Chapter 51

512K 10.6K 3.2K
                                    

Akira's POV.

Bago ako bumaba ng sasakyan ni Cloud ay kinalma ko muna ang sarili ko.

Okay lang si Thunder. Okay lang sya. Nasa hospital sya at nagpapagamot lang. Yun ang paulit ulit kong sinasabi  iyon sa isip ko para tumigil ang pag iyak ko.

Binuksan na ni Cloud ang pintuan ng kotse.

"Let's go Aki, tara na we have to check if he's here" sabi ni Cloud sakin.

Tumango ako at lumabas na ng sasakyan.

Sa labas pa lang ng hospital ay nagkakagulo na ang mga tao at mga reporters.

Nakita ko si Shannon na ini interview. Sya ang unang nakarating dito samin dahil inutos ko sa kanya na ipadala ang mga guards ni Thunder para maiwasan ang pagkakagulo ng mga tao.

Nakita kong hirap na hirap ang mga bodyguards ni Thunder dahil sa dami ng reporters.

"Are you the secretary of Mr. Montenegro? Anong sitwasyos sa loob? Nandoon ba sya sa mga survivor?" tanong ng isang reporter.

Nakita kong napatingin sakin si Shannon.

"Ma'am Akira" tawag sakin nito. Sinenyasan nya ang mga bodyguards na tulungan kaming makadaan.

Nabaling ang atensyon ng media samin ni Cloud.

"Sino ho sya?" tanong ng media kay Shannon.

"Sya po ang asawa ni sir" sabi ni Shannon.

Tsk. Bakit sinabi nya pa? Nagpuntahan samin ang mga media.

"Kayo po ba ang misis ni Thunder?"

"Bakit ngayon lang po kayo lumabas?"

"We didn't know that Mr. Montenegro is married. What's the reason for hiding the marriage?"

"Hindi po ba kayo si Ms. Akira Sapphire Santos the CEO ng ----

"Shut up all of you!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na. Bumaling ako sa security namin. "Take them all away, nakakaabala sila! Hindi oras para makipag chismisan ngayon!"

Pakiramdam ko ay ang init ng ulo ko. I am supposed to be in the hospital already pero dahil sa pagharang nila ay nandito pa din kami ngayon.

"Chill Akira, I'm sure kuya's okay" sabi ni Cloud.

Hinarang na ng mga security ang mga reporter kaya nakapasok na kami.

Pagpasok pa lang ng hospital ay ang dami ng pasyente.

"Ilan ang pasahero nung sinakyan ni Thunder?" tanong ko kay Cloud.

Palinga linga ako para hanapin si Thunder.

"Around 120 passengers Aki"

Lumapit ako sa nursing station. May mga nurse doon at ilan pang rescuer.

"Excuse me. I'm Mrs. Akira Montenegro. Can I know where's my husband? Anong room nya? He's name is Thunder Rein Montenegro" tanong ko.

Tumango ang nurse at tila may tinitingnan sa mga papel na hawak nya.

Yung kabog ng dibdib ko ay palakas ng palakas.

"Ma'am wala pong Thunder sa listahan ng dumating na mga survivor. Sila na lang po ang kausapin nyo" turo nya sa mga rescuer kaya lumapit kami doon.

"Excuse me, may balita na ba tungkol kay Thunder Montenegro? Sa ibang hospital ba sya dinala?" tanong ni Cloud.

Tumayo yung isang rescuer at lumapit samin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon