Chapter 1: The Great Thunder Montenegro

1M 22.1K 7K
                                    

Akira's POV.

"Akira, gumising ka na dyan at mag almusal, maaga pa ang klase mo tiyak magagalit na naman si Thunder nyan sa iyo" narinig ko ang pagkatok at pagtawag sakin ni yaya. Huminga ako ng malalim

Tss. Ang aga-aga, Thunder na naman, samantalang kagabi hindi na naman ako nakatulog dahil hindi na naman umuwi, ang magaling na lalaking yun!

"Salamat ya" sabi ko ng magbukas ito ng pinto at pumasok ng kwarto ko. "By the way, umuwi po ba si Thunder kagabi?" tanong ko.

"Hindi hija, pero dumating sya kaninang umaga para magbihis" sagot naman nito sakin.

"Okay thank you po" walang ganang sabi ko. Bumangon lamang ako ng marinig kong nagsarado na ang pintuan ng kwarto ko.

Humarap ako sa salamin dito sa kwarto ko. Maganda naman ako, sexy, at flawless pero sa tatlong taon naming kasal ni Thunder, never as in never nya pa kong tinapunan ng tingin, samantalang ako? Simula bata pa lang ako hanggang ngayon pantasya ko pa din sya.

Napaka saya ko nga nung ipinakasal ako ng magulang ko sa kanya kahit pa ang katotohanan wala lang syang choice kasi kailangan nya ang suporta ng magulang ko para sa business nya.

Thunder is a man of your dreams. Nuknukan ng gwapo, gentleman (sa iba), matalino, mayaman, as in total package. Professor sya sa Montenegro University na pagma may-ari nya. Wala na syang magulang at wala din syang kapatid. Nagtataka nga din ako kung bakit kailangan nya pang magturo samantalang business tycoon na sya, maybe passion nya na talaga iyon.

Walang nakakaalam na kasal kami bukod sa pamilya ko at sa bestfriend ko, mabuti na din yun dahil baka maubos ang ganda ko sa mga fan girls nya.

Ngayong taon ko pa lamang sya magiging professor. Philosophy professor sya. Mukhang mas magiging madalas pa ang pagkikita namin sa school kesa sa bahay since hindi naman sya laging umuuwi dito.

Naputol ang pag iisip ko ng muling kumatok si Yaya.

"Akira, tumawag na si Thunder para sabihing wag na wag ka daw mali-late sa klase" sabi ni Yaya Minda habang nasa labas ng pintuan.

"Sige Yaya! Maliligo na ko at bababa na" sagot ko. I sighed. Mas madalas nya pang kausap ang yaya namin kesa sakin.







Mabilis kong tinapos ang almusal ko dahil mahirap na pag napag initan na naman ako ni Thunder.

"Manong, tara na po sa school" sabi ko sa driver namin.

Wala naman talaga akong driver pero since nasa out of town ang magulang ko ay hiniram ko muna ang family driver namin dahil inaantok ako at delikadong mag drive kapag inaantok.

Mabilis lang naman akong nakarating sa school.

Nasa harapan ako ng Unibersidad na ito. Hindi ito ang unang beses na papasok ako pero this University never fails to amaze me.

Wala kang masasabi sa University na ito.
School for elites, modern, classy at sobrang hi-tech.

Bumaba na ko ng sasakyan

"Akira!" sigaw ng tao sa likod ko. Hindi na ko nag bother na lumingon dahil kilalang kilala ko na sya. Kindergarten pa lang ata magkasama na kami.

Humikab ako, inaantok pa talaga ako dahil napuyat ako kaka-antay sa magaling kong asawa.

"Oh, ano't puyat ka na naman Aki? Hinintay mo na naman si Sir?" Maagang sermon sakin ng bestfriend kong si Sanya.

"Alam mo Sanya pag hindi mo tinahimik yang bunganga mo ipapakain ko sayo tong stiletto ko"

She is the bestfriend I was talking about. Yung may alam na kasal ako kay Thunder.

"Ang aga-aga ang init ng ulo" sabi nito na tiningna ako ng maigi bago nagkibit balikat. "Well hahayaan na lang kita pero tara na baka ma-late pa tayo" pagkasabi nya nun ay hinatak nya na ko papunta sa room namin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon