Chapter 10: Birthday Gift

613K 15.2K 6.2K
                                    

Dedicated to: Kookieselle, SuperJunior_020 and 1Dark_143

Akira's POV.

"Class, you can go now. Class dismissed!" anunsyo samin ng professor namin sa Math.

I yawned dahil antok na antok ako na ko.
Isang buwan mahigit na naman ang lumipas at ito pa rin ako nasa university pa din ng asawa ko.

Pathetic? Ang bobo no? I kept telling that to myself.

I know I said that I would quit pero heto ako at nagpapakatanga na naman. Natakot ako kay Thunder at oo na sige na, umaasa na naman ako na nagwo work tong pesteng relasyon na ito. Malapit na rin namam kaming maghiwalay, bakit hindi ko pa i-all out diba?

"Tara na Aki, kain na muna tayo sa labas bago umuwi. Birthday mo pa naman" sabi sakin ni Sanya.

"I told you Sans, wala akong ganang mag celebrate. Matutulog na lang ako"

"Porket hindi naalala ng magaling mong asawa yung birthday mo, wala ka ng gana? C'mon cheer up! Sige na, tara na!" sabi ni Sanya habang nginingitian ako ng malaki at hinahawakan ng pilit ang mukha ko.

"Oo na sige na, kakain na tayo, mauna na kayo sa parking lot at pakidala na din to" turo ko sa sandamakmak na regalo at bulaklak na natanggap ko sa mga friends, classmates at admirers.

"Okay fine, sa trunk na lang namin ilagay lahat, by the way saan ka pupunta?"

"Ilalagay ko lang tong mga libro ko sa locker at naiwan ko yung phone ko doon kaya babalikan ko lang tas G na tayo"

"Fine, sige na, hintayin ka namin" pagkasabi nya nun ay binitbit na nila ang sandamakmak na paperbags at regalo.

I smiled looking at Sanya. Alam kong nahihirapan syang dalhin lahat yun pero sinunod nya pa din ako. She is really trying her best to make me happy.

Hindi kami perfect bestfriends, madalas kaming magtalo at magkapikunan pero by the end of the day we still choose each other kesa sa ego at pride namin.

Pumunta na ko ng locker ko at pagbukas ko palang ay napatigil ako. Laking gulat ko ng may makita akong kuwintas doon.

Isang kuwintas na may pendant na araw.

At may kalakip na note doon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


At may kalakip na note doon.

Happy birthday Akira
I really hope I you'll smile when you see this
You'll always be mon soleil
- Son fait par la foudre

Sino namang nagbigay nito? At pano nya nabuksan ang locker ko? Is it Cloud? Nagpatulong ba sya kay Sanya since Sanya knows my passcode?
Bakit may pa mysterious effect pa?
French yung mga ginamit na word pero hindi ko alam ang meaning.
Pwede ko namang i google mamaya pagkauwi dahil lowbat din ang phone ko para mag translate.
Itatanong ko na nga lang kay Cloud since sya naman nagbigay nito.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now