Chapter 94. Isang Malakas na Pagsabog

1.9K 84 1
                                    

Nakaluhod si Al hawak hawak nya ang nasunog na parte nang kanyang paanan pinagmamasdan nya ang susunod na magiging pag-atake ni Alias

Sinubukan tumayo si Al pero sa sakit nang kanyang paa ay nabuwal ito at napaupo sa sakit

Itinaas ni Alias ang kanyang dalawang kamay sa itaas nang kanyang mga palad ay may namumuong liwanag

Palaki nang palaki ang bolang apoy na naiipon sa kanyang dalawang palad

Sa loob lamang nang isang minuto ay nakagawa si Alias nang isang napakalaking bolang apoy ang sukat nito ay hindi maikukumpara sa mga bolang ginamit nya kanina

"Sa oras na binitawan ko na ang bolang ito kahit san kapa magtago siguradong iisa lamang ang kakahantungan mo matutusta ang bawat kalamnan mo magiging abo ang mga buto mo at tuluyan na kayong mabubura sa mundong ito"
wika ni Alias na maganda ang pagkakangiti

Sa lumipas na sandali ay naging bato na ang kalahati nang mukha ni Alex ngunit sa kabila nito may napansin sya na kakaiba

Ilang sandali na lamang ay makukumpleto na ang laki nang bolang apoy ni Alias

Tumutulo ang pawis ni Al wala na syang balak na iwasan pa ang pag-atake ni Alias

"Wala na eto na ang katapusan"
wika ni Al na nawawalan na nang pag-asa

Pinagmamasdan ni Al si Alias habang unti unting ihahagis ang malaking bolang apoy

Nang...

Sa may likuran nito ay may humawak at pumigil sa kanyang mga kamay nang silipin ni Alias nakita nito si Alex

"Ano ikaw?"

Napansin ni Alex na kaya nya pang igalaw ang kanyang katawan kahit na naging bato na ito

Kaya nang makalapit sya kay Alias habang abala itong nagpapalaki nang bolang apoy ay tinangka nya na itong pigilan

Ubos na ang sampung minuto at naging isang matigas na rebulto na lamang si Alex sa tigas nito ay hindi mai-alis ni Alias ang pagkalahawak nito sa kanyang mga kamay

"Ama!"
sigaw ni Al nang makita ang ama nya na naging rebulto

"Hanggal ka! hindi kailangan kong maibato ang bolang ito kung hindi sasabog ito sa akin"
wika ni Alias

Isang nakakabinging ingay ang umalingawngaw sa paligid kasunod ang napakalakas na pagsabog

Sumabulat ang napakalakas na bugso nang apoy at hangin sa paligid nilipad nito si Al palayo sa pagsabog kaya hindi sya nasaktan

Sa pagtalsik ni Al tumama sya sa pader at nawalan nang malay

Ilang oras din ang nakalipas bago bumalik ang malay ni Al

Marahan syang nagmulat nang kanyang mga mata nakita nya ang malaking pinsala na nagawa nang malakas na pagsabog

Kita ang pangingitim nang paligid sa mga nasunog na bahagi nito nagkalat ang mga nadurog na bato mangilan ngilan na apoy at usok galing dito

Pero mas napansin ni Al ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan gawa ang katawan nito sa bato na nagkaroon nang maraming lamat

Ang lalaking iyon ay si Alex patakbong tinungo ni Al ang kanyang ama at niyakap ito

"Ama ko sabay pa tayong uuwi pakiusap bumalik kana ama pakiusap"

Patuloy lang ang pagtulo nang kanyang mga luha

Umiiyak si Al habang yakap ang kanyang ama na isa nang matigas na rebulto.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now