Chapter 23. Ang masamang espirito

2.6K 145 5
                                    

Ayos ka lang..???

tanong ulit sakin ni anna

Oo ayos lang ngayon palang kasi ako nakakita ng sinasapian ng masamang espirito kadalasan kasi mga engkanto, mananangal kapre tikbalang at mga aswang palang ang aking nakita

Nakita kong nanlaki ang mata nito at tumawa ang cute nya pag tumatawa kahit papano nawawala ang tensyon sa kwarto

Eh mas nakakatakot pa yun sa sinasapian hahaha..

Natawa lang ako at ngayon di na ako ninenerbyos kahit papano

Tumingin ulit sya sa dalagitang nakagapos

Bakit mo ba sinapian ang batang ito

Nanahimik ako pero
Sinira nila ang bahay ko...

Sigaw nito malakas na may halong galit

San ba ang bahay mo at nang maayos natin..

Mahinahon na pagsasalita ni anna

Ang puno ng mangga sa likod ng bahay sinira nila ang aking pananahimik...

Tumingin ang mag-asawa kay anna at nagsalita

Yung puno ng malaking mangga sa likod bahay pinutol namin yun kasi nagpatayo kami ng banyo

Salita ng pawis na pawis at halatang ninenerbyos na babae..

Mukhang di na natin maibabalik yung bahay mo gusto mo dito ka nalang may malaki akong puno ng mangga sa labas at siguradong walang gagambala sayo don
Sige na iwan mo na sya....

Bakit gusto nya patirahin ang espirito sa bakuran nya

Ayoko dito nalang ako titira sa bata na ito at di nyo na ako mapapa-alis pa kahit anong mangyari

Wala na akong magagawa...

Sumusuko na ba sya..!!!

Mula sa kanyang bulsa kumuha sya ng dalawang pirasong metal na pahaba

May haba yun na may isang palad ng kamay

Inilagay nya yun sa gitna ng daliri ng paa ng dalagita

At mahigpit na pinisil

Ahhh..... Ahhh. waaahh...
Ang sakit para akong mamamatay

Ang kulit mo kasi eh di ka marunong pakiusapan..

Lalo pang diniin ni anna ang paanan nito

Kahit naman siguro sino makakaramdan ng ganon sakit pag ganon ang ginawa

Maya maya ay nagbago ang mukha ng dalagita at ang pagsasalita nito na may halo ng lambing

Papa mama tulungan nyo ko masakit na yung paa pakiusap

Pero si parin tinatangal ni anna ang diin sa paa nito

Nagsalita ang lalaki na kanina pa tahimik

Tigilan mo na iyan...

Malakas na sigaw ng lalaki pero mas malakas ang boses ni anna

Wag kang paloko di mo ba nakikita na ang nagsasalita ay ang masamang espiritong nakasanib sa kanya ginagamit nya lamang ang boses ng anak nyo

Natahimik ang lalaki at niyakap ulit ang kanyang asawa

Nagbalik sa pagiging boses demonyo ang dalagita

Aalis na ko parang awa mona itigil mo na yan pakiramdam ko mamamatay ako

Niluwagan ni anna ang pagkakahawak nya sa paa

Huminahon na ang dalagita tinangal narin ni anna ang gapos sa kanyang paa at kamay

Lumapit ang mag asawa sa kanilang anak

Ayos lang ba sya..??

Tanong ng babaeng namumula ang mata sa kakaiyak

Samantalang wala parin imik ang lalaki

Ayos na sya nakatulog lang sya sa pagod kaya wag kayong mag alala

Humarap sa akin si anna at pinunasan ang pawis nya sa noo

Hahaha.. kakapagod magpa-alis ng makulit na ispirito

Napakaganda ng kanyang ngiti kumakabog parin ang dibdib ko ano ba nanyayari sa akin takot parin ba itong nararamdaman ko o dahil sa babaeng ito

Sabay hawak sa aking dibdib.

Dont forget to VOTE tnx :)

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt