Chapter 38

534K 11.5K 2.8K
                                    

Akira's POV.

Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot at nagdiretso na papasok sa opisina ko. Magsi 6 am pa lang pero nandito na ko. 8am kasi ang start ng working hours dito sa kompanya.

Sinadya kong agahan dahil kailangan kong mag prepare para sa unang presentation ko sa board meeting mamaya ng S&M.

Pagbukas ng elevator ay sumalubong agad sakin ang nakangiting si Gina.

Almost 1 week na kaming ganito ka busy dahil sa preparation. Inaagahan din ng sekretarya ko ang pagpasok para matulungan ako.

I am so grateful, she's a great help.

"Hi ma'am, good morning po" bati nya sakin.

"Good morning too" I greeted her.

"Ma'am. Flowers po" napatingin ako sa kanya ng may binigay syang bouquet ng bulaklak sakin.

"Kay Thunder na naman galing to?" sabi ko habang inabot ang bulaklak. Tumango ito at ngumiti.

Ano pa bang bago? 2 weeks had passed since hinatid nya ko sa bahay at isang linggo naman ang nakalipas ever since maging busy sya Montenegro's company kaya hindi muna sya nakakapag opisina dito ngayon pero araw araw nya naman akong pinadadalhan ng bulaklak.

Halos manlaki ang mata ko ng makita kung anong klaseng bulaklak ang binigay nya sakin ngayon. It's not the usual red rose or tulips.

Damn it's my favorite flower and it is damn expensive. How did he get this?

It's a Juliet Rose

Napatingin ako sa note na nakakabit doon at binasa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatingin ako sa note na nakakabit doon at binasa ko.

To my very own Juliet,

I still remember how you like this rose, so I got it for you today as my goodluck flower for your presentation later. I know you can do it! I love you!

Napangiti naman ako sa note na yun. Namiss ko tuloy sya bigla. Kahit pa sinabi kong maging magkaibigan na lang kami pero heto pa rin sya at never give up.

Don't let your guard down Akira, maniniwala ka na naman ba kay Thunder?

Bulong ng isip ko kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko.
I know I am being too negative right now but you can't blame me, I spent my 3 years in pain beside him and I just dont want to experience it again.

"Ang sweet naman po ni Sir Thunder" kinikilig na sabi ni Gina.

"If only you know how he used to be 5 years ago, I'll bet you won't say that" sabi ko.

Ngumiti na lang ako.

"Papasok na ko sa loob Gina, paki check na lang yung powerpoint na ipi present natin mamaya"

"Yes ma'am" sabi nito kaya pumasok na ko sa loob.

Basa lang ako ng basa ng mga documents na kailangan ko pang aralin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now