Chapter 46

565K 10.7K 1K
                                    

Akira's POV.

"Ayan ate, nasabi ko na kay Kuya Thunder na wala ka" sabi ni Wendy.

Nakahinga naman ako ng maluwag at dahan-dahang lumabas sa aparador na pinagtataguan ko.

"Wala na sya dyan sa labas?" mahina kong tanong.

"Oo ate, isinama nya na lang si Celestine. Ipapakilala daw nya sa parents nyang namatay sa car accident at baka mamasyal na din daw sila mall" sabi ni Celestine.

Tumango naman ako.

I've been avoiding him for like 4 days. Gosh! I just kissed him back!
I'm supposed to test him. I'm ought to know if he's really serious this time.
And yet the stupid me kissed him at pag hindi ko sya iniwasan malamang sa malamang ay malalaman nito na I badly want him.

Gosh Akira!
You have a very tempting man in your life. Lakasan mo naman ang fighting spirit mo! Nakakaloka ka!

"Bakit ba kasi tinataguan mo si kuya, ate? Kung ako ang asawa nun, magdidikit ako na parang linta sa kanya kasi naman sa sobrang gwapo baka may makadagit na manananggal" sabi nito.

"May nakadagit na sa kanyang manananggal before, Ella ang pangalan kaya nga hindi kami magkasama ngayon diba?" sabi ko.

"Ay ganun pala! Maganda ba yung Ella? Dapat pinapatay mo na lang ate, marami ka namang pera" sabi nito.

Natawa naman ako at binatukan sya.

"Sira ka talaga no? Doon ka na nga! Linisin mo ang room ni Celestine" sabi ko.

"Oo na ate" sabi nitong tumatawa at lumabas na sa kwarto ko.

I looked at myself in the mirror. I'm 25 and I still have the same kilig feeling when it comes to Thunder.

Akala ko pinatay ko na 5 years ago ang lahat ng affection cell ko kay Thunder and yet here I am, still loving the same man.

Who would not fall inlove with him? Makita mo pa nga lang ang gwapo nyang mukha, mapupukaw na agad ang atensyon mo. Lalo na kapag ginawa nya na yung mga bagay na totoong makakapagpa kilig sayo, surely you'll fell deeply.

Thunder is equivalent to damn perfect.

Once you are in his web, there's no escape. Mababaliw ka na lang talaga.

Natigil ang kalandian ko dahil biglang sumagi sa isip ko si Cloud. Hindi ko maintindihan kung ano ang problema nya, biglang parang ang layo layo nya and I don't get the reason why he is doing that.

I tried calling him pero kung hindi nya nire reject ay out of reach sya.

Kahit alam kong dapat kong i respect ang privacy nya. I need to find him thru GPS. Kailangan ko syang kausapin. I need to know why he's like this.

Based sa GPS ko ay nasa bar na naman sya ni Josh. Hays! Mukhang mabigat nga ang problema nya, dahil hapon pa lang nasa bar na agad sya.

Inayos ko ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng unit ko.

Mabilis naman akong nakarating sa bar ni Josh.

Pababa pa lang ako ng sasakyan ay nakita ko na agad si Cloud na palabas dito. He looked so down. Nakapamulsa sya. Mabilis kong sinarado ang sasakyan ko.

"Cloud!" pagtawag ko sa kanya.

Huminto sya at humarap sakin kaya mabilis ko syang nilapitan.

"Aki, why are you here?" seryoso nyang sabi sakin. He's avoiding my stare. "Go home"

Pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya na ko pero maagap akong pumunta sa harapan nya.

"Wait. Stop right there" sabi ko at itinaas pa ang kamay ko para huminto sya.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon