Chapter 03. Ang Agimat

5K 191 2
                                    

Masyado akong namagha sa pinakitang lakas ng aking lolo matapos nyang kalabanin ang kapre sa barrio aldama

Gusto ko rin lumakas ng ganon

Maari nyo po ba akong bigyan ng agimat??
Gusto ko pong lumakas katulad nyo"

Isang kwintas na nakasabit sa kanyang leeg ang kanyang hinubad
at kanyang inabot sa akin..

Ano po ang bisa ng agimat na ito?
lalakas po ba ako dito?

Isuot mo apo ko

Agad kong sinuot ang nasabing kwintas

ang kwintas na yon ay hugis tatsulok at may mga nakasulat na letrang di ko maintindihan gawa iyon sa kahoy at halata na ang kalumaan nito

Subukan mong biyakin ang buko na iyan sa ibabaw ng lamesa
utos ng aking lolo na agad ko naman sinunod

Buong lakas ko itong hinampas gamit lamang ang aking kamay

Ahhhhh.... Aray
sabay hinihipan ang namumula at namamaga kong kamay

Lo peke naman yata tong anting anting nyo eh di ko naman nabiyak yan buko

Hahaha Ang agimat nayan ay palamuti lamang

Ah?? palamuti wala bang kapangyarihan to... eh lo bakit binigay nyo po sakin??

Ang agimat na yan ay magkakaroon ng inaasam mong kapangyarihan kung ikaw mismo ang kukuha nito

Lalo akong naguluhan sa mga sinabi ng aking lolo

Sa may kakahuyan humanap ka ng puno ng saging na may puso

Kailangan mong hintayin ang dagta mula sa puso ng saging at inumin ito

Ang dagta nayon ang magbibigay sayo ng iyong inaasam na kapangyarihan

Agad akong nagtungo sa kakahuyan upang hanapin ang sinasabi ng lolo ko na puno ng saging na may puso na nagtataglay ng pambihirang dagta

Ang kakahuyan unang beses kong tumungtong dito matapos akong pagbawalan sa mahabang panahon

Bilog ang buwan ng gabing iyon na nagpadagdag ng kilabot sa aking buong kalamnan

Unang beses ko kasing lumakad ng mag-isa kadalasan kasi ay kasama ko ang aking lolo

Ang masukal na gubat nayon ay nababalot ng mga usok na di mo mawari kung saan nagmumula

Mga kakaibang ingay at malaming na hangin na dumadampi sa aking balat

Sa aking paglalakad ay natanaw ko na ang nasabing puno

Nasa gitna yon ng mga naglalakihan puno

Humiga ako sa tapat ng puso nito

Matyaga akong naghintay ...

Mga ilang sandali pa ay nakikita kong unti unting bumubukas ang mga nakabalot sa puso nito

Isang katas ang naiipon mula sa dulo ng puso

Biglang bumagsak ang naipong katas at sinapo ko ito ng aking bibig at aking nilulon ito

Ang katas na yon ay may kakaibang pakiramdam matapos ko itong inumin

Haha.. Excited na ko

Anu kayang kapangyarihan ang tinataglay nito.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko
kaya kinusot ko ang dalawang mata ko

Ang gubat na kanina ay tahimik at walang katao tao ay napalitan ng mga nakakatakot na nilalang

May lumilipat na putol ang katawan sa may taasan ko
ahhh.. Mananangal

Mga nagtatawanang duwende

Mga Kapre at tikbalang sa taas ng puno at kung anu ano pang lamang lupa

ENGKANTO!!!!!!!!

Sabay karipas ng takbo paalis sa kakahuyan

Ang agimat na makakita ng mga engkanto dina masama

Masamang masama lang ahhh....

Sundan ang aking pakikipagsapalaran

ah?! ENGKANTO wah!!!!!

*nahimatay sa takot*

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now