Chapter 34. Ang Wakas?

2.3K 123 3
                                    

Huhugutin ko palang ang aking espada mula sa suksukan nito ay nagbigay nang supresang pag atake si roman

Mabilis itong lumipad papunta sa akin at niyakap ako sa aking katawan

Inilipad ako nito sa himpapawid at dinala sa mga maiitim na ulap

Nagpumiglas ako upang makawala pero masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak

"Pakawalan mo ako"

"Alam mo ba ang magyayari pag nahulog ka mula sa ganitong kataas na lugar siguradong madudurog ang bawat buto mo sa iyong katawan at magkakaluray luray ang iyong mga kalamnan"

Sabay bitaw sa akin

"Ahhhh....!!!!"

Anna POV.

"Alex"

"Paano bayan babae mag isa ka nalang at wala na ang iyong kaibigan"

Sabi ni Faris na nakababad parin sa ilog

Kumuha ako nang palaso sa aking likuran at inasinta ang diwata sa ilog

Di manlang nito iniwasan ang aking palaso kaya tumama ito nang direkta sa kanyang katawan

Ngunit tumagos lamang ang palaso mula sa kanyang katawan

"Imposible paanong di ka timaan"

"Ito ang aking kakayahan maari kong gawin tubig ang aking buong katawan at walang sinuman ang makakapanakit sa akin"

"Di ako naniniwala"

Sunod sunod ang ginawa kong pagpana sa ibat ibang parte nang katawan nito

Malabong syang walang kahinaan sigurado akong may kahinahan sya

Ganon na lamang naubos ang aking mga palaso at wala manlang naging pinsala ang aking kalaban

"Walang kwenta hayaan mo di ko sasayangin ang pabisita nyo dito sa kakahuyan unti unti kitang papahirapan hanggang ikaw na ang humiling na mamatay kana"

Malakas na pagtawa kasunod nang mga binitawan salita

Inangat nya ang kanyang mga kamay at biglang gumalaw ang mga tubig sa kanyang paligid

Naghulmang mga malalaking ahas na gawa sa tubig ang kanyang binuo mula sa bawat kumpas nang kanyang kamay

Itinuro nya ang kamay nya sa akin at nag umpisa nang sumugod nang mga ahas na gawa sa tubig

Naging alisto naman ako at iniwasan nito

Tinamaan ang puno at ito ay nawasak ang bahaging tinamaan

Paano naging ganong kalakas ang isang tubig

Tama kakaiba nga ang nilalang na namumuhay sa kakahuyan na ito

Muli nyang inutusan ang kanyang mga nilalang na tubig na ahas upang muling umatake

Iniwasan ko muli ito at tumakbo nang mabilis ngunit sumunod lamang ito sa akin na tila may sariling buhay

Napaharap ako dito at di ko na maiiwasan pa ito kaya tinibayan ko na lamang ang aking sarili at isinanga ang aking mga kamay

Pero biglang umilaw ang agimat nang proteksyon at itinaboy ang ahas na gawa sa tubig ni faris

Nalusaw yon at bumalik sa papagiging ordinaryong tubig

" Paano mong nasira ang isa sa aking mga nilikhang ahas na tubig Anong klase nang salamanka ang iyong ginawa"

"Salamat sayo agimat"

Muli na naman umatake si faris at sabay sabay nyang pina atake ang limang ahas na tubig

Nakapaligid ito sa akin at wala na akong maaring pang takbuhan

"Mamatay kana hamak na mortal"

Direkta akong tinamaan nito at naramdaman ko ang lakas nang bawat isang tumama sa akin

Masakit ang aking buong katawan at wala na akong lakas upang lumaban pa

Hanggang sa mapaluhod ako at mapabuwal sa sakit na aking naramdaman.

"Ito naba ang wakas para sa akin"

-End of Chapter
Please vote

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Where stories live. Discover now