Chapter 36

533K 11.6K 4.9K
                                    

Akira's POV.

Maaga akong nag out sa trabaho dahil uuwi ngayon si Cloud galing US at sa bahay sya magdi dinner.

Palabas pa lang ako ng opisina ay nakasalubong ko na si Thunder.

"Where are you going?" seryoso nyang tanong sakin.

"Bye" yun na lang ang sinabi ko at nagmamadali akong dinaanan sya at pumasok na sa loob ng elevator.

"Akira!" narinig kong tawag sakin ni Thunder bago sumarado ang elevator.

Buti naman naiwasan ko na sya. Ilang araw na kong ganito. Sobrang nagi guilty kasi ako dun sa nangyari samin sa company outing. Nagi guilty ako para kay Cloud dahil boyfriend ko pa rin sya and somehow there's a part of me that loves him aside from that hindi naman tama na iwanan ko na lang sya bigla for Thunder, dahil marami na syang nagawa para sakin.

Although I badly wanted to be with Thunder, hindi ako sigurado sa kanya. We need time.

Sabi nga nila diba? Kung kayo, kayo!

Nagmamadali akong sumakay ng kotse ko dahil 5pm na at baka parating na si Cloud dun.

Pagkarating ko sa condo ko ay sinalubong agad ako ni Celestine ng yakap at kiss.

"Mommy why are you so early home today?"

Nilapag ko sa kitchen counter lahat ng pinamili ko sa nadaanan kong supermarket kanina.

"Because uuwi today si Papa Cloud mo, gusto nya ditong mag dinner"

"Really? Darating na si papa?" excited na excited sya. "Mommy can I help you?"

Napangiti naman ako sa anak ko at binuhat sya at iniupo sa kitchen counter.

"Baby ka pa e, why don't you just watch mommy and yaya wendy cook?" sabi ko at pinaghahalikan sya ng madami.

She giggled.

"Okay, okay mommy"

"Wendy, pakihiwa na yung dapat hiwain dyan, magpapalit lang ako ng damit" saad ko dahil naka office attire pa din ako.

"Sige ate" sabi nito na kumuha na ng chopping board at kutsilyo.

"And ikaw my darling beautiful princess" baling ko anak kong mabait. "Don't move, wag malikot. Dyan ka lang at baka mahulog ka. Wait for mommy"

"Yes mommy" I pinched her face before I head to my room.

Mabilis lang akong nagpalit ng off shoulder na white at maong shorts.

Nagluto na lang ako ng sinigang at adobo dahil paborito ni Cloud yun. Pag sa tuwing umuuwi sya yun lagi ang request nyang lutuin ko.

Nagse set na ng table si Wendy, habang pinalitan ko naman ng damit si Celestine nang may mag door bell.

"Ako na" sabi ko at naglakad na papuntang front door.

Pagbukas ko ay nakangiti kong sinalubong si Cloud.

"Cloud!" niyakap ko sya pero nakakapagtaka dahil hindi nya rin ako niyakap pero pinagsawalang bahala ko na lang yun. Naka suit pa sya. Ngumiti ako sa kanya. "Tara na, nakahain na"

Naglakad na kami papuntang dining table.

"Papa!" sigaw ni Celestine at sinalubong si Cloud. Mabilis namang nawala ang seryosong mukha ni Cloud at napalitan iyon ng ngiti. Hinalikan nya sa ulo ang anak ko.

"I missed you princess" sinserong sabi ni Cloud. Yinakap naman sya ng mahigpit ni Celestine at hinalikan sa pisngi. They really love each other, para na talaga silang mag ama.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon