Chapter 40

504K 10.7K 1.7K
                                    

Akira's POV.

I am so damn frustrated now. Tatlong araw na kong hindi pumapasok sa kompanya at kaninang umaga, hindi ko rin in-attend-an yung board meeting ng S&M. Ayoko syang makita. Natatakot ako kung ano ang magiging trato nya sakin, magiging ganun pa din ba sya ka sweet at caring or babalik na sya sa Thunder 5 years ago?

Ano bang iniisip mo Akira? After what you said ay okay na agad sya? Na he will never give up? Hindi kayo parehas that guy has a limited patient and you consumed it all.

Pero ako ever since high school hanggang 3 years of our marriage hindi ako sumuko.

Then why did you pushed him away? If you really want him, bakit mo yun ginawa?

Damn! I am so scared, so scared! Aside from that hindi ko na kilala si Ella, kinakabahan ako sa kanya. Nagawa nya kong saktan noon, kayang kaya nya yung gawin kay Celestine and I wouldn't risk my child for my own happiness.

But I missed him so badly.

"Ate, matanong lang kita" sabi ni Wendy sakin. Si Celestine kasi ay nasa kwarto nya at natutulog. Natutulog kasi yun kapag hapon pero maya maya siguro ay gigising na iyon.

"Ano yun?"

"Sino ba talaga ang daddy ni Celestine?"

"Bakit mo natanong?" I said at kumain ng home made mojos.

"Eh kasi ate, hindi man halata pero lagi akong tinatanong ni Celestine about sa daddy nya, tinatanong nya kung mahal daw ba sya nun? Kung babalik daw ba? Bakit wala daw picture?"

Natigilan ako, pakiramdam ko ay humapdi ang puso ko para sa anak ko. All along, akala ko contented sya kay Cloud but still, hinahanap nya pa din pala ang ama nya.

At patuloy ko iyong ipinagkakait sa kanya.

"Mas okay na hindi mo malaman, mamaya ay madulas ka pa kay Celestine" sabi ko.

"Eh ate tanong ko na lang, sinong mas gwapo si Kuya Cloud o yung Daddy ni Celestine?"

Muntik na kong mabilaukan sa tanong ni Wendy. Uminom ako ng tubig.

"Ano bang klaseng tanong yan Wendy? I don't know" sabi ko.

Well I really don't know, as I think of them both. Napansin kong may ilan silang similarities sa itsura like the nose, lips and eyebrows. Iba nga lang sila ng itsura at color ng mata. Thunder has this strong looking and chocolate colored eyes while Cloud has this sweet looking and black colored eyes. Pero konti na lang pwede na silang magkapatid. Lalo na sa pag uugali!

"Ay si ate hindi makapili! Siguro gwapo ang daddy ni Celestine" sabi ni Wendy.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Eh kasi para sakin si Kuya Cloud na ang pinaka gwapong nilalang na nakita nitong mata ko and for someone na tatapat sa kagwapuhan ni Kuya means gwapo din talaga" sabi nya.

"Ewan ko sayo, ikaw lang ang makakasagot nyan kung makikilala mo nga ang daddy ni Celestine" sabi ko.

"Oo nga pala ate, lalabas kami ni Celestine pagkagising nya ha? Ipinanangako ko kasi na manonood kami ng parada dyan sa may park"

"Sige, basta hawakan mo ng maigi yang batang yan ha?" bilin ko.

"Oo ate"

Makikilala kaya ni Wendy si Thunder or will Celestine meet her father?

Thunder's POV.

I am currently drinking with Josh. I only got the chance to get out of the office at magmukmok ngayon after Akira rejected me.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now