Chapter 8: Cloud's Confession

562K 15.4K 3.6K
                                    

Akira's POV.

Pakiramdam ko sobrang lutang ko ngayon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sama ng loob dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Thunder kagabi. Pakiramdam ko nga iiyak pa din ako anytime.

Nasa parking lot na ko ng school. Kaka park ko lang ng kotse ko pero parang gusto ko ng umuwi. Ayoko na munang makita si Thunder kahit sa klase mamaya.

But in the end, lumabas pa din ako ng sasakyan ko. Nagulat pa nga ako ng salubungin ako ni Cloud.

"Are you okay?" tanong sakin ni Cloud ng magsalubong ang mata namin.

"I'm just not feeling well, that's all" pagsisinungaling ko pero partially true medyo masama talaga ang pakiramdam ko dahil siguro sa puyat at emotional stress.

"Can we talk Aki?" nakita ko ang seryosong mukha ni Cloud at totoong nakakapanibago iyon, buti na lang ngumiti sya kaya napangiti na din ako.

"Oo naman, about san ba? Sa cafeteria na lang ba or saan tayo? Balak ko din sanang mag skip ng class dahil hindi ganoon kaganda ang pakiramdam ko" sagot ko.

Hindi na sya nagsalita at inalalayan na lang nya ko kaya nagulat ako ng pasakayin nya ko sa kotse.

Sa isang nearby park kami nagpunta. Nag park kami sa isang gilid at tanaw na tanaw ko ang fountain dito.

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko para bumaba pero pinigilan ako ni Cloud.

"Dito na lang tayo mag usap" sabi nya at kahit nako confuse ay bumalik ako sa pagkakaupo.

"Okay sige, about san ba pag uusapan natin?" tanong ko ba dahil ewan ko, pero parang kinabahan ako bigla.

"I like you Akira"

"I like you too Cloud" sagot ko agad.  "You are such a good friend" sagot ko. Totoo, napakabait nyang kaibigan kaya masaya akong naging magkaibigan kami pero hindi ko alam kung mali ang pagkakaintindi ko.

"No, you don't get it. You might think na mabilis ang lahat pero sa ilang buwang kilala kita, I am inlove with you."

Para akong naparalisado sa sinabi nya, did I just get a confession from him?

"Cloud, nagbibiro ka ba? Tama na ang joke, si Josh lang ang magaling dyan" tumawa pa ko para maalis ang pagka tense ko.

Madalas naman na may nagko confess sakin pero napakadali lang nilang bastedin para sakin dahil nga kay Thunder. Ayoko ng may malilink saking lalaki dahil si Thunder lang ang gusto ko.

Pero ngayon iba, hindi ko agad-agad sya maturn down at di ko agad masabi na wala syang pag asa maybe dahil naging magkaibigan kami, maybe dahil iba si Cloud sa lahat ng nagkagusto sakin.

Cloud is a perfect guy, every girl will be lucky to have him. Kung hindi lang ako kasal at hindi si Thunder ang mahal ko, malamang nagtatatalon na ko sa tuwa ngayon.

Sya yung tipo ng lalaking hindi mo lang magugustuhan dahil pogi kundi mas mamahalin mo dahil sa kung paano ka nya itrato.

Pero iba ang sitwasyon namin ngayon. He is single and I am married kaya alam ko sa sarili ko ang dapat gawin.

"I'm not kidding Aki, noong gabing una kitang makita sa daan, it all started there hanggang sa hindi ko namalayan na mahal na kita at mas minamahal pa kita" tinitigan ako ng seryoso ni Cloud.

"Cloud, you're a great guy, alam mo bang any girl will be blessed to have you" lumunok ako "But I am really sorry kasi I am turning you down. Mas okay na magkaibigan lang tayo at hindi na hihigit pa doon"

Umipon talaga ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Ayoko namang umasa sya sakin dahil sinasabi ko sa inyo, hindi sya yung tipo ng tao na deserve ang masaktan.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now