Chapter 17: Daniella Reyes

592K 12.9K 8.3K
                                    

Dedicated to: Kookieselle, shannclare, kayez18, AmigoTiffany, and MarieKaylaAbellada

Akira's POV.

Nagising ako sa tunog ng cellphone kong nagri-ring. Kinusot ko muna ang mata ko para makita kung kanino galing ang tawag.

Napangiti ako ng makita ko kung sino iyon kaya agad agad na sinagot ko naman iyon.

"Good morning princess! Rise and shine! Bawal ma late! See you in school!" sunod sunod nyang sabi.

Napangiti naman ako, ang sweet nya talaga ng lalaking to. Walang pinagbago!

"Tsk! Oo na Mr. Cloud Denver Hermosa, babangon na po. See you in school. Thanks for waking me up" sabi ko at narinig ko pa ang cute nyang chuckle bago ko in end ang call.

Yup that's Cloud.
May iba pa bang gigising sakin ng ganoon kalambing? Buti pa sya hindi nagbago.

It's been 2 weeks since nung nag Boracay kami pero pakiramdam ko ay sensitive topic pa rin sakin iyon kapag maaalala ko.

It was supposed to be a beautiful day!

Nagising ako nung umaga dahil sa sikat ng araw, bukas ang kurtina ng kwarto namin. Hindi ko pa agad dinilat ang mga mata ko dahil I am still recalling kung totoo ba yung mga nangyari kahapon at especially nung gabi. Pag dilat ko ng mata ko, I was smiling widely at mabilis na hinanap ko agad si Thunder.

Pero wala sya.

Wala na si Thunder sa tabi ko pagkagising ko kaya naman mabilis akong bumangon at nagbihis. Iniisip ko na baka naghanda sya ng pagkain or bumaba lang saglit.

Pagkalabas ko ng hotel para hanapin sya ay sinalubong ako ng dalawa sa mga tauhan nya at sinabi nitong umuwi na si Thunder at uuwi na din ako.

Ang bigat ng loob ko while I was packing my clothes back. I felt like a joke.

We are supposed to stay there for a week pero hindi ko alam kung anong nangyari, Inisip ko na lang na may emergency kaya nauna syang umalis.

Okay naman kasi kami. Okay naman kami diba?

Pero hindi, dalawang linggo na ang nakalipas. One week na din since mag resume ang klase pero hindi pa din ako kinakausap ni Thunder, kahit nga tingnan ako ay hindi nya magawa. Ramdam na ramdam kong iniiwasan nya ko. Hindi rin sya madalas umuwi sa bahay kung uuwi man sya magkukulong lang sya sa kwarto nya at hindi ako papansinin na parang hindi ako nage-exist sa buhay nya. I badly wanted to talk to him.

Ano bang nangyari? Akala ko kasi okay na kami pero mukhang mali na naman ako. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko sya maintindihan.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahanapan ko ng magandang dahilan ang ginagawa nya sakin.

I sighed. Bago pa ko maiyak ay tumayo na ko para makapag ayos na, ilang araw na kong ganito, umaasa na sana man lang makikipag usap sya ng maayos. Hay nako! Makapasok na nga lang kesa mag emote na naman ako.

Kakatapos ko lang maligo at nagsusuklay sa tapat ng vanity table ko ng maalala ko yung nangyari nung isang araw.

Nakaka stress talaga!

You know why?

Na carnap lang naman ang kotse ko, yung baby ko! Kabang kaba ako nun dahil akala ko magagalit si Thunder, dahil regalo nya yun sakin pero alam mo ang sinabi nya lang sakin?

"Wala akong pakielam Akira, kotse mo yun. Why should I mind your business?"

Pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya at nag lock na ulit ng kwarto.

Bukod sa nawala na ang kotse ko, mukhang nawalan na din yata ulit ng pake sakin si Thunder.

Kelan ba nagka pake sakin yun?

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon