Special Chapter Part 2

415K 7.5K 772
                                    

Akira's POV.

"Akira nandito na tayo" sabi ni Luna. Tumango lang ako parang hinang hina ako at masyadong lutang ang isip ko.

Dahil hindi ako gumalaw ay si Luna na ang nagtanggal ng seatbelt ko mismo.

"I'm sorry. I can't do anything for you. Hindi ako magaling mag comfort ng tao. Tell me what can I do to help you?" concern na sabi sakin ni Luna.

"Thank you Luna" sabi ko at pinilit ngumiti. Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at lumabas na.

Hindi ko alam kung nasaan kami.

"Nasan tayo Luna?" tanong ko.

"Bahay ko to, dito kami nakatira pansamantala ni Cloud. Tara na" sabi nya at iginiya na ko papasok sa bahay nya.

"Nagugutom ka ba?" Luna

Umiling ako.

"Kakakain lang natin Luna. Please wag kang mataranta sakin. Treat me as a normal visitor" sabi ko.

"Well, as if you're a normal visitor. You're Akira Sapphire Montenegro. Asawa lang naman ng billion dollar man na si Thunder" sabi nya.

Thunder.
By just hearing his name is already crushing my heart.

Hindi ko napigilang mapaiyak ulit. Akala ko ba hindi na ko iiyak at masasaktan? Ano na naman ba to?
What is he doing in that freakin hotel with a girl.

"Gosh gosh! Sorry Aki, hindi ko sinasadyang banggitin sya. Sorry!" Luna

Umiling ako at pinipilit na punasan ang mga luhang patuloy na nagbabagsakan mula sa mata ko.

"Do you want me to leave you alone? Pero wag kang magpapakamatay ha! May mga kailangan pa din kasi akong tapusing paper works" sabi ni Luna.

Napakabait at maaalalahanin nyang tao. Hindi ka nya pipilitin sa bagay na ayaw mo.

"Yes please. Sige na Luna, tapusin mo na lang yung trabaho mo" sabi ko sa kanya.

She tapped my shoulder bago sya pumasok sa isa sa mga kwarto dito. Nung magsarado na ang pinto ay doob ko lang muli binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

Why Thunder?
Why again?


Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak at nagising lang ako dahil sa sigawan na naririnig ko.

"No Thunder! Pabayaan mo na muna si Akira. We clearly saw you with our own eyes!" galit na sabi ni Luna.

Nandito si Thunder

"Damn it! I don't need to explain myself to you Luna! Kami na ng asawa ko ang mag uusap" Thunder.

Naririnig ko pa lang ang boses nya ay bumibilis na agad ang pintig ng puso ko ngunit kasabay nun ang paghapdi nito dahil sa nangyari kanina.

"Kuya, magpalamig muna kayo. Baka hindi pa ready si Akira. You know her, she's sensitive dahil na din sa nangyari dati" Si Cloud

"Don't bring up the past Cloud!" Thunder.

Hindi na ko nakapagpigil kaya tumayo na ko at tinungo ang front door kung saan sila nagtatalo.

Binuksan ko ang pinto at lahat sila ay tumigil at gulat na tumingin sakin.

"Aki, you're awake" Cloud.

"Sige na Aki, kung ayaw mo pang umuwi dito ka na muna" Luna

Pilit akong ngumiti kay Luna at Cloud. Sobrang abala na ang ginawa ko sa kanila.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now