Chapter 3: The Request

704K 16.6K 3.9K
                                    

Cloud's POV.

"Pre, bakit late ka?" bungad na tanong sakin ni Bryan na ka teammate ko. By the way, I'm a basketball player. Varsity player ako ng Montenegro University.

I'm Cloud Denver Hermosa.

"I've met someone" sagot ko at kusa akong napangiti ng maalala ko ang mukha nya.

She is an angel.

"Someone? Aba chickababe yan no? May lolokohin ka na naman no?" pang aasar sakin ni Lemuel.

"Gago! Hindi ako katulad mo" sagot ko. Nagtawanan naman ang mga kasama namin.

"Sino naman yang nakilala mo? Maganda ba? Taga saang school?" Ian.

"Same school natin sya eh, Business Administration Department lang" napansin ko kasi na yun ang department nya dahil sa uniform nya.

"Talaga? Sino nga? Para mapormahan ko na" sabi ni Kean sabay tawa.

"Grabe, para akong na starstruck kagabi nung nakita ko sya. Her name is Akira" sagot ko ng nakangiti. Ewan ko ba, gandang ganda ako sa kanya at ang mga ngiti nya ay nakakagaan ng loob kahit unang beses pa lang na pagkikita namin iyon.

"Akira? Her name is Akira? Do you mean Akira Sapphire Santos?" nagulat ako dahil kilala sya ni Josh.

"You know her dude?" tanong ko.

"Oy mukhang magkaribal pa sila?!" pang aasar ni Lemuel kaya nagsitawanan na naman yung mga kasamahan namin.

"Hindi! Alam nyo namang loyal ako kay Sanya, mga ugok to! Kilala ko si Akira kasi best friend sya ni Sanya. Medyo close kami." sagot ni Josh.

"Talaga?" natuwa naman ako sa sinabi nya. "Ibig sabihin pwede mo kong ilakad sa kanya? Do you know if may boyfriend ba sya? "

"Sa pagkakaalam ko wala, kasi wala naman akong nakikita na kasama or pinakilala nya samin. Although to be honest, ang daming umaaligid doon kahit sa iba pang department, maganda kasi talaga tapos mabait at matalino pa." mas nangiti ako hearing this from someone else. "Yun lang pare, hindi nadadaan si Akira sa mga lakad-lakad. Kilala yun na nambabasted on the spot pero kung gusto mo i-get to know mo muna tapos kapag close na kayo, baka pwede mo na syang pormahan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Josh.
Papasa kaya ako sa isang Akira?
She is really someone who amazed me.

Akira's POV.

"Hay jusko po!" nagulat si Yaya Minda nung magbukas ako ng pinto bago pa man sya kumatok. "Nagulat naman ako sa inyo Ma'am Akira, napaka aga nyo namang gumising"

"Maaga lang po talaga akong nagising Yaya Minda. Wag na po kayong maghanda ng agahan dahil doon na po ako kila Mommy mag aagahan" sabi ko at tumango naman ito.

Bago pa mag 7 am ay nakaayos na ko. Nag uniform na ko dahil may klase din naman ako mamaya at didiretso na ko ng school.

Maya-maya lang ay nakapag park na ko sa garahe ng bahay namin. Napansin ko ding naroon na ang kotse ng magaling kong asawa.

Hindi ako ginising at hindi man lang ako isinabay, ang bait talaga!

Pagkapasok ko pa lang sa sala ay sinalubong agad ako ni Mommy.

"Akira! My beautiful daughter! Do you know how badly your mommy missed you?" sabi nya habang yakap ako.

Niyakap ko din sya ng mahigpit. Iba talaga ang comfort na nakukuha ko kapag nakikita or nakakasama ko ang magulang ko. Lalo na si mommy, dahil super close kami.

"I missed you too mommy! Sorry bihira kaming makapunta dito, alam mo naman pong napaka busy ko sa school at ganun din si Thunder sa business at pagtuturo nya" I explained. "By the way mommy, nasaan si Thunder at si Daddy?" kanina ko pa kasi hinahanap yung dalawa. Although inis na inis ako kay Thunder, hindi naman mawala-wala ang pesteng affection at care ko sa kanya.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora