Chapter 41

490K 10.9K 1.6K
                                    

Akira's POV.

Kumabog agad ang dibdib ko pagkabukas ko pa lang ng pinto at ang bumungad sakin is si Wendy na umiiyak at hindi ko makita ang anak ko.

"Wendy, nasan si Celestine?" tanong ko. Abot abot na ang kaba ko nung humagulgol sya. "Wendy umayos ka! Nasan si Celestine? Anong nangyari?"

"Ate, ate nawawala po si Celestine" umiiyak nyang sabi.

Muntik na kong bumagsak dahil nawalan ako ng lakas, mabuti na lang at nakahawak ako sa door knob.

Huminga ako ng malalim. Kinakalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ko mapigilan at mag panic ako.

"S-saan nawala?" tanong ko.

"Doon lang sa park ate, hinanap ko na sya bawat sulok dun pero hindi ko talaga makita" sabi nya.

"Tara na, hanapin na natin si Celestine, hindi pwedeng di ko makita ang anak ko" sabi ko. Nanginginig na ko at pakiramdam ko ay iiyak na ko.

Sinuyod namin ang park pero wala talaga si Celestine doon, pakiramdam ko ay pinanghihinaan ako ng loob.

Pumasok na ulit kami sa loob ng condominium.

"Ma'am. Magru route po ang mga guard nitong condominium natin para mahanap ang anak nyo, kaya wag na po kayong mag alala" sabi nung head ng security sakin.

"Pano ako kakalma kung alam kong mag isa ang anak ko doon sa kalsada ngayong gabi na, please help me" sabi ko.

"Sige ma'am, mag iikot na po kami" sabi nito.

"Ate, pasensya na po. Hindi ko po talaga sinasadya bigla po kasi syang bumitiw sakin e napakadaming tao sa park kaya nawala sya sa paningin ko agad" umiiyak pa din si Wendy.

Kahit gusto ko ng umiyak ay hindi ako makaiyak dahil walang mangyayari kung magpapaka frustrated ako.

"Wendy, tumahan ka na. Mag focus ka, kailangan ko na huminahon ka. We need to find Celestine" sabi ko sa kanya.

Sunud-sunod naman ang naging pagtango nya.

Nanatili kami sa lobby habang hinihintay yung mga security na bumalik.

I am walking back and forth dahil hindi na ko mapalagay habang tumatagal ang oras na wala sa tabi ko ang anak ko e baka ano na ang nangyari doon.

At para akong binuhasan ng makita ko kung sino ang pumasok sa entrance ng lobby.

It's Thunder, he's carrying Celestine.

Nagtama ang paningin namin.

Oh no god! Not now. I am not ready.
I don't think I will ever be ready.

"Celestine!" hindi pa ko nakakapag react ay tumakbo na si Wendy sa lugar na kinatatayuan ni Thunder.

Nakita kong tiningnan maigi ni Thunder si Wendy.

Lumapit na ko sa kanila.
Dumadagundong ang puso ko.

"Are you her mother?" seryosong tanong ni Thunder kay Wendy.

Ibig sabihin hindi alam ni Thunder na anak ko si Celestine?

Bago pa makasagot si Wendy ay nagsalita na ko.

"O-oo sya ang ina, Wendy kuhanin mo na yung a-anak mo, kanina po sya hinahanap diba?" sabi ko.

Napalingon sakin si Wendy at binigyan ko na lang sya ng go-with-the-flow-look

Naguguluhan man ay

"Oo ako nga ang ina. Akin na ang bata" sabi nito kay Thunder.

"I found her in the street, iingatan mo na sya sa susunod. You're lucky you have a beautiful and smart daughter" sabi ni Thunder at binigay na nya na ang natutulog na Celestine kay Wendy.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now