Chapter 33

590K 11.4K 2.9K
                                    

Akira's POV.

"Baby, come here, susuot ko na tong shoes mo sayo" sabi ko kay Celestine. Tumatakbo naman syang palapit sakin.

"Mommy, mommy! I am so excited" masayang sabi ni Celestine kaya napangiti ako.

Sinuot ko na ang sapatos nya at mabilis naman syang tumakbo kay Cloud at binuhat sya.

"Papa, are we going to the amusement park now?" tanong ng bulinggit ko.

Napangiti naman si Cloud sa kanya. Hinalikan nya ito sa ulo.

"Yes princess. I missed you, kaya I'm taking you and your mommy out" sabi ni Cloud na nilahad ang kamay nya sakin. Kinuha ko iyon, nagulat ako ng yakapin nya kami. "You two are my treasures"

"Hmm. Masyado ka ng corny. Tara na" sabi ko.

"Let's go, let's go, let's go" paulit ulit na sabi ni Celestine.

"Wendy, Ikaw na muna ang bahala dito ah" bilin ko sa baby sitter ni Celestine.

"Oo ate, ako na bahala. Mag enjoy kayo nila kuya" sabi nito.

"Yaya, I'm gonna bring pasalubong for you ah, so don't go anywhere" sabi ni Celestine sa yaya nya.

Tumawa naman si Wendy.

"Yes baby, wag magpapasaway ah" sagot nito.

Celestine loves her yaya, tinatrato na naming pamilya si Wendy dahil nakikita at ramdam ko ang pagmamahal at pag aalaga nya sa anak ko.

Bumaba na kami sa parking lot at sumakay ng kotse, walang ginawa si Celestine sa sasakyan kundi paulit ulit na tanungin si Cloud kung sa amusement park ba kami pupunta at ilang beses nya na din pinaulit ulit na excited sya.

Kababalik lang ni Cloud galing amerika kaya sabi nya idi date nya kami dahil namiss nya daw kami ng sobra.

Isang linggo na din matapos kong alagaan si Thunder.
Napagpasyahan kong iwasan na lamang sya.
Tama iyon, dahil baka masaktan na naman ako ulit
Masasaktan din si Cloud
At baka magkataon na malaman nya pa ang about kay Celestine at kunin nya ito sakin.
Ayoko, mahirap na.

Dapat ngayon pa lang ay iniiwasan ko na sya cause falling for that jerk the second time around is really dangerous. Ayoko ng sumugal.

Maya maya lang ay nag park na si Cloud sa loob ng Star City.

Pagbaba pa lang namin ay wala ng paglagyan ang saya ni Celestine.

"Mommy! It's so wonderful here! Can we live here?" tanong nya sakin na binigyan pa ko ng pagpapacute na mukha.

"No baby, pero pwede naman tayong pumunta lagi dito" I said.

Nag pout sya.
God! Kamukhang kamukha nya si Thunder. Ano ba naman to?

"Sayang naman but it's okay mommy. Let's go in na?" sabi nya.

"Yes princess" sabi ni Cloud at kinarga nya na si Celestine. Hinawakan nya naman ang kamay ko.

Nagtitinginan samin ang ilang mga tao.

Grabe ang ganda nung bata, parang manika.

Oo nga e, gwapo naman kasi yung tatay. Kita mo kahawig.

Parang hindi naman. Medyo mas hawig nya yung nanay.

Sana pag nagka pamilya ako ganyan din kami kagandang tingnan

Asa!

Natawa na lang ako sa sinasabi nila. Even si Cloud ay napapangiti. Si Celestine naman ay tumitingin tingin lang sa paligid.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon