Chapter 15. Mananangal

2.8K 120 2
                                    

Sa gitna ng kawalan sa isang kubo malayo sa karamihan ay isang madilim na sikreto ang aking natunghayan mula sa isang misteryosong babae.

Lumipad ito sa madilim na kalangitan sa ibabaw ng bilog na buwan

Ang alam ko sa mga mananangal puntirya nila ang mga babaeng nagdadalang tao

Richie nasan ka?

Malakas na tawag ko dito ngunit wala akong tugon na narinig

Mabilis akong lumabas sa may pintuan nakita ko ang mananangal sa may himpapawid

Lumabas na pala ang pagkain ko

Sabay tawa na parang nasisiraan ng bait

Huhugutin ko sana ang aking ispada pero

Nasan ang ispada ko...

Kawawa ka naman tinapon ko na ang ispada mo at di mo na ito makukuha pa

Asar anung gagamitin ko para matalo ang nilalang na to

Akin na ang laman loob mo..

Mabilis itong sumugod mabuti na lamang at nakapasok kagad ako sa kanyang bahay

Kutsilyo o kahit anung matalim na bagay wala kahit isa akong magagamit wala sa bahay na ito

Ang mga paa nya teka wala narin dito...

Sinira ko ang upuan at kinuha ang kahoy para gamitin pang hampas sa aking kalaban

Paglabas ko ng bahay wala na di ko na matanaw ang aking kalaban tanging kadiliman na lamang ang aking natatanaw at ang malaking bilog na buwan

Ahhh....!!

Mula sa aking lukuran ay may sumakal sa akin di ako makahinga at isang masakit na pakiramdam ang aking naramdaman mula sa aking balikat

Nakagat ako sa balikat ang sakit ramdam ko ang baon ng kanyang mga ngipin

Hinanda ko ang kahoy at akin itong hinampas sa aking likuran

Tumama ang ulo nya sa aking ginawa at pinakawalan ako mula sa pagkakasakal

Lumipad muli ito sa kalangitan at animoy nagmamasid kung ano ang aking susunod na hakbang

Pasaway ka..!!

Kumikirot ang sugat sa parte na kanyang kinagat patuloy din ang pag agos ng aking dugo

Nakahanda na tong sumugod pabagsak ang kanyang pagdating papunta sa akin

Napakabilis non...

Ahhh...!! sino ang may gawa non sa paa ko...

Nagulat ako para itong ibon na nabaril at dire diretsong bumagsak sa langit

Ang lakas ng pagkakabagsak nito at nahandusay

Aray...!!!

Pakiusap tama na..!!

Di ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi parang may kung anong nagpapahirap dito

Alex sapo..

Ang aking ispadang si talim si richie yon hinagis nya sa akin

teka yun yung kalating bahagi ng mananagal ang kanyang mga paa

Anung ginawa mo richie?

Duda na ko sa babae na yan alam kong may kakaiba ng makita kong bilog ang buwan alam kong isa syang mananangal kaya dali dali akong pumunta sa karatig baryo para kumuha ng asin at apog na ilalagay sa kanyang kalahating katawan

Ang galing mo richie..

Syempre mahigit sampung taon na kaming nakikipaglaban ni tonio sa mga ganitong nilalang

Lumipad mula ang mananangal at wala na sa balanse ang kanyang paglipad

gumegewang gewang ito sa itaas

Papatayin kitang tikbalang ka..!!

Mag uumaga na pag di ka nakabalik sa iyong kalahati mamatay ka ano pa ang magagawa mo ngayon..

Malapit ng sumikat ang araw at sumusilip narin ang sinag nito sa langit

Hindi...!!!

Malakas na hiyaw ng mananangal nang tuluyan syang sunugin ng araw at paglaho ganun din ang kanyang kalahati

Pag hindi pala sya nakabalik sa kanyang kalahating katawan at maging isa bago mag umaga ay maglalaho sya at mamamatay

Isang kaalaman ang aking natutunan mabuti nalang at isang kaibigan ang malaki ang karanasan sa ganitong mga bagay

Sana balang araw makaya kong talunin ang mga ibat ibang klaseng nilalang sa aking sariling kakayahan
para hindi ko na kailangan ng tulong mula sa iba.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now