Chapter 54. Sa Trono

2.1K 123 3
                                    

Lahat kami ay sandaling napahinto at walang gustong kumilos

Sandaling nahimasmasan nang bigla kaming itinulak ni maru palayo sa nilalang na umuusok na sa galit

Nagbagong anyo si Maru at naging isang bakunawa

Malakas na lagablab nang apoy ang lumabas sa bunganga ni maru at gumawa nang isang malakas na apoy na harang sa pagitan namin

"Mauna na kayo mahal na prinsepe ako na lamang ang bahala dito"

Ayaw man naming iwanan sya ay wala na kaming nagawa kundi sundin ang kanyang nais at nagpatuloy na kami ni anna sa pagtakbo papalayo sa mahabang pasilyo

"Hagdan na naman"

Hagdanan na naman ang bumungad sa amin wala naba kaming ibang dadatnan kundi mga hagdan

Pero wala kaming magagawa kundi umaakyat pataas nang mahabang hagdanan

Pagkadating sa tuktok at matawid ang mahabang hagdaanan ay nakarating kami sa isang malawak na silid

Sa may itaas ay may nakaupo sa isang magarang upuan

Ang kulay pula nitong mata ang una kong napansin gayun din ang malaki at matipuno nitong pangangatawan

Nababalutan nang makakapal na balahibo ang katawan nito at nakakahawig nito ang isang lion sa gubat

Nag-iisa lamang ito at walang kahit anumang kasama

"Maligayang pagdating sa trono nang hari"
wika nya at tumayo sa kanyang kinauupuan

"Ikaw ba ang hari?"
tanong ko rito

"Ako ba? siguro ako nga pero mas gusto kong sabihin na isa akong panginoon kung gayon ikaw pala ang nagiisang anak ni rosian bumalik ka lamang para magpakamatay"

"Ang aking lola nasaan?"
sigaw ni anna

"Lola? haha ang matandang mangagamot wala gusto lamang nyang magpahinga sa may itaas"

Mula sa itaas ay may isang walang malay na matandang babae ang nakalambitin nakagapos ito nang mga malalaking bakal

"Lola"
naiiyak na sigaw ni anna

Nagtaka kami dahil tila alam nito ang bawat dahilan nang aming pagpunta

Mga palakpak mula sa gilid na bahagi nang trono isang duwende

Kilala ko sya ang isa sa mga pinuno

Si tandang kito

"Hehehehe prinsepe bakit ko pagpapalit ang panginoon ko sa isang mahina at walang silbing prinsepe"
wika ni kito

"Traydor ka"
malakas na sigaw ko

"Hindi ako traydor dahil kahit kailan iisa lamang ang pinaglilikuran ko ang panginoon kong si haydis"

"Tignan nalang natin kung may bubuga ang isang prinsepe na walang kaharian"
sabi ni haydis

Bumaba ito mula sa itaas nang kanyang trono at papalapit sa akin

Dahan dahan itong naglalakad nang bigla na lamang ito naglaho

At bago ko pa mamalayan kung nasaan sya ay nasa aking harapan na ang kanyang kamao

Isang malakas na suntok sa aking mukha

Tila may nabasag sa parte nang aking bungo

May tumutulo sa sahig dugo na unti unting bumabagsak mula sa aking ulunan

"Alex"

Malakas na sigaw na nagpabalik nang aking ulirat natanaw ko si anna at ramdam ko ang pag-aalala nya

"Mahina ka katulad karin nang iyong mga walang kwentang magulang"

Hinanda ko ang sarili ko sa kanyang sunod na pag atake

Naglalakad sya nang muli na naman maglaho alam kong bigla na naman syang susulpot sa aking harapan kaya naman sumuntok ako kahit hindi ko pa sya nakikita

Tama ang hula ko kaya eksaktong tinamaan sya sa kanyang mukha

Napansin ko rin ang pagkabigla kay haydis bago pa sya tamaan nang aking suntok

Napaatras ito at dumugo ang kanyang bibig mabilis itong lumayo sa akin

Nagdikit ang mga kilay nito tanda na may namuong inis sa kanyang sarili

Masama lamang itong nakatingin sa akin at handa na muling lumaban.

Authors Note:
Pasensya na ngayon lang nakapag update busy kasi

Wag nyo sanang ikumpara ang kwento ko sa tunay na pangyayari dahil pawang kathang isip lamang ang aking kwento

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu