Chapter 19: Rain and Headlights

536K 13.4K 3.7K
                                    

Dedicated to: shannclare

Akira's POV.

"Akira hija, kainin mo na yang almusal mo at lumalamig" sabi sakin ni Yaya Minda kaya napatingin ako sa pagkain ko.

Hindi ko pa pala nababawasan. Wala talaga akong ganang kumain at pakiramdam ko gusto ko na nga lang magkulong sa kwarto at mag iiyak pero sadyang mapilit si Cloud na susunduin daw nya ko ngayon.

Magaling na si Thunder, may sipon na lang daw sya ngayon. Yun yung sabi sakin ni Yaya Minda. Maagang umalis si Thunder, wala man lang pa thank you sa pagiging bobo ko sa kanya kagabi. Maaga syang umalis dahil pupuntahan nya malamang yung Dani na yun.

Ayan na naman! Feeling ko iiyak na naman ako, bwisit na puso ito, lagi na lang kumikirot. Tumayo na lang ako at iniwanan yung pagkain ko.

Narinig kong tinatawag pa ko ni Yaya Minda pero hindi ko na lang yun pinansin. Nag tricycle na ko hanggang gate ng subdivision namin. Pagkababa ko doo ay nakita ko na agad ang kotse ni Cloud.

Bumaba si Cloud mula dito at nakangiting lumapit sakin.

"Good morning princess!" nakangiting bati nito sakin.

Tumango lang ako, hindi ako makangiti. Sumakay na ko sa unahan dahil pinagbuksan na ko ni Cloud. Cloud is such a gentleman and caring. Umikot na ito at sumakay sa driver's seat.

"Are you okay Aki?" tanong nito sakin. Tiningnan pa ako nito ng mas maigi.

No, I'm not okay Cloud. Gusto ko na lang mag iiyak ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong malulungkot din si Cloud kapag umiyak ako.

"I'm fine" sagot ko.

"You don't look fine, nakatulog ka ba? Cause you don't look like you had any sleep" sabi nya.

Hindi rin ako nakatulog. Feeling ko kung hindi dahil sa make up na in apply ko mahahalata na talaga nyang mugto ang mata ko.

Bwisit na Thunder.

"Okay lang ako Cloud. Wag mo na kong alalahanin" sabi ko and then I faked a smile para lang mapaniwala sya.

Nag sigh sya at nginitian din ako.

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at hindi ko nalaman na nakaidlip pala ako.

"Aki, aki wake up, we're here" dali dali kong dinilat ang mata ko at tiningnan ang labas.

OMG bakit ba kasi nakatulog ako? Imbis na before sa school pa ko mababa ni Cloud ay nandito na kami sa parking lot at ang daming estudyante.

"Tara na Aki, male late ka pa sa klase mo" sabi ni Cloud at bumaba na ito ng sasakyan. Inayos ko ang sarili ko. Bahala na, nandito na din naman. Pinagbuksan ako ni Cloud ng pinto kaya bumaba na ko.

"Thank you Cloud, papasok na ko, pumasok ka na din" sabi ko.

"Yep. Just call me kung may problema" sabi nito kaya tumango ako. Naglakad na sya papunta sa building nila at ganoon din ako.

Papasok pa lang sana ako sa room namin ng harangin ako ng mean girls.

"Tabi, dadaan ako" sabi ko at lalagpasan ko na sana sila ng hatakin ako sa braso ni Athena at hinarap sa kanila.

Nagulat ako ng itulak ako nito kaya tumama sa pader

Nanlaki ang mata ko ng makaramdam ako ng sampal mula kay Venus.

"Bakit mo ko sinampal? Para saan yun?" galit kong tanong. I tried to compose myself, hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na warfreak.

"Ang lakas naman ng loob mo magtanong, You're so malandi Akira" sabi sakin ni Athena.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now