Chapter 64. Sa May Peryahan

2K 98 5
                                    

Tuwing magtatapos ang araw kasabay nang paglubog nito ang pagbubukas nang peryahan sa Bayan nang Saragoza

Ang mga taong naglilibang at naghahanap nang swerte sa mga palaro na may halong sugalan

Pero ang tampok sa mga ito at dinarayo nang mga tao ang kakaibang pagtatangal nang mga kakaibang nilalang

Si Berto ang may ari nang freak show nang peryahan nang saragoza dinarayo sya dati nang mga tao dahil sa pagpapalabas nya nang mga sirena tikbalang at ulong pugot na nagsasalita kaya madalas puno ang kanyang tanghalan

Bukod dito isa rin si berto sa sekretong nangangalakal nang mga nilalang may mayayaman na tao na bumibili nang kanyang binebenta
at may sarili naman syang tagahuli depende sa gusto nang kanyang kostumer

Narito ang mga presyo nang bawat nilalang na kanyang binebenta

Sirena-1'000'000
higante-500'000
kapre-250'000
Tikbalang-200'000
lambana-180'000
mga tao na may kakaibang talento-150'000

Kaya mabilis ang naging pagyaman ni berto sa illegal na pangangalakal nang mga kakaibang nilalang

Samantala

Walang araw na lumilipas na hindi nagkikita ang magkaibigang kiko at Al magkaiba man ang kanilang mga anyo ay hindi naging hadlang to upang maging matalik silang makaibigan

Masaya silang nangangaso sa gubat dahil kabisado ni kiko ang bawat sulok nang kakahuyan ay madalas alam nya kung saan naroon ang malalaking baboy ramo gayundin ang mga malalaking uri nang ibon kaya madalas madaming uwi si Al sa kanilang bahay

Minsan isang araw naiinip si Kiko sa paghihintay kay Al dahil tanghali na at hindi pa ito nagpapakita kaya natuwa sya nang makarinig nang kaluskos sa di kalayuan

Kaya masaya syang sinalubong ito pero tumambad sa kanya ang apat na kalalakihan may dala silang mga armas

Bago pa man sya makagawa nang hakbang ay walang kalaban laban na pinaputukan sya nang mga ito

Bumaon sa mga balat nya ang mga bala parang karayom ang dulo nito at may lumalabas na likido sa dulo

Nanlabo ang paningin nya at sinibukan tumakas hinawi nya ang mga puno pero bigla na lamang syang nawalan nang malay

Tulong tulong syang isinakay sa isang pick up na sasakyan at tinabingan nang isang itim na lona

Mabilis na pina-andar nang mga ito ang sasakyan at umalis na sa lugar

"Baka naiinip na si kiko sa akin si ina kasi pinatapos na akong magsulat bago ako pina-alis haha sabik na akong manghuli nang isang kakaibang manok na may ibat ibang kulay hmmm sarimanok yata tawag don"

Masayang tinutugo ni Al ang kakahuyan nang may kumakaripas na sasakyan ang dumaan sa kanyang harapan

Ang alikabok ay umangat mula sa lupa at nasingot nya ang mga ito at nabahing

"Ano bayun bakit kaya may naligaw na sasakyan sa bahagi na to nang kakahuyan"

Mabilis na syang naglakad upang makarating sa kanilang tagpuan

Tahimik ang paligid walang kiko ang kanyang nadatnan roon nakita nya ang mga kaguluhan nang mga puno ang ilan dito ay nahawi at naputol ang mga sanga

Naalala nya ang kotse na kanina lamang ay mabilis na nilampasan sya

Gamit ang kanyang kaka-ibang bilis sinundan nya ang mga bakas nang kotse kahit mabilis ang mga ito ay wala ito kumpara sa bilis ni Al kaya naabutan nya ang mga ito

Tumalon si Al at sumabit sa likod nang pick up nakita nya ang isang nakatakip na bagay

"Ano kaya ang nasa likod nang mga lona na ito?"

Inalis nya ang tabing at nakita ang kaibigan nyang kapre na mahimbing na natutulog

"Kiko Gising!"

Inaalog nya ito pero walang epekto napansin nang mga taong kumuha kay kiko na lumipad ang tabing nito kaya bigla nitong hininto ang sasakyan

Nakita nila si Al sa itaas nang pick up mas lalong nanlaki ang mga mata nito nang makita nilang buhat nya ang kapre at pasan sa likuran nya

"Paano nya nabuhat yun samantalang tayo ay apat na nagtulong tulong ay hirap pa din"
sabi nang isang lalaki na may kapayatan

"Kung yan ang dadalhin natin kay boss siguradong matutuwa sya"

Nagkasundo ang mga kalalakihan na pati si Al ay hulihin dahil sa angkin nitong lakas

Tumalon si Al sa sasakyan dahil sa buhat nya si kiko ay hindi sya naging mabilis naramdaman nyang may tumusok sa kanyang likuran na bagay habang patakas sya

Nahilo sya bigla pilit nya man labanan ang pagsasara nang mata nya ay wala syang nagawa tuluyan din syang nawalan nang malay

Muli silang isinakay sa likuran nang pick up may limang oras silang naglakbay hanggang makarating sila sa bayan nang saragoza

Malapit nang lumubog ang araw at unti unti nang kumakapal ang bilang nang mga tao sa peryahan

Dinala sina kiko at Al sa isang tagong lugar sa ilalim nang freakshow na puno nang makakapal na uri nang bakal na kulungan

Pinaghiwalay silang ikinulong roon kasama nang iba pang mga nahuling mga nilalang

Maya maya pa ay nagising na si Kiko natanaw nya si Al na nasa kabilang kulungan lamang nya

Humawak sya sa bakal na rehas at sinubukan gisingin si Al

"Al gising"

"Kiko nasaan tayo?"

"Diko rin alam pero kailangan natin makatakas"

Inilibot ni Al ang kanyang mata mula sa ibang kulungan ay may mga bihag rin isang tikbalang at isang sirena

Dahil ngayon pa lamang nakakita nang ganon si Al at wala syang alam sa ganung uri nang nilalang

Tinawag nya na lamang itong taong kabayo at taong isda

"Tignan mo kiko may mukhang isda pero babae tapos yung isa mukhang kabayo na tao"

"Tikbalang at sirena ang tawag dyan may paparating magkunwari muna tayong tulog"

Nagkunwaring natutulog ang dalawa at dumating si berto kasama nang mga dumakip sa kanila

"Gung gong bakit kayo nagdala nang bata baka dyan pa ako mapahamak sigurado may maghahanap nyan"

"Boss may kakaibang lakas ang bata nayan"

"Wala akong pakielam nakita na ang mga mukha nyo nyan at hindi ko rin mabebenta dispatchahin nyo na yung hindi na aamoy yung malinis kayo na ang bahala"

"Pasensya na bata trabaho lang walang personalan"

Authors Note:
thanks sa mga comment nyo mas ginaganahan tuloy ako magsulat :)

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon