Chapter 56. Ang Pagtatapos At Panibagong Laban

1.9K 107 1
                                    

Mabilis ang pag-agos nang dugo sa naputol na bahagi nang aking katawan

Di ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman magkahalong hilo at sakit sa mga tinamong pinsala

Mas lumiit ang tyansa kong manalo laban kay haydis ngayon iisa na lamang ang aking kamay

"Yung kabilang kamay mo naman ang aking puputulin"
sigaw ni haydis na itinutok pa ang kanyang ispada sa akin

Mabilis itong lumusob at inihampas ang kanyang ispada sa akin

Na mabilis kong iniwasan ngunit patuloy lamang ito sa paglusob

Hanggang mahiwa ako nito sa aking tiyan malalim ang sugat na sa palagay ko ay inabot nito ang aking mga bituka

Di ko na kinaya ang sakit at tuluyan na akong napaluhod

Nakaluhod lamang ako sa harapan nya nakita kong inangat nya ang kanyang ispada

Handa na syang tagpasin ang aking ulo nang sandaling iyon wala na mamamatay na ko sa lugar na iyon

Kawalang pag-asa ang nagpawala nang aking lakas upang muli pang lumaban

"Katapusan mo na!"

Mabilis na bumabagsak ang ispada patungo sa aking ulo anumang sandali ay lilipad ang ulo ko sa hangin

"Ventus (hangin) itigil mo yan!"

Si Anna gamit ang kanyang salamangka ay inilipad ang ispada  na gamit ni haydis at bumaon sa sahig sa harapan ko

"Pakelamera ka!"

Masama ang tingin nito kay anna at lumakad palayo sa akin upang si anna naman ang kanyang atakihin

Pero hinawakan ko ang paanan nito upang pigilan makalapit kay anna

"Kung iyong nais na mauna mamamatay pagbibigyan kita"

Gamit ang kanyang dalawang kamay ay iniangat ako nito mahigpit na sakal sakal sa aking leeg

Hangin kailangan ko nang hangin anumang sandali ay mauubusan na ko sa higpit nang pagkakasakal

Natanaw ko sa may ibaba ang nabaon na ispada sinubukan kong abutin ito

Hanggang tuluyan ko na itong maabot at mahugot gamit ang aking huling lakas

Isinaksak ko iyon sa kanyang tagiliran na tumagos na man sa kabilang bahagi nang kanyang katawan

Nabitawan ako nito at napaatras samantalang ako ay naubo at muling nakahinga mula sa pagkakasakal

Tapos na ba?

Hinawakan nito ang kanyang ispada at hinugot mula sa kanyang katawan

Malakas ang bulwak nang dugo sa kanyang katawan at halos mamilipit sa sakit si haydis

Sinikap kong tumayo papalapit sa kanya at dinampot ang ispada

Isinaksak ko ang ispada sa kanyang dibdib ngunit mababaw lamang ang pagkakabaon dahil wala na kong lakas pa nanatili lamang itong nakabaon sa kanyang dibdib

Hanggang mawalan nang malay si haydis at sumubsob paharap na naging dahilan upang bumaon ang ispada at tumagos sa kanyang katawan

Kasabay nang pagpagsak ni haydis ay ang aking pagbagsak

At nawalan na ko nang malay hindi baka buhay na ang nawala sa akin

*Anna POV*

"Alex"
mabilis kong tinungo si alex

Itinapat ko ang aking tenga sa tapat nang kanyang dibdib ngunit wala na itong pintig pa

"Alex gumising ka"
tuloy tuloy lamang ang aking pagtangis

At patuloy na ginigising ito nang biglang isang malaking bato ang bumabagsak sa amin

Binitbit ko si alex at lumayo bago pa man madaganan nang malaking bato

"Pinatay nyo ang aking panginoon ngayon magbabayad kayo"

Ang matandang duwende ang nagsasalita si tandang kito

Kakaiba ang kanyang kakayahan sa liit nyang yun nakaya nyang magpalipad nang mga malalaking bato

Itinutok nito ang kanyang tungkod sa ispada ni haydis at lumutang at mabilis na patungo sa amin

Iniwasan namin at nabaon sa pader

Ibinaba ko muna si alex at sinandal sa pader

"Dyan ka muna alex babalikan kita pagkatapos kong talunin ang matandang duwende na ito"

tumatakbo ako sa direksyon nang aking kalaban

Nakahanda akong tapusin sya nang mabilis upang makahanap ako nang lunas upang mapagaling si alex.



ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now