Chapter 24: Responsibility

580K 12K 3.3K
                                    

Akira's POV.

"What are you all doing? Move! We hired you not to chitchat all day, I guess you both know that, right?"

Nagising ako dahil naririnig ko yata ang boses ni Thunder na sumisigaw.

Ang aga-aga ang init agad ng ulo.

"Where did they come from Yaya Minda?"

Nananaginip pa ba ako? Parang klarong klarong boses ni Thunder ang naririnig ko. Nasaan ba ko?

Dinilat ko ang mata ko at bumungad sakin ang black and white na kwarto. I automatically know where I am. Thunder's room.

"Pagpasensyahan mo na Thunder, nataranta lang ang mommy nyo ni Akira kaya nagpadala ng katulong dito, akala nya siguro ay hindi ko na kayo kayang alagaan, hayaan mo at sinasabi ko ng ibalik yang dalawa sa mansyon dahil hindi naman kayo alagaing mag-asawa"

Narinig kong sagot ni Yaya Minda. Mukhang nasa labas lang sila ng pintuan ng kwarto. I am confused, bakit biglaang nagpadala ng katulong sila mommy sa bahay?

Teka ano bang nangyari? Bakit ba ako nandito? Pinilit kong alalahanin pero hindi ko masyadong maalala. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko at si Sanya ang tumatawag.

Sinagot ko iyon.

"Thank god you're awake sleeping beauty, grabe 24 hours kang tulog" sabi nito sa kabilang linya kaya nanlaki ang mata ko.

"What?!"

Seryoso ba sya sa sinasabi nya sakin?Tumingin ako sa bintana at tirik ang araw.
Pina prank ba ako nitong si Sanya?

"You think I am joking? May amnesia ka ba? Anyway let me tell you na lang, hinimatay ka ng lunch break kahapon at noon na din today. God, you scared the hell of us"

"Sorry, hindi ko agad naaalala, nahihilo na kasi ako pagpasok pa lang."

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Grabe ang kulit ni Cloud, nag aalala talaga sya sayo kaya please tawagan mo yung isang yun"

"Yeah, I would call him. Pero bakit nasa bahay na ko?"

"Aish! Oo nga pala hindi mo alam, buti na lang talaga tulog ka kahapon. Alam mo ba na ang tindi ng tensyon sa pagitan ng man of your dreams at your knight in shining armor. Mabuti pinalabas ni Thunder yung staff ng clinic bago sila nagtalo"

"W-what happened?" kinakabahan kong tanong.

Both Thunder and Cloud and unpredictable.

"Well, Cloud kept insisting na sya ang mag aalaga sayo, na sya na ang bahala sayo pero you know what, kinilig ako kay Thunder kahit papano, may pa She's my wife, so she's my responsibility, so back off Mr. Hermosa! Ay jusko day, muntik ng sapakin ni Cloud buti pinigilan namin"

Parang may nagtatambol sa puso ko dahil sa narinig ko kay Sanya.
Why would Thunder say such thing?
Is he caring for me?
Or am I assuming again?
Aish! That man!

"Hindi namin alam pano ka nya nalabas without anyone noticing or what pero I'm glad na okay ka na and one more thing, na convinced ko sya na wag ka ng ipatingin sa iba, I told him na nakita ka na ng family doctor namin and it's just fatigue, I figured na ayaw mo pang malaman nya ang about sa baby nyo."

"Sanya, I love you"

"Aww! I love you too. O' sige na, may klase na ko. Don't forget to call Cloud" sabi nya tas binaba nya na ang tawag.

Ida-dial ko na sana ang number ni Cloud ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Thunder at niluwa ang may-ari nito.

"Oh good you're awake" lumapit sya sakin at nung dumampi ang likod ng palad nya sa noo ko, my heart skipped a beat at para din akong nakukuryente.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now