side table at may gamot nga at tubig doon. Ininom ko naman agad iyon.

Nanatili pa ko ng ilang minuto sa kwarto nya dahil una, first time kong makatulog dito at grabe ang bango bango at ang linis, yung scent nya nasa unan at kumot pa nya. Pangalawa, masakit pa talaga ang ulo ko pero mukhang effective yung gamot dahil medyo nai ease na ang pain, at pangatlo, alam ko na once na bumaba ako, I'm going to war and Hitler is my enemy.

Nung maramdaman kong okay-okay na ko ay dahan-dahan akong bumaba.

"Good morning Aki, sa dining room ka na dumiretso hija at naghihintay si Thunder sayo doon" sabi ni Yaya Minda.

Mabilis akong bumeso dito.

"Good morning ya, salamat po"

Pumunta na ko sa dining room at nakita kong kumakain na si Thunder. Nung nakita kong bacon, hotdog, egg, at yang chow rice ang pagkain ay kumulo ang sikmura ko, grabe takam na takam ako.

Umupo na ako at kumuha na ng pagkain.
Mamaya ko na iintindihin si Thunder pero nakakadalawang subo pa lang ako ng magsalita na si sungit.

"Do you know what time did you got home last night?"

Umiling ako, nagi guilty ako pero kasalanan nya din naman bat ako uminom.
Hindi ko talaga alam pano ako nakauwi, ang natatandaan ko pa ay kasama ko sila Sanya.

"Hindi, naparami kasi ang nainom ko kagabi"

"At bakit mo naman naisipang uminom?"

"It's because of you!"

"At ako pa ang sinisi mo?" nakakunot nyang sabi.

"You forgot it's my birthday yesterday, you even ignored me when I sprained my ankle" I gave him a sad look.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now