Chapter 21: Coffee and Garlic

567K 12.8K 3.2K
                                    

Dedicated to: dannakatecasila and 1DARK_

Akira's POV.

Hinawakan ko yung ulo ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit na naman ito. Naalala ko na naman ang sinabi nung doktor.

Flashback

"Mrs. Montenegro, you're six weeks pregnant" anunsyo sakin nung doktor.

I refused to believe it, bakit ngayon pa? Hindi sa hindi ako masaya pero nanganganib na mawalan sya ng isang ama at ang tanong is tatanggapin man lang ba sya ni Thunder?

"I am what? No you're kidding right?" sabi ko.

"No, you're pregnancy test shows positive. I am an OB-Gyne. Aren't you happy? You have a blessing on the way. I'm sure your husband will also be glad about this news"

No!

I am definitely sure, he would not be happy dahil si Ella ang gusto nya, si Ella ang gusto nyang makasama habang buhay at kay Ella nya gustong magka anak at hindi sakin.

Nasaan sa salita na yun ang glad?

Natatakot ako, dumoble ang takot ko. Ilang rejection na ba ang natanggap ko mula kay Thunder? What if he also rejects our baby? Kakayanin ko pa ba? Just thinking about him rejecting our baby breaks my heart.

"Doc, pwede po bang atin na muna tong result at wag nyo na muna sabihin sa kanila? Gusto ko po kasing ako ang magsasabi sa kanila, isu-surprise ko po kasi ang asawa ko"

Ang tanong kaya ko bang sabihin?

Ngumiti sya at tumango-tango

"Sure Akira, mas maganda kung sayo manggagaling ang balita pero advice ko lang ha? Muntik ka ng makunan dahil sa accident. Pinaka crucial kasi talaga yang first trimester kaya mag iingat ka palagi. Iwasan mo ang stress at mga incident na babagsak or madudulas ka or what dahil masama sa baby mo yun"

"Sige po. Salamat po" sabi ko.

Nag iwan sya ng mga gamot at reseta para sa mga injury at pregnancy ko.

I don't know what to do.
But I want to give my child a family he/she deserves

End of Flashback

"Aki, are you okay? May masakit ba sayo?" nabalik ako sa realidad ng hawakan ako ni Cloud.

Lumingon ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.

I realized something, pag nalaman ni Cloud na buntis ako. I would hurt him even more. It would totally break him and I don't want to see that. Cloud is such a nice guy and believe me when I say that I don't want him to get hurt because of me.

"Hey Aki, saan ang masakit?" tanong nya ulit.

"I'm sorry" hindi ko alam kung bakit kusa kong nasabi yun pero parang kailangan.

He smiled and that brought pain my heart.

"For what reason are you apologizing?" tanong nya sakin. Hindi pa rin napalis ang ngiti sa labi nya.

Umiling na lang ako. Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo yun.

"Pwede na ba kong umuwi?" tanong ko.

"Hoy! Hindi ka pa magaling!" sigaw sakin ni Sanya.

"Oo nga Akira, magpagaling ka muna ha?" dagdag ni Josh.

"Ayoko na dito. Okay naman na ko, galos lang naman baka pwedeng sa bahay na ko magpapahinga, please?" kay Cloud ako tumingin at binigyan sya ng begging eyes.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now