Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You

626K 15.1K 8.2K
                                    

Akira's POV.

"Aki, I will just answer this call, don't go anywhere and stay here, I'll be back" sabi sakin ni Thunder kaya tumango ako at nginitian lang sya.

Himala at nagpapa alam na sakin ngayon!

Tumalikod na sya at sinagot ang kanina pang ring ng ring nyang cellphone.

Kung sino man ang tumatawag, magpatahimik naman sana sya dahil even in our vacation, umeepal pa din talaga yang trabaho nya.

Almost half an hour na kong naghihintay kay Thunder pero hindi pa din sya bumabalik. Don't tell me, nag meeting sya while on the phone? Sa sobrang bored ko ay napagdesisyunan ko ng mag swimming.

Langoy lang ako ng langoy pero nagulat ako ng maramdaman kong palakas ng palakas ang alon, hanggang sa hindi ko na kinakaya ang malalakas na hampas ng alon.

I was trying to swim back to the shore ng magulat ako ng hampasin ako ng malakas na alon kaya mabilis akong inalon sa shore.

"Ouch!" napasigaw ako sa sakit dahil naramdaman at nakita ko ang sugat sa hita ko, tumama ako sa coral reefs na tuyo ng nasa may shore. May mga ilang bakasyonista na din ang lumapit to see me dahil dumudugo na nga ang cut sa legs ko. Alam ko ang OA pero nakakaiyak dahil tumatama yung salt water sa wound ko.

"Miss are you okay?"

"Do you want us to take you to a clinic?"

Ang daming nagbo-volunteer na tulungan ako pero ang nasa isip ko lang ay si Thunder.
Naiiyak na talaga ako dahil nahihiya na din ako. Nasaan na ba sya? Yumuko na lang ako sa tuhod ko dahil sobrang makirot na yung sugat at ayoko sa atensyon ng mga tao dito.

Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Thunder" sabi ko.

Hindi sya nagsalita at mabilis lang ako na inalis sa lugar na iyon.

Buhat-buhat nya ko at hindi nilapag kahit papasok na kami sa hotel, lumapit sya sa front desk.

"I need a first aid kit, send it to our room" sabi ni Thunder. Nakita ko naman yung sunud-sunod na pagtango nung staff.

Pagkapasok namin ni Thunder sa kwarto ay nilapag nya ko ng dahan-dahan sa kama.

Nakita kong ring ng ring ang cellphone nya at nag a-appear ang pangalan ng secretary nya doon. He must've been really busy.

Dahil ayaw tumigil kakaring nun ay kinuha ni Thunder yun at sinagot.

"Seinna for pete's sake, please stop calling me right now! I already said I'm on a vacation, so tell all of them to wait or get lost!" sigaw ni Thunder bago hinagis yung cellphone sa kama.

Biglang tumunog yung doorbell ng unit na to kaya dali dali nya iyong pinuntahan at pagkabalik nya ay may bitbit na syang box, marahil ito yung hiningi nyang first aid kit.

Lumapit sya at umupo sa kama at hinarap nya ang binti ko at nagsimula ng gamutin iyon. Napapa aray ako dahil mahapdi talaga  pero sinasamaan nya ko ng tingin.

"Is it hard to follow my instruction?" tanong sakin ni Thunder sakin habang patuloy na ginagamot ang sugat ko.

"Sorry na" yun lang ang nasabi ko dahil baka kainin nya ko ng buo.

"Sorry? Puro na lang ba sorry? Alam mo bang sobrang nag alala ako nung di kita makita sa pinag iwanan ko sayo, only to find you like this" I am looking intently on him. Pokus na pokus sya sa paglilinis ng sugat ko kaya naman nagkakaroon ako ng chance na mas matitigan sya.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now