Chapter 44

584K 12K 3.6K
                                    

Akira's POV.

"Mommy when will daddy come?" tanong sakin ng anak ko habang naghihikaw ako.

Papasok ako sa opisina ko ngayon. 2 weeks na simula nung makalabas si Celestine sa ospital.

During her stay in the hospital ay laging nandun si Thunder. Halos hindi mo na nga sila mapaghiwalay.

2 days na ding hindi bumibisita si Thunder dahil nag out of the country to for business kaya itong chikiting ko ay tanong ng tanong kung kelan daw ba sya pupuntahan ng daddy nya.

"I miss daddy" sabi nito at nag pout.

"But it's just been two days baby, miss mo na agad si daddy? Nandito naman si mommy" sabi ko. I put her in my lap.

"But ngayon lang kami nagkasama ni daddy. Mommy bakit hindi ba dito umuuwi si daddy? Or bakit hindi tayo ang umuuwi sa house nya? Family is supposed to stay together" dagdag nya.

Parang may sumuntok sa dibdib ko. Am I really preventing my daughter to have a family?

I tried to smile.

"If you really want to see daddy, gusto mo bang sumama na lang sa office nya?" tanong ko.

Nakita kong nag light up ang mood nya.

"Really mommy?! Pwede akong pumunta sa office nyo ni daddy?"

"Yep basta ba behave ka" sabi ko at sunud sunod ang ginawa nyang pagtango.

"I promise mommy! I promise" sabi nya at nakangiti pa.

"Wendy paki bihisan nga itong si Celestine at isasama ko sa pagpasok" sabi ko.

Dali dali namang pumasok si Wendy sa kwarto ko.

"Ate ako? Di mo sasama? Gusto ko din makikita ang gwapong daddy hahaha" sabi nito.

"Loka loka ka talaga" sabi ko habang tumatawa.

"Bad yaya. My daddy is only for my mommy and me" sabi ni Celestine.

"Ganun? Kahit pa kurot lang?" pang aasar pa din ni Wendy.

Umiling ng sunud sunod si Celestine at nag pout.

"Okay sige na sa inyo na si Kuya Thunder. Tara na nga at bibihisan kita" sabi nito at kinarga na ang anak ko.

Habang bumibiyahe kami ay excited na excited si Celestine. Sa Montenegro company kami pupunta ngayon dahil may board meeting ang S&M. Alam ko kakauwi pa lang ni Thunder this morning galing singapore pero didiretso agad sya sa board meeting.
He must be tired.

Dahil na din sa traffic ay na late kami. Tsk. 20 minutes ago na nag start ang board meeting.

Halos makaladkad ko na si Celestine dahil sa pagmamadali ko.

"Mommy slow down" sabi nito sakin. Nakita kong hinihingal na sya.

"Sorry baby. Kakargahin ka na lang ni mommy ha?" sabi ko at binuhat na sya.

Pagpasok pa lang namin ng kompanya ay napako na sa amin ang atensyon ng lahat.

OMG. Si Ma'am Akira

Diba sya yung asawa ni president?

Oo sya nga. Ang ganda no?

Sobra!

Sino yung batang karga nya?

I heard tinawag nya si Ma'am Akira ng mommy

Hala anak nya?

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now