Chapter 35

747K 12.6K 6.6K
                                    

Akira's POV.

"Okay is everyone here?" tanong ko sa mga empleyado ko.

Company outing ng Santos Company ngayon. Ako ang CEO kaya kahit ayokong sumama at gusto ko na lang manood ng barbie kasama si Celestine. Ito ako ngayon at namamahala.

"Ma'am may kulang pa" sabi sakin ni Gina.

"Okay. Maaga pa naman. Let's wait for them" sabi ko.

Totoong maaga pa, hindi pa nga pumuputok ang araw dahil alas kwatro pa lang ng umaga.

Mag a outing kami sa may tagaytay. Beach resort yun.

Isang bus kami ngayon. Buti na nga lang at kasya kami dahil may mga ilan ding di sumama. Hindi na ko nagdala ng kotse ko ngayon dahil nga makikisakay na ko sa bus nila.

Tatlong tao na lang ang hinihintay namin. Si Cynthia na head ng financial department, Si Ken na head ng marketing at si Danna na head ng technical support namin.

Maya maya pa ay nagulat ako at ang mga empleyado ko dahil may huminto lang namang sports car sa harapan namin.

At hindi lang basta bastang sports car kundi isang Koenigsegg Regera

At hindi lang basta bastang sports car kundi isang Koenigsegg Regera

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Wow ang gandang sasakyan!" namamanghang sabi ng mga empleyado ko.

"Mukhang mamahalin ah. Magkano kaya yan?"

How can I not know kung magkano ang sasakyan na to kung ito ang dream car ko. Pagkalabas pa lang nito ay gusto ko ng bilhin kasi masyado syang mahal. Hindi naman sa hindi ko kaya. Nagpapaka kuripot lang ako.

A koenigsegg regera cost about $1.9 million. Sa peso halos 95,000,000.

Sinong siraulo ang magwawaldas ng ganong kalaking pera para sa isang kotse. Malamang siraulo tong driver.

At halos malaglag ang panga ko ng lumabas ang tinutukoy kong siraulo.

"Sir Thunder!" magiliw na pagbati ng mga empleyado ko sa kanya.

Kilala na kasi sya ng mga ito dahil nga diba? Doon na sya nag o-opisina sa kompanya namin. Mga 2 weeks na din sya dun. Kaya 2 weeks na kong asar sa kanya.

"Buti nakarating kayo Sir Thunder" napatingin ako sa nagsalita si Cynthia sa wakas dumating din sila.

At napanganga ako dahil di lang silang tatlo ang bumaba mula sa taxi. Anim sila. Akala ko ba hindi magsisi sama tong mga to?

Hindi ako prepared. Hindi ko nadala ang kotse ko. San ako sasakay?

"Hey Aki!" napatingin ako kay Thunder kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.

Nag crossed arms ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Hininaan ko lang ang boses ko dahil ayokong mapansin ng mga empleyado na nagtataray ako.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin