Chapter 48

551K 10.8K 752
                                    

Akira's POV.

"Wendy, nasaan si Celestine?" tanong ko dito habang pababa ako ng hagdan.

Napahinto sya sa paglalakad at may hawak pang baking pan. Ano na naman kaya ang gagawin ng mga ito.

"Ate, nandoon sa kusina kasama si Yaya Minda" sagot nito at nginitian ako bago maglakad papasok sa kusina.

Yes, nandito na kami sa bahay namin ni Thunder. 2 weeks had passed already at masaya naman kami at walang problema.

Thunder is more caring and loving than before. And yes if you're curious, tabi kami natutulog but it doesn't mean we're that okay. I still don't trust him.

Lalo na't nalaman ko kay Shannon (sekretarya ni Thunder) na nagpunta na naman pala ang malanding babaeng nagngangalan na Ella sa opisina nito kahapon.

But Thunder said na kaya lang naman nagpupunta ito dahil ito ang pinagbigyan nya ng project as an architect. Kinulit daw kasi sya nito kaya pinagbigyan nya na and he also said na tapos na sila. Maybe for him but not for her. I know her.

"Mommy!" sigaw ni Celestine habang papalapit sakin.

"Yes baby" sabi ko at bumaba para maging magka level kami.

"Can you bake red velvet cookies mommy for us? I want to eat it before I go to bed tonight" sabi nito at binigyan pa ko ng pleading look.

Kamukhang kamukha talaga sya ni Thunder.

By the way, hindi ako ganun kagaling sa pagluluto pero forte ko naman ang baking.

"Sige baby, don't worry gagawa si mommy" sabi ko.

"Yehey! Let's go mommy! Everything is settled already in the kitchen, Yaya Wendy and Lola Minda helped me" masayang sabi nito habang ginigiya ako papuntang kusina.

Pagpasok ko sa kusina ay ready na nga ang lahat.

"Let's get started para matulog na itong batang to" sabi ko at tumawa naman sila.

Nagsimula na kong mag bake at ang dami kong assistant kaya hindi ako masyadong nahirapan. Kasalukuyan ko ng ipinapasok sa oven itong red velvet cookies.

Napatingin ako sa orasan, 8pm na, pero wala pa din si Thunder. Sabay lang kaming pumasok kanina pero ako sa kompanya ko at sya naman sa S&M kaya hindi kami sabay umuwi.

Nililigpit ko na ang mga pinag gamitan ko sa pagbe bake ng

*Ting!*

Tumunog na ang oven, sign na luto na ang bine bake ko.

"It's done! It's done!" sumisigaw na sabi ni Celestine habang papasok ng kusina.

Naka pajama na sya dahil ito na lang talaga ang inaantay nya bago matulog.

"Wait a bit, mainit pa yan" sabi ko at inalis na sa baking pan isa isa ang mga cookies.

"Daddy's here!" sigaw ulit ng anak ko at pag tingin ko ay nandun nga si Thunder.

Looking devishly handsome in his black business suit.

Lumapit sya samin ng nakangiti.

"Sorry I'm late, may business dinner meeting lang" sabi nito at hinalikan sa ulo si Celestine.

Sus! Siguraduhin nyang hindi si Ella ang ka business meeting nya dahil baka ituktok ko sa kanya tong baking pan.

"With whom?" tanong ko.

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi and because of that, pakiramdam ko ay nawawala na agad ang galit ko.

Ngumiti sya sakin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now