Chapter 50. Ang Paghahanap Ni Maru

2K 151 2
                                    

MARU POV-

Tinalasan ko ang aking pang-amoy at sa isang pihitan ako napunta hanggang dito na lamang ang amoy na pinang galingan

Nakababa ang pihitang kahoy na iyon kaya sinubukan kong itaas

Nakiramdam muna ako

Ilang saglit pa ay bumukas ang sahig at nahulog ako sa ilalim nito

Nag-anyong bakunawa ako para makalipad sa sobrang dilim nang butas ay hindi ko matanaw kung ano ba ang nasa dulo nito

Dahan dahan akong bumaba palalim nang palalim ang aking tinutungo

Nang biglang may sumulpot na isang mahabang kulay pulang bagay

Mabuti na lamang at naka-iwas ako dito

Hanggang makarating ako isang madilim na lugar may

Bumuga ako nang apoy para magkaroon  nang liwanag ang paligid

Isang malaking palaka ang bumulaga sa akin

Sampung beses ang laki nito sa akin kahit isa na akong bakunawa ngayon pa lamang ako nakakita nang ganitong uri nang nilalang

Ang kulay dilaw na kulubot na balat ang malaking mata at ang nitong bunganga malaking bunganga

Muling bumukas ang kanyang malalaking bibig kasabay nang malakas na ingay at biglang lumabas ang mahaba nitong dila

Patuloy lang ito sa pagsubok na mahuli ako nang kanyang mahabang dila

Para akong isang langaw na pagkain nang palakang ito

Habang iniiwasan ko ang kanyang pag atake ay unti unti ko na itong nilalapitan

Pero nahuli ako nito at pinaluputan nang kanyang dila hinihila na ako nito papasok sa kanyang bibig

Mabuti na lamang at nag anyong tao ako para lumusot sa kanyang dila

At mabilis na umatras at bumalik sa pagiging bakunawa

"Ikaw"
Malaking boses na nangagaling sa higanteng palaka

"Ikaw ikaw ba ang nagsalita?"
tanong ko sa kanya

"Ako nga ano ang pakay mo sa akin?"

"May hinahanap ako dalawang nilalang at sa tingin ko dito sila napadpad"

"Kanina lamang may nakain akong dalawa na mahulog mula sa itaas"

"Ilabas mo sila"

"Ako si borbon tanging utos lamang nang hari ang aking susundin"

"Kung ganon wala na tayong dapat pagtaluhan pa tikman mo ang init nang apoy ko"

Bumuga ako nang malakas na apoy pero biglang tinapatan nito nang isang malakas na hangin natatalo ang aking apoy kaya mas nilakasan ko pa para matapatan ang hangin mula sa kanyang bunganga

ANNA POV-

"Anong nangyayari?"
wika ko

May hangin na malakas na tumutulak sa malaking bato na aming tinutungtungan

Hanggang tuluyan na kaming liparin palabas nang hangin

Mabilis at malakas ang bawat bugso nang hangin

Hinawakan ko ang kamay ni ritchie samantalang si marcus naman ang hinahawakan ni ritchie

Sabay sabay kaming tinatangay hanggang makakita kami nang liwanag maaring iyon na ang labasan kaya kami ay nagalak

Pero biglang isang nakakapasong init ang bumungad sa amin dire-diretso kami sa lumiliyab na apoy

"Glacio"

Tinapatan ko nang yelo ang apoy nya ibinuhos ko na ang lahat nang aking kapangyarihan mawala lang ang apoy sa aming harapan

Hanggang tuluyang mawala ang apoy at tumama kami sa isang bakunawa sabay sabay kaming nabagsak sa sahig

Mahilo hilo pa ako nang makita ko sa aming harapan ang isang napakalaking palaka

"Wah yan ba si borbon"

"Di ako makapaniwala totoo ang sinasabi ni tanda"
wika ni ritchie

"May pangalan ako tikbalang borbon muli na naman tayong nagtagpo ngayon sisiguraduhin kong matatalo na kita"
wika ni marcus na natutuwa sa kanyang pagkakalaya

"Nasaan ang bakunawa?"
nasabi ko na hinahanap ito

Pero isang lalaking kulot na nakasuot nang long sleeve lang ang aking nakita

"Ako si maru ako ang bakunawa ito ang anyo kong tao kayo ba ang kaibigan ng aming prinsepe?"
nahihilo pa nitong sagot

"Buhay si Alex"
Masaya kong sagot

"Oo at pinahanap nya ako sa inyo pero di pa tayo dapat magsaya meron pa tayong malaking problema"
sabi ng maru

"Marcus paanong nabuhay ka pa pero di bale na ngayon na lamang kita tatapusin"
sabi ni borbon

Kaming apat ay sabay sabay na tumayo sa harap ni borbon at nakahanda nang lumaban.

AUTHOR NOTE:

Please vote
update of the story is everyday!
kaya sana ay subaybayan nyo

Plano ko na hanggang 100 chapters tong kwento kaya nasa halfway na sana suportahan nyo parin hanggang matapos

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now