Chapter 27: Deserve

623K 12.7K 9.1K
                                    

Ella's POV.

Nakailang back and forth na ko sa harapan ng bahay ni Thunder.

Sa bahay nung malanding Akira na yun at ni Thunder.

Ngayon pa lang ako nakapunta dito, nung araw na malaman ko yung tungkol sa kanila ni Akira. Sinundan ko si Thunder noon at nalaman kong dito sya nakatira.

Hindi ko matanggap ang lahat hanggang ngayon, na kasal sila at tila tuluyan ng nawawala ang pagmamahal sakin ni Thunder.

Pumunta ako dito dahil gusto kong makausap si Thunder, kailangan naming mag usap. Aayusin na namin ito lalo na at alam ko na ang sikreto ni Akira.

"Sino ka? Sinong hinahanap mo?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, dali dali ko itong hinarap. 

"Si Thunder po?" tinanong ko na lang kahit alam kong wala pa ito dahil wala pa ang sasakyan nya. 

"Wala pa si Thunder, pinuntahan nya si Akira sa ospital baka gabihin iyon dahil nung huling naospital ito ay ayaw nyang iniiwan ang asawa" sabi nito na agd akong tinalikuran at pumasok na sa bahay.

What does she mean? na totoong tinatrato ni Thunder na asawa ang haliparot na iyon? I will kill her, hindi na sya dapat nanggulo pa samin. Ako ang nararapat na tawaging misis, ako ang nauna, ako ang mahal nya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at dumating na nga si Thunder, see? Wala syang pake sa babaeng yun, iniwan nya nga sa ospital. Alam na kaya nya?

Bumaba ito ng sasakyan nya kaya sinalubong ko sya. Amoy alak sya at tila lasing. Hindi nya ko pinansin at dinaanan lang ako na parang hindi nya nakita pero maagap ako at hinawakan ko sya sa braso para pigilan.

"Umuwi ka na Ella, ayokong makausap ka ngayon" ang cold ng pagkakasabi nya pero di ko inalintana ito.

Ako ang pinaka-kailangan nya ngayon.

"No Thunder, mag usap tayo, kailangan mong malaman ang totoo. Hindi ko alam na nabuntis pala ni Cloud si Akira, you see niloloko ka lang nya nabuntis sya ng ibang lalaki-" magsasalita pa sana ako ng makatikim ako ng sampal mula sa kanya.

Unang beses nyang napagbuhatan ako ng kamay kaya naiyak ako.

"Thunder" pagtawag ko sa kanya, hindi ko in-expect ang ginawa nya. Lasing lang sya hindi ba, kaya nya ko napagbuhatan ng kamay?

Hindi nya magagawang saktan ang taong mahal na mahal nya.

Nanghihina sya at tila hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang emosyon nya.

"That child, that unborn child" he looked at me straight in the eyes. Nagulat ako ng may pumatak na luha mula sa mata nya. "Hindi yun anak ni Cloud, Ella" halos napigil ko ang paghinga ko. "It's mine! you just killed my child! Namatay ang anak ko ng wala man lang akong nagawa!" sigaw nya sakin.

Pakiramdam ko ay na estatwa ako sa kinatatayuan ko. 

He and Akira had an unborn child.

Anak nya ang bata?

at namatay ito ng dahil sakin?

"Pero sabi mo, walang nangyari sa inyo ni Akira?!" 

"Do you think I will tell you that, sa tingin mo ba kaya ko? Nanahimik na sya yet sinugod mo pa din sya! Alam naman nya at tanggap nya na ikaw ang paulit-ulit kong pinili pero hindi ka pa rin nakuntento, sinaktan mo pa din sya at anong nangyari? Nalaglag ang bata! Ehla, walang kasalanan yung anak ko rito, yet my child paid for it all, how would I be able to live with that?"

"Thunder I'm sorry"

"Maibabalik ba ng paghingi mo ng sorry ang anak ko?"

Umiling ako.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon