Chapter 52

479K 9.5K 1K
                                    

Akira's POV.

Pagpasok ko pa lang sa bahay dahil kakauwi ko lang galing opisina ay sumalampak ako sa couch.

I felt tired dahil pinilit kong tapusin na ang mga trabaho ko so that Thunder, Celestine and I can go out tomorrow. Aabsent talaga ako at pipilitin ko na lang na umabsent si Thunder bukas.

"Wendy, ang kuya mo nasa kwarto na ba?" tanong ko kay Wendy ng dumaan ito sa harapan ko.

Tulog na si Celestine dahil 10pm na din ako nakauwi.

"Ay ate, wala pa po" sabi nito. "Ate, akyat na ko, matutulog na din ako"

"Sige" sagot ko.

Late na kong umuwi pero mas late pa din sya. Ilang araw na syang ganito. Isang buwan na ang lumipas matapos ang aksidente nya. Naging maayos naman kami. Mas masaya unlike 5 years ago. But lately ginagabi ng uwi si Thunder at ang aga naman kung umalis. Kinukutuban ako sa hindi ko malamang dahilan.

Ano ka ba Akira? Don't think like that! Thunder loves you! You should trust him.

Huminga ako ng malalim para mawala ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko.

But I can't stop thinking fvck!
I need to talk to Thunder about this. Kung trabaho ang dahilan kung bakit halos mawalan na sya ng oras sa aming asawa at anak nya, well then he needs to tell me, baka matulungan ko sya.

Dahil sa iritable kong pakiramdam ay nag decide na lang ako na maligo na.

Nagbabad ako sa bathtub ng halos isang oras para mawala ang pagka asar ko.

Pero mas nadagdagan ang inis ko ng lumabas ako sa banyo ay wala pa din ang hudyo.

11 pm na pero wala pa din ang magaling kong mister.

Padabog akong umupo sa vanity table ko. Humanda talaga sakin yun pag umuwi sya. Grabe namang work load yan at inaabot sya ng ganitong oras.

Past 12 na ata nung makaramdam ako ng antok at wala pa rin si Thunder. Nagpasya na kong matulog.

Around 2 am nung maramdaman kong may humalik sakin. I know it's Thunder pero kahit gusto ko syang awayin at tanungin ay tinangay na ulit ako ng antok.



Kinaumagahan nung magising ako ay agad kong hinanap si Thunder pero wala na sya tabi ko.
Gosh he's frustrating me!
Late na syang umuwi, and yet ang aga nyang pumasok?
I don't want to doubt him pero sa mga kinikilos at ginagawa nya ay nag iisip ako ng kung anu ano.

Pagkatapos ko maligo at makapagbihis ay kinuha ko ang cellphone ko. Matawagan nga ito at sasabihin kong umuwi na.

Pero nakakailang tawag na ko ay wala namang sumasagot. What the hell? Hindi naman sya mahilig mag silent ng phone kaya dapat ay sinasagot nya ito.

Bahala na nga! Pupuntahan ko na lang sya sa opisina nya.

Nagpalit ako ng damit at nag ayos
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako at atat na atat akong pumunta ng opisina nya.

Mabilis akong nag drive papuntang opisina nya. Yayain ko na din syang mag lunch sa labas bago umuwi.

Pinark ko ang kotse ko at pumasok na sa loob ng building ni Thunder.

Umakyat agad ako sa floor nya, hindi ko na binati si Shannon na halatang nagulat sa pagdating ko. Nginitian ko na lang sya at pumasok ng diretso sa loob ng opisina ni Thunder.

Pero laking gulat ko ng madatnan kong walang tao sa loob. Where is he? Napatingin ako sa table nya at nakitang nakalapag doon ang cellphone nya. Why would he leave his phone in here? Nagsimula na akong kabahan.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now