Chapter 47

605K 12.5K 3.7K
                                    

Akira's POV.

Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng magarang bahay na ito, sa buong subdivision ay talagang mapupukaw yung atensyon mo ng bahay na ito.

Ang bahay namin ni Thunder

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang bahay namin ni Thunder.
Anong oras na, alas nuwebe pasado na pero nagpunta pa din ako.

Kagagaling ko lang sa bahay nila Tita Sunshine at ito na nga, susubukan ko ng tuparin ang gusto nito na makausap at makita ang panganay nyang anak which is my husband Skyler.

Nag doorbell ako at pinagbuksan ako ni Yaya Minda. Umaliwalas agad ang mukha nito ng makita ako.

"Ma'am Akira!" bati nito sakin. "Uuwi ka na ba?"

"Yaya talaga, tuwing magkikita tayo, yan ang tanong nyo sakin. Ganun pa din po, hindi pa" sagot ko.

Pumasok na kami sa loob.

"Ay ganun ba, hindi na ko makapaghintay na umuwi ka dito, para lagi ko ng makikita iyong magandang bulinggit" masayang sabi nito.

"Nakita at nakilala nyo na po si Celestine?" tanong ko.

Nakangiti syang tumango.

"Dinala ni Sir Thunder dito yun nung isang araw at kanina, manghang mangha nga sya dito sa bahay nyo, sabi pa nga nya sana dito na sya umuwi para kasama daw nya ang daddy nya" sabi nito.

Nginitian ko na lang si yaya dahil wala na kong masabi.

"Nga pala yaya, nasaan si Thunder? Kakausapin ko sya" tanong ko.

"Nandoon sya sa loob nung working out room nya" sabi nito.

"Ha? Kelan pa nagkaroon ng ganun dito yaya?" tanong ko.

"Ay oo nga pala hindi mo alam, yun yung stock room dati, nahilig sa pagwo work out yang alaga ko kaya pinaayos nya" sabi nito.

"Ah ganun pala, sige yaya. Puntahan ko na lang sya" sabi ko. Tumango naman ito sakin kaya naglakad na ko patungo dun sa kwartong yun.

Kaya pala well toned ang body nya kesa 5 years ago dahil mahilig syang mag work out.

Kaya pala yummy este healthy sya.
Ano ka ba Akira? Pumunta ka dito para mapagkasundo siya at ang pamilya nya, hindi para manyakin sya. Okay?

Anong nangyari sa hiya factor mo after ng halikan nyo sa beach? Wala na! Wala na!

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Kaso hindi pa lumalapat ang kamay ko sa pinto ay bumukas ito.

At sinong babae nga naman ang hindi mababaliw kapag nakita mo yung ganitong blessings?

Gosh! Thunder is topless and he's sweating which made him 10000x hotter. Pakiramdam ko ay nalunok ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

It's getting hot here, pakiramdam ko ay nasu suffocate ako. Air! I need air!

"Akira, what brought you here?" untag nya sakin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now