Chapter 4: Wedding Ring

625K 16K 6.8K
                                    

Akira's POV.

"Are you sure na ayaw mong sumabay samin ni Josh kumain sa labas? You said wala naman si Yaya Minda sa bahay nyo, baka mag isa ka lang doon. If you want you can sleepover sa amin." suggestion ni Sanya.

Napangiti ako, nakikita ko naman kasi talagang nag aalala sya pero kahit na gusto kong sumama, may pride naman ako no! Malapit na nga akong mabansagan na pambansang third wheel dahil dikit ako ng dikit sa kanilang mag jowa.

Isang buwan na kasi ang nakalipas simula ng mag start ang pasukan. Kami ni Thunder ay ganun pa din, parang lumala pa nga dahil para lang akong hangin sa kanya.

Minsan sa bahay sya umuuwi, minsan hindi. Kung anong mapag-tripan nya. Minsan gusto ko na nga lang syang yakapin at sabihing wag ng umalis dahil miss na miss ko na sya kaso malamang sapakin ako nun kapag ginawa ko yun.

"Ano ka ba Sanya? Hindi na ko baby. I can manage myself. Sige na, mag date na kayo ni Josh. Mag enjoy kayo" pag uudyok ko sa kanya kasi naman kitang kita sa mukha ng best friend ko na ayaw nya kong iwan.

"Kasi naman Akira, bakit hindi ka pa mag boyfriend? Para lagi ka ng may kasama" nagkatinginan kami ni Sanya sa sinabi ni Josh.

Hindi nga pala nya alam na may asawa na ko. Pero useless din naman ang pagpapakasal naming dalawa ni sungit.

Hindi ko rin naman maipagsigawan sa mundo na, ako si Mrs. Montenegro, asawa ni Thunder Rein Montenegro, yung prof na kinababaliwan nyong lahat!

I faked a laugh.

"Hayaan mo at maghahanap na ko para di na ko third wheel sa inyo" pagbibiro ko.

"Loka-loka ka talaga! Alam mo namang imposible yun, martyr ka kaya hindi mo keri" hindi napigilang sabi ni Sanya kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

"At bakit naman imposible? Grabe ka naman love! Ang possessive mo kahit sa kaibigan mo, pano mapopormahan yan ng barkada ko?" napatingin kami ng sabay kay Josh.

"Sino namang poporma kay Akira?" nakataas na kilay na tanong ni Sanya sa boyfriend nya.

"Pinagti-tripan mo na naman ako no, Josh? Wag ako, okay?" sabi ko.

"Hindi no! Basta makikilala mo din sya. Masyado pa kasing torpe, shy type kasi yun pero sobrang gwapings"

"Naku Sanya, bitbitin mo na nga yang boyfriend mo at lumakad na kayo dahil baka nababaliw na yan sa gutom. Kung anu-ano na ang sinasabi" utos ko kay Sanya.

"Oo nga! Baka mahamugan ang bunbunan at lalo pang lumala" sagot ni Sanya sakin kaya natawa ako.

"Hoy! Grabe naman kayo saking dalawa. Lagi nyo na lang akong pinagtutulungan" pagda-drama ni Josh.

"Mag iingat ka Aki, aalis na kami" bumeso muna sakin si Sanya bago umalis. Pagkaalis nila ay sumakay na din ako sa kotse ko at nagmaneho.

Nung mai park ko ang sasakyan ko sa garahe ng bahay ay hindi ko malaman pero bigla akong kinabahan. Pero di ko na inalintana yun dahil gusto ko ng matulog. Hindi pa ko nakakabawi masyado sa mga araw na napuyat ako. Konting puyat pa at pwede na kong mag cast na zombie sa walking dead.

Wala si Yaya Minda dahil bumisita ito sa isang kamag-anak sa probinsya.

Paakyat na ko sa hagdan ng mapansin kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Thunder.

Napakunot ang noo ko, nakakapagtaka naman na umuwi sya pero wala ang kotse nya. Kinakabahan na talaga ako pero nagtapang-tapangan pa din ako.

Tatapang ka kasi talaga kapag si Thunder ang asawa mo dahil para ka kasing may everyday duel sa isang dragon.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin