Chapter 31

601K 11.5K 2.9K
                                    

Akira's POV.

"What?!" sigaw ni Cloud ng sabihin ko sa kanya ang hindi natuloy na pag annul ng kasal namin ni Thunder.

"Ssshhhh. Wag kang maingay baka magising si Celestine!" sabi ko.

Nakita kong huminga sya ng malalim para makontrol ang sarili.

"Ano ba talagang gusto ng gag*ng yan? Pagkatapos ka nyang saktan, ano to? Gusto nya atang magka ayos kayo" 

"Hindi, wala naman syang sinabing ganun. Can you calm down!" sabi ko. Mali ata na sinabi ko pa sa kanya ang kalokohang ginawa ng kulog na yun.

"Wala nga syang sinabi pero mukhang yun ang pinamumukha nya. Pinapamukha nya sakin, na kayang kaya nya kayong kuhanin sakin ni Celestine dahil sya pa rin ang legal mong asawa" hinawakan nya ang noo nya.

"That won't happen. Alam mo naman how traumatized I am dahil sa ginawa nya" sabi ko.

"How can I be sure na hindi mo na sya babalikan or hindi mo na sya mamahalin kung minahal mo na sya noon at hindi imposibleng mahalin mo na naman sya"

Nawalan ako ng sasabihin. Imposible. Hindi ko na mamahalin ang isang tulad nya na puro pasakit lang ang binigay sakin.

"No. Mahal na kita" I said.

"But you used to love him more, right?" tiningnan ako sa mata ni Cloud kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Para kasi itong nangko corner.

"O-of course not!" I defensively answered. "Wag na nga natin syang pag usapan"

"I need to go" sabi ni Cloud.

"San ka naman pupunta?" tanong ko.

"I'm gonna deal with that as*hole" sabi nya na nagmamadaling lumabas. Tinatawag ko pa sya pero hindi sya huminto. Damn it!

Mabilis kong kinatok ang pintuan ni Wendy, ang baby sitter ni Celestine. Halos same age ko lang sya.

"Ate, bakit?" tanong nya sakin.

"Ikaw muna ang bahala kay Celestine ha? Lalabas lang ako, susundan ko ang kuya Cloud mo" sabi ko.

"Sige ate." sabi nya at lumabas na sa silid nya at nag diretso sa kwarto ng anak ko.

Mabilis naman akong pumasok sa silid ko at hinanap ang bag at susi ng kotse ko. Nang makita ko ito ay dali dali na kong lumabas.

Nagda drive ako habang paulit ulit na tinatawagan si Cloud pero hindi nya ko sinasagot. Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Seryoso ba syang susugurin nya si Thunder?

Halos isang oras din akong nag drive bago ako makarating dito.

Nakatayo ako sa harapan nito, hindi ko alam kung ilang minuto na ko sa ganoong posisyon. Para kasing nanghihina ang mga tuhod ko habang nakatingin ako dito.

Ang bahay namin ni Thunder.

Wala pa rin itong pinagbago, ganoon pa din ang itsura at kulay. Bagong pintura lamang ang lahat.

Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. Unti-unti kasing bumabalik sa ala-ala ko ang mga malulungkot na nangyari sakin dito, pero mas ikinababahala ko ang pagbabalik sakin ng masasayang memories dahil nakakaramdam pa din ako ng tuwa. At yun ang kinakatakot ko. 5 taon ang binuno ko para maka move on. Wag naman sanang mapunta lang yun sa wala. I can't let that happen.

Nagdadalawang isip akong pumasok kaso nakarinig ako ng nabasag mula sa loob at sigawan. Boses ni Cloud yun. Dali-dali akong pumasok.

Nakita kong may mga bodyguards dito sa loob ng bahay. Pero pinapanood lang nila habang sinasapak ni Cloud si Thunder.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now