Chapter 31. Ang Iyakin

2.2K 115 3
                                    

Ang mahika ni anna ay nagbigay ng pagamba kay inggo

Napahakbang ng paatras ito

Muling itinutok ni anna ang kanyang palad at ngayon ay kay inggo na ito nakapuntirya

Muli nyang binangit ang mahiwagang salita ngunit...

Tora (apoy)

Tinakpan ni inggo ang kanyang katawan gamit ang dalawa nitong kamay ngunit walang apoy na lumabas mula sa palad ni anna

Dahan dahan tinangal ni inggo ang kamay nya na nakaharang sa kanyang katawan

Tora

Tora

Tora

Pero walang apoy na lumabas

Hahaha mukhang naubusan kana nang kapangyarihan humanda ka kutong lupa

Sa pagtataka ni anna ay nakatitig lamang ito sa kanyang palad at di napansin na aapakan na sya ni inggo
Anna mabilis ang naging kilos ko at itinaas ang aking ispada dahilan para matusok ang talampakan ni inggo

Ahh aray ko...!!!

Sigaw ni inggo at mabilis na tinangal ang paa nya sa pagtapak sa amin

At naging dahilan para mawalan sya nang balanse at tuluyan nang mabuwal

Anna ayos kalang ba?
Alalang tanong ko dito

Ayos lang ako nagtataka lang ako kung bakit di gumana ang orasyon para sa mahika

Bawat kapangyarihan ay may limitasyon katulad din nang mga agimat hayaan mo at manunumbalik din yan

Naiintindihan ko.
Sabi ni anna na mabilis naman nahintindihan ang mga paliwanag ko

Bumangon sa pagkakabuwal nya si inggo mangiyak ngiyak ito sa sakit na dulot nang pakakabaon ng aking espada

Yun din ang dahilan upang lalong umigting ang kagustuhan nito na mapaslang kaming dalawa

Galit na galit ang kanyang dalawang mata na nakatitig sa amin

Alex may naisip akong edeya
Sabi ni anna sabay bulong sa aking tenga

Masyadong delikado yon anna

Magtiwala ka sa akin alex.

Inggo Habulin mo ako
sabi ni anna sabay karipas ng takbo

Sa galit ni inggo ay hinabol nya ito ng buong lakas

Patakbo si anna sa direksyon ng mataas na pader na bato kung saan naroon ang lagusan

Nakapasok si anna sa lagusan

Nasa likuran nya si inggo at napakatulin din nang takbo

Sa tulin nito ay wala na tong pagkakataon upang iwasan ang lagusan na kasya lamang ang isang pagkaraniwang tao at hindi ng katulad nyang isang higante

Tumama ang buong katawan nito na dumurog sa mga bato

Nadurog ang isang buong parte ng pader na gumawa ng daan upang makatawid sa kabila

Si anna nasaan na sya

Alalang alala ako dito tanging makapal na alikabok lamang ang aking natatanaw sa mga napulbos na bato

ANNA.....

SUMAGOT KA NAMAN KUNG NARIRINIG MO AKO...

Walang sumasagot kaya sinugod ko na ang makapal na alikabok wala man masyadong makita ay hinanap ko parin sya

Anna nasaan ka naba?

Anna

Anna

Ulit ulit na pagtawag ko sa kabila nang makapal na alikabok

Anna sana ayos kalang kasi tingin ko nagugustuhan na kita

Maya maya pa ay nawala na ang makapal na alikabok

At isang imahe ng isang tao ang nasa harapan ko si anna

Nakatulala lamang ito nakatitig sa akin

Pinunasan ko ang aking luha

Ayos kalang ba pinag-alala mo ko alam mo ba yon sa susunod wag kanang gagawa ng ganong bagay

Ngumiti ito sa akin

Di ko akalain iyakin ka pala

Ano anong sabi mo....!!!

ALEX IYAKIN

Sabay karipas nang takbo

Wag mong sabihin mabilis kang tumakbo hintayin mo lang gumana ang aking agimat

At masaya kaming naghabulan at nag asaran na parang mga bata.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now