Chapter 2: Cloud Hermosa

766K 18.1K 8.5K
                                    

Akira's POV.

Sa wakas natapos din! Bwisit na Thunder yan. Kaka umpisa pa lang ng klase, pinahirapan agad ako. Tumingin ako sa relo ko, 8pm na pala. Sa totoo lang hanggang 5pm lang ang pasok ko today pero dahil pinaglinis nya pa ko ng buong library inabot na ko ng ganitong oras.

"Akira, ito na ang ID mo" She said as she handed me over my ID. "Sa susunod iwasan mo ng pag initan ka ni Thunder, kilala yun dito bilang terror prof. I know you're a good student. First time mong mapunta sa library not to read pero dahil sa detention. You should be careful" dagdag ni Mrs. Bitancor. Sya ang librarian ng school namin. Medyo close kami kasi naging tambayan ko na tong library.

You see, I like reading.

"Yes ma'am. Mag iingat na po ko sa susunod. Maraming salamat po" ngumiti ako at sinuot ang ID ko.

Naku kung alam nya lang, in-born lang talagang masama ang ugali ng Thunder na yun at gusto nya lang na pag initan ako.

Kinuha ko ang bag sa locker ko. I checked my phone. Nakita kong maraming missed call si Sanya sakin. I dialled her number. Ilang ring lang ay sinagot nya din naman.

"Oh bat ngayon ka lang tumawag?" tanong nya sakin.

"Ngayon pa lang ako natapos maglinis" sagot ko.

"What? Grabe naman di ka man lang pinauwi ng maaga nyang asawa mong bakla"

"Yep. Matindi talaga sya. Nakakabwisit sobra! Alam mo, naniniwala na ata ako sayong bakla si Thunder, sobrang rude!" asar na asar talaga ako sa kanya. Kung hindi ko lang sya mahal at di lang sya gwapo, naku talaga!

"Who are you calling gay and rude?"

Nagulat na lang ako dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Thunder. Tumingin-tingin ako sa paligid. Buti na lang wala ng estudyante dito dahil mga hindi naman sila mahihilig magsipag-basa ng mga libro at yung iba naman nagsipag-uwian na.

"Patay ka girl, narinig ka!" pananakot na sabi sakin ni Sanya.

"Sige na, sige na. Ibababa ko na. Mamaya na lang tayo mag usap. Dumating ang dragon. Ciao!" sagot ko sabay baba ng tawag.

Tumingin ako ng diretso kay Thunder na ngayon ay naka crossed-arms sa harapan ko.

"Why are you eavesdropping someone else's call? At bakit nandito ka pa? Tapos na klase mo" mataray kong sagot. Bwisit kasi talaga ako sa kanya.

"Why? Is it right to gossip about me? Wala kang pake kung bakit nandito pa ko, pag aari ko tong school na to" he smirked.

Bwisit na kulog to.

"FYI, pag-aari ko na din tong school na to since it's a conjugal property at isa pa sigurado ka bang ikaw ang pinag uusapan namin ha?!"

"I clearly heard my name, Akira. Don't make a fool out of me, hindi ka ganoon kagaling magsinungaling"

"Ikaw lang ba ang Thunder sa mundo ha?!" sabi ko trying to see if that will work pero nakatingin lang sya ng diretso sakin. "Bwisit" I murmured. "Totoo naman na napaka rude mo, kakasimula pa lang ng klase pinag iinitan mo agad ako" huminga ako ng malalim dahil nakakainis ang titig nya "Bahala ka nga dyan.Sige na uuwi na ko dahil nagugutom na din ako. Goodbye Prof. Montenegro, I should get going." Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad. Totoong nagugutom na talaga ako.

"You stay there" sabi nya sa nakakakabang boses kaya awtomatikong napahinto ako. Kapag seryoso na talaga sya, totoong nakakatakot si Thunder.

Dahan-dahan akong lumingon.

"What now sir?" tanong ko.

"Tomorrow dun tayo magbi-breakfast sa parents mo. They called me since hindi ka raw nila makontak, I figured na busy line ka dahil ang hilig mong makipag chismisan dyan sa bestfriend mo"

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now